CHAPTER 73
AQUA POV
Pagkatapos magsalita si Fuego sa harapan ng mga estudyante ay wala ng umangal. Natakot ata kay Fuego, nandito pa din ako at ginagamot ang mga may sugat.
"Miss gagamutin kita." Sabi ko at lumapit ako sa babaeng may sugat sa paa. Akmang tatayo na ako ay bigla umitim ang paningin ko buuti na lang at may sumalo sa akin.
"Girlfriend pahinga ka muna." Sabi ni Reed sa akin.
"Ms.Aqua okay lang po ako, pahinga na lang po muna kayo." Sabi ng babae sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kanya at tumango. Napapagod din ako, kapag lagi kong ginagamit ang healing power ko ay nauubusan ako ng lakas.
Pinaupo naman ako ni Reed sa isang upuan at binigyan ng tubig.
"Maraming salamat Boyfriend." Sabi ko ngumiti naman siya sa akin at pinahiran niya ang mga pawis ko. Tumingin naman ako sa kabuohan ng gymnasium. Madaming estudyante, yung iba natatakot yung iba nag-aalala sa kanilang kasama.
Napatigil ang gawi ko sa gawi ni Fuego na kinakausap si Spencer na tila ay galit. Kasama naman nila Spencer sina Nash at ang mga kasamahan niya.
"Anong meron doon? Puntahan natin sila doon." Sabi ko kay Reed.
Ang mga ibang estudyante naman ay napatingin sa kanila dahil kay Fuego. Masyadong mainit si Feugo ngayon. Nang makalapit na kami ni Reed, nakita ko ng malapitan ang mga sugat na natamo ng aming mga kababata, kahit na tinaksil nila kami still kababata pa din nila kami.
Nagulat na lang ako pati ang ibang estudyante ng biglang umapoy ang kamao ni Fuego. Napasinghap naman ang iba sa nakita nila kay Fuego, hindi ko inaasahan na itinago nila Reward sina Claire sa likod nila. Hindi kaya? Basta.
Lumapit naman si Tierra kay Fuego sabay sabing "Fuego huwag ka ng gumawa ng comotion dito, mahihirapan tayong alisin ang kanilang mga memorya kapag ganoon." Saad ni Tierra kaya nanatiling seryosong tignan sina Lyndon.
"Fuego, pakalmahin mo na ang sarili mo. Huwag ka magpadala sa galit." Saad ni Raven at hinilot ang sentido niya.
Lumapi ako kay Zephyr at tinignan ko siya. Mukhang naintindihan niya naman ang ibig kong ipahiwatig, lumapit siya kay Fuego at hinawakan ang kamay nito. Bigla namang nawala ang apoy sa ginawa ni Fuego, si Zephyr lang kasi ang makapagkalma kay Fuego.
"Kayo ang dahilan kung bakit sinugod ang mga tao hindi ba?" Saad ni Fuego at ngumisi. Naging seryoso naman ang mukha ni Spencer sa inakto ni Fuego.
"Una una pa lang binalaan na namin kayo, ngunit hindi kayo nakinig." Saad ni Spencer kay Fuego.
Naagaw ang attention namin sa biglaang pagbukas ng pinto at
CHANDRIA POV
"Kamusta? Ayos lang ba kayo diyan?" Tanong ng nagpadala sa akin.
"Ayos naman. Ligtas naman sila sa nangyari kaninang pagsabog." Saad ko.
"Sige, bantayan mo siya ng maigi." Saad sa akin at bigla na naman siyang nawala. Hanggang ngayon hindi ko inakala na nandito ako upang magbantay.
Baka hinahanap na nila ako, kailangan ko ng pumunta sa gym. Nagtataka ba kayo kung sino ako? Isa akong Wizard na Class A. Siguro hindi na ako naaalala ni Eunice dahil matagal na din ang lumipas, mabuti na lang at niligtas ako ng isang tao.
Habang naglalakad ako patungo sa gym hindi ako magsisinunggaling na malakas si Fuego kanina. Fire Elementalist siya, nakakamangha.
Pagbukas ko ng pinto sa gym lahat naman sila ay napatingin sa gawi ko. Maski ang mga prinsesa nagulat pa nga sila ng nakita nila akong nakasuot ng white cloak ngunit iba ang disenyo ng akin. Lumapit ako sa kanila sabay sabing
"Mabuti naman at naisipan niyong pumunta dito." Saad ko kina Lyndon.
"Salamat nga pala sa pagtulong sa amin." Saad sa akin ng babaeng Nash ata ang pangalan. Tumango naman ako.
"Ano ang pinagsasabi ninyo?" Tanong ni Chaser na naguguluhan.
"Naabutan ko sila na nakikipaglaban sa kalaban. Kaya hindi na ako sumabay sa inyo, akala ko nga makakayan nila. Kaya back up ako." Saad ko at ngumiti sa kanila. Ngunit napalunok naman ako ng tinignan ako ng makahulugan nila.
"A-ano?" Tanong ko. Umatras ako ng umatras ang kaso lang may humarang.
"Saan ka pupunta? Hindi namin alam na may tinatago ka sa amin Chandria." Saad ni Raven.
"Isa kang class A. Sino ka?" Tanong sa akin nila Eunice kasama si Euria.
"Oo class A ako. Ligtas ako." Saad ko.
"Ikaw si Andra yung batang sobrang talino sa mga magic and spell tama ba?" Tanong sa akin ni Euria. Tumango naman ako.
"Andra?" Rinig kong bulalas ni Fuego.
"Oo Andra ang totoo kong pangalan." Sabi ko.
"Ibig bang sabihin iba ang totoo mong anyo?" Tanong ni Zephyr. Tumango naman ako.
"Ang daming sugatan dito. Nagamot na ba ang iba?" Tanong ko sa kanila. Siguro wala na akong choicd kundi tulungan ang mga prinsesa upang matapos na itong paghihirap ng mga estudyante.
"Madami pa. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa." Rinig kong sabi ni Aqua sa akin.
"Chandria, hindi namin alam kung paano ka tratuhin. Alam namin na mas matanda ka pa sa amin. Kung pwepwede bumalik ka na sa totoo mong anyo." Sabi ni Reed. Natawa na lang ako.
"Gagawin ko iyon sa ngayon, Aqua kaya mo pang manggamot?" Tanong ko at seeyoso siyang tinignan.
"Kaya pa naman. Nabawi ko na kahit papano ang lakas ko." Sagot niya.
"Mabuti kung ganon. Gamutin mo muna kababata mo. Ako na bahala sa mga estudyante." Saad ko.
"At bakit niya naman gagamutin ang mga tak---" hindi ko na pimatapos ang sasabihin ni Fuego dahil alam kong hindi naman magaganda ang sasabihin niya.
"Dahil makakatulong sila sa atin sa digmaan." Sabat ko na lang.
Pumunta naman sina Aqua at Reed sa gawi nila Lyndon na ngayon ay nakaupo na sa upuan, mabuti na lang at hindi madamot si Aqua sa kanyang kapangyarihan na healing power.
"So Eunice ano ang plano mo?" Tanong ko. Awkward naman akong tinignan ni Eunice dahil siguro sa itsura ko.
"Wala ka bang planong bumalik sa dating ikaw?" Saad niya. Napatampal na lang ako at natawa.
"Oo na eto na eto na." Saad ko at sa isang snap ng daliri ko ay bigla akong bumalik sa dati kong anyo. Yung ibang estudyante naman ay nagulat sa nakita nila ang iba naman ay walang pakealam ang iba naman ay namangha.
"Ang ganda mo Chandria ay este Andra." Puri ni Tierra.
"Mas maganda ka." Sabat ko na lang.
"Okay sige eto ang plano." Saad ni Eunice at huminga muna ng malalim.
"Gagamutin lahat ng mga estudyante na nandito sa paaralan dahil alam ko ang iba any na injured sa nangyari kaninang pagsalakay. Sa pag-uwi nila may mga letters silang ibibigay sa kanilang mga magulang. Aalisin natin ang kanilang memorya at papalitan iyon ng bago. Pagktapos natin ayusin ang lahat, ay maghahanda tayo papunta sa elemental world." Saad ni Eunice. Tumango naman ako.
"Kasama ba natin sila?" Tanong ni Fuego.
"Oo kasama natin sila. Maniwala ka sa akin, kung nandito si Aire tiyak papatawarin niya agad ang kababata ninyo." Saad ko. Napansin ko naman ang reaction ni Raven ng binggit ko ang pangalan ni Aire, napangiti na lamang ako. Namiss niya na talaga ang prinsesa.
"Sige. Sisimulan na natin ang plano, ngunit suggest ko Fuego paminsan minsan kumalma ka din. Humingi ka ng sorry sa mga kababata mo." Saad ko.
Napaatras naman si Fuego at nagcross arm habang ngumuso. Natawa na lang kami sa reaction ni Fuego. Dapat talaga marunong talaga silang dumala sa ugali ni Fuego dahil kung hindi baka tustado na sila.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...