Chapter 1 Part 4

7.1K 113 3
                                    

NAGULAT si Ashlee nang may tumapik sa balikat niya.
“Naintindihan mo ba ang sinabi ko, Ashlee?” tanong sa kanya ni Sophia. Nasa branch ng restaurant nila sa Quezon City siya ng mga oras na iyon.
“Ha?” May sinasabi ba ito sa kanya?
Bumuntong-hininga ito. “Ano ba kasing iniisip mo? Kanina ka pa nakatulala diyan pagdating mo, ah.”
Napabuntong-hininga din siya. Muli niyang hinaplos ang mga labi. Ano nga bang nangyayari sa kanya? Natutulala na siya sa isang halik lang. Ilang beses na rin naman siyang nahalikan ni Raffy. But not like that, kontra ng isang bahagi ng isip niya. Iba ang halik nito kanina.
Itinapat niya ang kamay sa tapat ng puso niya. Ngayon niya lang naramdaman ang ganito kabilis na tibok niyon.
“Hey! Ayos ka lang ba?” pumitik pa si Sophia sa harap niya.
Muli siyang tumingin dito. “Posible bang mag-iba ang halik ng isang tao?”
Kumunot ang noo nito. “Ano bang klaseng tanong iyan?”
“Answer me, posible ba ‘yon?”
“Hindi ko alam, bakit ba? Si Raffy na naman ba ang iniisip mo?” napa-isip ito. “Sa tingin ko, base na rin iyon sa willingness ng isang tao. Kung napipilitan lang siya, siyempre mararamdaman mo iyon.”
Ginulo niya ang sariling buhok. “Tama na nga, bakit ko ba kasi iniisip iyon?”
“Ngayon ka lang ba nahalikan ni Raffy?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Hindi ah,” Pero ngayon niya lang ako hinalikan ng ganoon, gusto niya sanang idugtong. Hindi niya maintindihan pero talagang kakaiba ang paghalik nito sa kanya kanina. It was like he never wanted to let her go at that time; that he wanted to pour all his feelings through that kiss.
Napatigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang cell phone niya. Nagulat pa siya nang makitang ang daddy niya ang tumatawag. Mabilis niya iyong sinagot. “Dad?”
“Ashlee, anak. Nasaan ka ba?” bungad na tanong nito.
“Nandito ako sa restaurant ko sa Quezon, bakit? Nandito na ba kayo sa Pilipinas?”
“Oo, umuwi ka na ngayon. Dumiretso ka muna dito sa bahay nina Raffy, may kailangan lang tayong pag-usapan,” utos nito.
“Bakit?”
“Just come here, hihintayin ka namin dito,” iyon lang at tinapos na nito ang tawag.
“Ano na naman kayang pag-uusapan namin?”
“Nandito na si Tito Ramon? Biglaan yata?” tanong ni Sophia.
“Yeah, kailangan ko ng umalis. Saka na lang natin pag-usapan ang tungkol sa restaurant.”
“Kanina pa nga natin pinag-uusapan iyon, hindi ka lang nakikinig,” sita nito.
Nahihiya siyang napangiti. “Sorry. Have to go… See you soon.” Pagkatapos ay nagmamadali na siyang lumabas ng restaurant at dumiretso sa sasakyan.

Author’s Note: This story (Rafael and Ashlee’s story) is still available in Precious Pages Bookstores nationwide along with the other books of The Breakers. Hope you can also grab a book copy. Thank you. Please bear with my inconsistent, slow update. Medyo busy kasi ako sa mga ipapasa kong novels for publishing. I am currently writing The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 10: Brandon Wesley Scott. Abangan din ang paglabas ng Breakers Batch 2 Book 9: Dave Talisen sa mga bookstores.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon