Chapter 10

5K 88 5
                                    

HALOS mag-iisang oras nang nakaupo si Ashlee sa tapat ng bar counter ng bahay ni Michael de Angelo – isang famous actor in Hollywood and in the country at isa sa mga ‘breakers’ na tinutukoy ni Rafael kanina. Halos puro mga businessmen, politicians at mga tanyag na artista ang nasa party na iyon. Wala naman siyang makausap dahil sina Thaddeus at Michael lang ‘ata ang nakikita niyang kakilala doon. Kanina pa siyang iniwanang mag-isa ni Thaddeus nang makakita ito ng panibagong biktimang babae. Kanina pa rin siya inis na inis kay Raffy dahil wala pa ito at hindi man lang siya tinatawagan kung may balak pa itong samahan siya sa party na iyon.
Iginala niya ang paningin sa mga taong nandoon, nagtaka siya nang makita si Sophia malapit sa kanya na mukhang may hinahanap.
“Sophie!” tawag niya dito.
Lumingon ito at napangiti nang makita siya. Lumakad ito palapit sa kanya. She looked beautiful in her red satin dress.
“Ash,” bati nito nang makalapit sa kanya.
“I didn’t know na invited ka pala sa party na ito,” sabi niya.
“Ah, yeah, inimbitahan ako ni Michael. Sayang din naman ang opportunity, maraming malalaking businessmen na nandito.”
“Oo nga,” sang-ayon niya. “Mabuti naman at nakita kita. Kanina pa ako bored na bored na dito. Si Thaddeus, nilayasan ako, wala naman akong kakilala dito.”
“Where’s Raffy?” tanong nito habang patuloy pa ring palinga-linga sa mga bisitang nandoon.
“I don’t know, baka nga hindi na iyon dumating. May kasama ka ba?”
Tumingin ito sa kanya. “Wala.”
“Si Rachel Leigh?”
“May performance siya ngayong gabi sa club nila. Saka wala naman iyong hilig sa ganitong parties,” napatigil ito sa pagsasalita nang may makita sa likod niya. “I’m really sorry, Ashlee. May kailangan kasi akong kausapin ngayon,” ibinalik nito ang tingin sa kanya. “I’ll talk to you later, okay?” iyon lang at lumakad na ito palayo.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa dami ng guests na nandoon. Humarap na lang siya sa bartender na nasa likod ng bar counter. “Martini, please,” sabi niya dito.  Napahawak siya sa ulo. Mag-isa na naman siya. Hindi na lang dapat siya nagpunta dito.
Nagpasalamat siya sa bartender nang iabot nito ang inumin niya. Masyado na siyang nahulog sa malalim na pag-iisip kaya hindi niya napansing mayroon na palang nakatabi sa kanya.
“A penny for your thought?” singit ng isang pamilyar na boses sa pag-iisip niya.
Agad siyang napalingon sa katabi niya. Ngumiti ito. Oh no, heto na naman ang puso niya.
Tinitigan siya nito. “I missed you, beautiful,” bulong ni Rafael.
She blushed. Memories of last night flashed back in her mind. Nginitian niya ito. He really knew how to make her feel good by telling her how he feels about her. “Anong ginagawa mo dito?”
“Siyempre, inimbitahan din naman ako ni Michael. Wala kang kasama?” tanong nito.
Tumango siya. “Hindi pa kasi dumadating si Raffy.”
Tumango lang din ito.
“Rafael, may itatanong ako sa’yo.”
“Shoot.”
“Gusto ko lang alamin kung kailan ka nagsimulang mag-panggap na si Raffy?” tanong niya. “Curious lang ako kung gaano katagal niyo na akong nilolokong dalawa,” pagbibiro pa niya.
Napakamot ito sa ulo. “I’m really sorry about that, sweetheart. Hindi ko naman intensiyon na lokohin ka,” napabuntong-hininga ito. “The first time I pretended to be Raffy was when you first cooked your special adobo for me.”
