Chapter 19.2

4.6K 91 1
                                    

IT was raining very hard that night, sumandal si Ashlee sa headboard ng kama niya at marahang hinaplos ang sariling tiyan. Sumasabay sa buhos ng ulan ang mga luha niya, walang gabi na hindi niya iniiyakan ang nangyari sa buhay niya. Gabi-gabi ay humihingi siya ng tawad sa mga nagawa niya at ipinagdadasal na sana ay ligtas ang mga taong mahahalaga sa kanya.
Napatingin siya sa may pinto nang bumukas iyon at sumilip si Keira. “Puwede ba akong pumasok?”
Tinuyo niya ang mga luha at tumango.
Pumasok sa loob si Keira at naupo sa kama niya. “Ashlee, since you came in this farm, nagkaroon na ng buhay ang garden namin. The flowers are very beautiful, they look very happy. Ikaw ang nag-aalaga sa kanila, but it seems that you need some of their happiness and color,” marahan nitong hinaplos ang buhok niya. Matanda siya dito ng dalawang taon sa edad niyang twenty-six pero parang ito ang nakatatandang kapatid niya. “Ashlee, you’re a very good person. I have learned to be fond of you since you started living here five months ago.
“Hindi mali ang magmahal, it’s just that you loved him at the wrong time. There’s always a reason for everything, may dahilan kung bakit mo siya minahal at kung bakit mo siya nakilala. May dahilan kung bakit ka nandito ngayon at nasasaktan. Just stay strong, for your baby. You don’t deserve to be hurt, you deserve to be more than happy,” sabi nito.
Tumingin siya dito. She was very kind and beautiful, napaka-suwerte ni Jeremy dito.
Maya-maya lang ay sumilip din sa kuwarto niya si Jeremy. “Baby, matagal ka pa diyan?” tanong nito.
Napabuntong-hininga. Tiningnan nito ng masama ang asawa. “Hindi ka ba makapag-hintay? Kinakausap ko pa si Ashlee.”
“I want to sleep,” sagot pa nito.
“Di matulog ka na,” utos nito sa asawa.
“I can’t,” tuluyan na itong pumasok sa loob ng kuwarto niya at lumapit kay Keira. Hinaplos pa nito ang buhok ng asawa. “Napatulog ko na si Alexandre, si Dave naman ay na kay Mama. Come on, baby. Ako naman ang patulugin mo.”
Nakita niya nang pamulahan ng mukha si Keira sa sinabi ng asawa. She looked at her apologetically. “Pasensiya ka na dito kay Jeremy, ha?” hinawakan nito ang kamay niya at ngumiti. “Take a rest, masama ang panahon sa labas. Huwag ka na rin munang mag-isip ng makakapag-pa-depress sa’yo,” paalala nito bago tumayo at lumakad palabas.
Nilingon pa siya ni Jeremy. “I’m sorry, Ashlee. I just need my wife,” ngumiti ito.
Nakita pa niya nang hampasin ni Keira ang dibdib nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ng mga ito ay inabot niya ang telepono at tinawagan si Christopher. It took a while before he answered it.
“Hello?” his voice husky.
“Nagising ba kita?” tanong niya.
“What?” nasa tono nito ang pagkainis. There was silence for a moment. “Oh, I’m sorry. Ashlee, is that you?”
“Y-Yeah,” nag-aalangan niyang tugon. “I-I’m sorry for disturbing you, Chris.”
“No, it’s okay,” narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “You need something?”
“Wala naman,” nag-aalangan na siya ngayon. “Gusto ko lang kayong kumustahin.”
“I’m okay, kababalik ko lang galing London last week kaya wala pa akong balita kina Rafael. Do you want to talk to him? Sasabihin ko sa kanyang tawagan ka.”
“No,” mabilis na sagot niya, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. “Huwag mo sabihing tumawag ako. I have to hang up now, good night.”
“Are you doing okay there, Ashlee?” pahabol nito. “Hindi ba malapit ka ng manganak, ayaw mo ba talagang kausapin siya?”
“Hindi na, I’m fine here,” tinapos niya na ang tawag. Hindi niya puwedeng harapin ito kahit gusto niya, ayaw niya ng magkagulo ulit.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon