Chapter 16.5

4.4K 86 5
                                    

HINIGPITAN ni Ashlee ang pagkakayakap sa katawan ni Rafael, nakaunan siya sa braso nito. They just had a very wonderful moment, at wala siyang maramdamang pagsisisi sa ginawa. Napatingala siya dito nang maramdaman ang marahan nitong paghaplos sa buhok niya. Ngumiti ito sa kanya. Ginantihan niya ang halik nito at ginawaran ng mabining halik ang mga labi nito.
They just stared at each other without saying anything. Then he broke the silence.
“Do you love me, sweetheart?” buong pagmamahal na tanong nito.
Tumango siya. “Yes, I love you, Rafael,” bulong niya.
“I love you, too,” sagot nito. Nakatuon lang ang mga mata nito sa mukha niya. “It’s very painful to have this right love at the wrong time. I can’t take it anymore… Let’s run away from here, Ashlee.”
Nagulat siya sa sinabi nito.
“Let’s leave the country,” suhestiyon nito. “Ayaw ko ng mahirapan ka, pero hindi ko naman kayang hayaan ka na lang kay Raffy. Kung hindi kita makukuha sa simpleng pakiusap, itatakas na lang kita.”
Nangilid ang mga luha niya. Hindi niya alam kung bakit wala siyang maramdamang pagtutol sa suhestiyon nito. Masaya pa nga siya sa binabalak nito. Alam niyang hindi iyon tama, pero wala na rin siyang maisip na ibang paraan para maipagpatuloy pa ang relasyon nila.
“Pupunta tayo sa States, matagal akong nanirahan doon,” pagpapatuloy nito sa pagsabi sa kanya ng mga plano nito. “Kahit mali, I’ll use all my connections para hindi nila tayo masundan at mahanap. That’s the only way I know to be with you. Mas maganda na iyon kaysa palagi tayong palihim na magkikita dito. I’m willing to sacrifice all my works and projects here just to live with you there. I promise, I’ll make you happy for the rest of my life.”
Nakikita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Ang lahat ng mga sinabi nito ay mga bagay na hindi magawang sabihin sa kanya ni Raffy.
Hinaplos niya ang pisngi nito at ngumiti. “I’ll go with you, anywhere, Rafael. Wala akong pakialam sa kahit ano pang sabihin ng iba tungkol sa atin. As long as I’m with you, I’ll be more than happy,” wika niya habang nakatitig sa mukha nito. She saw that irrefutable happiness in his face on what she said.
Then, Rafael’s phone rang. Bumangon ito at kinuha ang cell phone na nasa bulsa ng pantalon nitong nasa sahig. Bumangon na din siya nang sabihin nito na si Sophia iyon at sinabing kailangan na nilang umalis.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiWhere stories live. Discover now