Tumango siya. “I knew it.” Iyon na nga rin ang nasa isip niya. Kaya pala sobrang weird ng pakiramdam niya noon ay dahil hindi naman talaga si Raffy ang kasama niya. Napailing siya. She was such a fool for not noticing it.
“Pero alam mo,” napatingin siya dito nang muli itong magsalita. “Alam mo ba na ako ang hinalikan mo noon sa lobby ng kumpanya ni Raffy?” nangingiting dagdag nito.
Nanlaki ang mga mata niya. It was him?! Hinampas niya ang braso nito. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?!” pagalit niya dito. Kaya pala ganoon na lang ang naramdaman niyang pagbabago sa halik na iyon.
Tumawa ito. “Sasabihin ko na sana sa’yo noon na hindi ako si Raffy, pero bigla ka na lang nanghalik,” paninisi pa nito.
Gusto niya ulit itong hampasin pero nagpigil lang siya. Sigurado siyang pulang-pula na ang mukha niya sa pagkapahiya dahil sa pagka-alala sa nangyari. “B-But you shouldn’t have kissed me again,” ganti niya. Muling nag-init ang buong pakiramdam niya sa alaala ng unang halik nilang iyon.
Malawak itong ngumiti. “I couldn’t control myself anymore at that time, sweetheart,” sagot nito. “Napakatagal ko ng pinangarap na mahalikan ka, palalampasin ko pa ba ang pagkakataon na iyon?” tumawa pa ito.
Hindi na siya nakasagot nang dahan-dahan nitong inayos ang nakalugay na buhok sa mukha niya. His stare made her lose her thoughts.
Agad siyang napasulyap sa ibang guests. “Rafael,” saway niya dito.
Ibinaba naman nito ang kamay. “Alright.”
“Oo nga pala,” aniya. “Tinanong ko si Raffy tungkol sa—”
“Ashlee…”
Napatigil siya sa pagsasalita nang marinig ang pagtawag na iyon. Napalingon siya sa likod niya at nakita niyang nakatayo na doon si Raffy. Hindi niya naitago ang pagkagulat sa biglaang pagdating nito.
“R-Raffy…” nauutal na banggit niya sa pangalan nito. Napasulyap siya kay Rafael nang umayos ito ng upo at tumingin din sa bagong dating.
“Pasensiya ka na kung pinag-hintay kita,” sabi ni Raffy. Tumingin ito kay Rafael. “Hindi ko alam na nandito ka, Rafael,” muli nitong inilipat ang tingin sa kanya. “Mukhang magka-ayos na kayo nitong kapatid ko. That’s good. Siguradong matutuwa niyan sina Papa at Mama.”
Nabigla pa siya nang hawakan nito ang kamay niya. Hindi niya sinasadyang bahagyang mahigit palayo ang kamay na hawak nito. Bumahid sa mukha nito ang pagtataka sa ginawa niya.
“Let’s go, kailangan ko pang kausapin si Michael,” sabi nito bago muling bumaling kay Rafael. “We have to go now, bro. I’ll talk to you, later.”
Tumayo na siya at muling napatingin sa kamay niyang hawak pa rin nito. Sumunod lang siya dito nang magsimula na itong maglakad palayo. Sumulyap siya sa kinauupuan ni Rafael at nakitang nakasunod pa rin ang tingin nito sa kanila; hurt was visible in his eyes. Gusto niya itong lapitan at yakapin ng mga sandaling iyon, pero hindi niya magawa. She looked at Raffy and to their clasped hands; he was her fiancé pero bakit hindi niya maramdaman ang pagmamahal nito. Why did it hurt her so much to hold hands with him?
Napatigil sila sa paglalakad nang makarating sa hallway ng bahay na iyon. Maya-maya ay naramdaman niya na ang pagbitaw nito sa pagkaka-hawak sa kamay niya. Pagkatapos ay hinarap siya nito. May ka-seryosohan sa mukha nito.
Tumingala siya dito kahit hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito. “T-Thaddeus said you had a lot of paper works in your office kaya ka na-late. It’s good na natapos mo na ang lahat,” pinilit niyang ngumiti.
“Yeah,” tugon nito. Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. “Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa sinabi mo kaninang umaga,” seryoso ang tono nito. “Tungkol sa engagement.”
Iniiwas niya ang tingin dito. “Oh… I’m sorry about that. Alam kong nabigla ka sa sinabi kong iyon,” humugot siya ng malalim na hininga. “It’s just that… napag-isip ko lang na mukhang wala rin namang patutunguhan ang relasyon nating ito. Hindi ba mas maganda kung tapusin na lang natin,” ibinalik niya ang tingin dito, umaasa siyang makuha nito ang ibig niyang sabihin.
“Alam mong hindi ganoon kadali iyon, Ashlee,” sabi nito. “Alam ko na marami akong naging pagku-kulang sa’yo pero hindi iyon dahilan para putulin natin ang engagement na ito. Maaaring masira at maapektuhan nito ang business ko, maging ng sa ama mo. If you will give me another chance, puwede tayong mag-simula muli.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya alam kung ano ang iisipin o sasabihin. Another chance? Alam ng puso niya na hindi niya na ito mabibigyan ng isa pang pagkakataon. Her heart wanted someone else. No matter how hard he tried, alam niyang hindi na magbabago ang nilalaman ng puso niya. Ano ng gagawin niya? Hindi niya gustong saktan si Raffy, pero mas hindi niya naman gustong tuluyang mai-kasal dito habang ang puso niya ay na kay Rafael.
“I’m sorry, Raffy,” bulong niya. “I’m just… so tired,” pinilit niyang huwag mapa-iyak. “Hindi ko alam kung makakatagal pa ba ako sa sitwasyon nating ito. I’m so sorry.”
Nakita niya ang pagtango nito. Nasa mga mata nito ang kaseryosohan. “You can’t give me another chance, that’s it, right?” pangungumpirma nito sa sagot niya. Then there was silence.
That silence was slowly killing her. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nito. Gusto niyang alamin kung ano ang tunay na nararamdaman nito. Bakit ba ito nagkakaganito? Bakit hindi na lang nito ipakita kung ano ang tunay na nararamdaman nito?
“Sabihin mo sa akin, Ashlee,” pagsisimula nito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. May awtoridad na sa boses nito, isang bagay na hindi nito ginagamit sa kanya noon. She felt chills down her spine when she looked at his cold eyes. “May itinatago ka ba sa akin?”
She froze. May alam ba ito? Napayuko siya. Ano ang isasagot niya dito? He said never to embarrass him, pero kapag sinabi niya dito ang katotohanang nagmamahalan sila ng kakambal nito ay siguradong hindi nito iyon palalampasin. She didn’t want to hurt and embarrass him just for her own happiness. Anong kailangan niyang gawin?
Napatigil siya sa pag-iisip nang may sumingit na tinig ng isang lalaki sa likod nila. Sabay pa silang napatingin ni Raffy dito. He was a foreigner, maybe in his early fifties and seemed to be a businessman. Agad nitong binati si Raffy pagkalapit.
“Mr. Choi, it’s nice to see you here,” anito at iniaro ang isang kamay.
Mabilis namang tinanggap ni Raffy ang pakikipag-kamay nito. “Mr. Wright, how are you doing?”
“Doing well,” ngumiti ang lalaki at sumulyap sa kanya. “Is she your fiancée?”
Tumingin sa kanya si Raffy. “Yes, this is Ashlee. Ashlee, this is Mr. Benjamin Wright,” pagpapakilala nito sa kanila.
Nginitian niya ang lalaki. “It’s nice to meet you, sir.”
Tumango ang lalaki at ngumiti. “Same here, your fiancée is very lovely, Mr. Choi. You are very lucky.”
“Thank you,” tugon ni Raffy.
“Should I invite you to our table? My business partners are there, I want you to meet him,” alok ni Mr. Wright.
“Why not?” muling tumingin sa kanya ang fiancé at ngumiti. “Let’s go, Ashlee.”
Tumango na lang siya at sinundan ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu