Chapter 18.2

4.5K 80 7
                                    

A/N: Chapter 18.1 is in private. Follow me so you can read it. Thanks.

ILANG minuto pa siyang nanatiling nakatayo lamang sa labas ng air lines bago niya natanaw si Christopher na papalapit sa kanya. He was wearing a simple gray jacket and jeans. Tumigil ito ilang hakbang ang layo sa kanya.
“What’s wrong?” tanong nito. “You run away from home? Bakit? Nagkakagulo na ba?”
Napatingin siya dito. “Thank you for coming here.”
Tumango lang ito. “Anong tulong ang kailangan mo?”
“I-I don’t have a place to go, a place where my Dad can’t find me. Ayoko ng palalain pa ang sitwasyon naming lahat, I care for all of them,” lumaglag na ang mga luha niya. “Chris, just help me this once. I’ll repay you soon.”
Ngumiti ito. “You don’t need to repay me, Ashlee. Of course, tutulungan kita kaya huwag ka ng umiyak. Kung gusto mong lumayo, wala na akong magagawa.”
Pinahid niya ang mga luha sa mukha. “Thank you,” bulong niya. Mabuti na lang at napakalawak ng isipan nito para intindihin siya.
“Gusto mo ba ng tahimik na lugar?” hindi niya na gaanong narinig ang tanong nito nang matuon ang atensiyon niya sa isang papalapit na white van. Mabilis ang takbo nito at mukhang walang balak tumigil, napatingin siya kay Christopher. Mukhang ito ang puntirya ng sasakyan. Mabilis niya itong hinigit palapit sa kanya, napaatras siya na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang balanse. They both fell on the ground, narinig pa niya ang pag-preno ng sasakyan bago ito muling umandar palayo nang makalapit ang ibang guwardiya.
Gulat na napatingin sa kanya si Christopher, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Agad itong bumangon. “Ashlee, are you alright?” he was in panic.
Napatingin siya dito. She couldn’t move and she could barely see him dahil nanlalabo ang paningin niya.
“Ashlee!” iyon ang huli niyang narinig hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiWhere stories live. Discover now