자기 : 01

1.5K 96 146
                                    

052418
Chapter one

***

"SEULGI naman." Wendy rolled her eyes. Inis na inis na sya sa kaibigan nya na kanina pa may ginagawa sa kotse ni Bogum. Nakatayo sya kanina pa habang hinihintay ang kaibigan nya na may ginagawa sa gulong ng kotse ng basketball player na si Park Bogum.

"Shh, sandali lang 'to!" Inis na usal naman ni Seulgi. Halatang naiirita na sa kanina pang reklamo ng reklamo na si Seungwan. Paano naman, ginagantihan nya lang ang walang modo na feeling gwapo na si Bogum. Ang jowa ng peace officer na si Joohyun also known as Irene. Bwisit na kasi sya sa lalaking mukhang ipis na yun. Sobrang yabang.

Ayan, butas na gulong ng kotse mo. Gago ka. Sa isip isip ni Seulgi at tumawa ng parang siraulo. Alam naman nya sa sarili nya gago talaga sya. Laman ng guidance, suki sa principal's office, usap-usapan sa faculty, at sakit sa ulo ng mga teacher. Lalo na ng peace officer na si Joohyun.

Well, gusto naman nyang kinaiinisan sya ni Joohyun. Ang cute-cute nito mainis sa kanya. Para bang kuneho na hindi nilambing. Kulang sa haplos.

Gustong-gusto nya kung paano sya irapan nito, kung paano umusok ang ilong nito tuwing nagagalit nya ito at kung paano ito tumalikod sa kanya na sume-sway pa ang bewang na para bang rumarampa sa isang fashion show. Witwew, sexy.

"Ano ba kasing ginagawa mo dyan?" Inis na tanong ni Wanda at kumamot pa ng braso, haller, nilalamok na ang Olaf nyo.

"Pinagpaplanuhan kung paano ka papatayin—" Napairap si Seungwan nang pilosopohin sya ng walanghiya nyang bestfriend. "Malamang binubutas ang gulong ng gagong kamote na yun." Napabungisngis sya nang marinig ang tawag ni Sluggie kay Bogum. Kaya kamote ang tawag nya, dahil mukha daw itong kamote na pinulot lang ni Irene sa lupa.

"Gago, gago, gago!" Hindi pinansin ni Seulgi ang paghihimutok ni Wanda. Malay ba nya kung kumakanta lang ito ng gago gago gago na ang tono ay yung sorry sorry ng Super Junior.

Nagulat sya nang hampasin sya ni Wendy sa likod, "Seulgi!" Kinakabahan na saad nito. Kumunot man ang noo nung oso, hindi nya nilingon si Olaf. Mukhang nakashabu, eh.

"Bakit ba?" Iritadong tanong ng oso habang busy pa sya sa pagputok ng— gulong. Gulong lang ha, mga beshies.

"Gago—" Hindi na natapos ni Wendy ang sinasabi nya nang marinig nya ang sigaw ng isang pamilyar na boses.

"KANG SEULGI! Ano na naman ba 'to?!" Rinig ang galit sa boses ni Joohyun. Oo, kilala nya ang boses na iyon. Si Irene. Napalunok sya at napatayo. Humarap sya dito at ngumiti ng alanganin. Kita nya ang galit sa mukha ni Irene, nakakunot na ang noo nito at nakakuyom na ang kamao na para bang ready na syang suntukin anytime.

"Sumama ka sa akin!" Inis na saad nito at tumalikod na kaagad. Napatingin sya kay Wanda na naaawang tinignan lang din sya pabalik. Wala mamang magagawa ang kaibigan nya. Isa pa, kasalanan din naman nya at hindi nya ito pinakinggan nung una palang.

Parang maamong tupa si Seulgi na nakasunod sa kuneho na mainit na ang ulo. Hindi nya alam pero nakatitig lang sya sa pwet ng peace officer habang naglalakad sila. Okay, ang manyak na naman nya.

"Bakit mo ba tinitignan ang pwet ko?!" Naiiritang saad ni Irene. Hindi nya napansin na nakaharap na pala ito sa kanya at nahuli ang pagtitig nya sa pwet nito.

Napaawang ang bibig nya at tumingin sa mga mata nito. Nagiisip ng magandang ipapalusot ngunit mas lalo atang nagusok ang tenga at ilong ni Irene nang marinig ang ni-rason nya.

"Mas maganda kasi pwet mo kesa sa mukha mo."

Oh, sweetie, Seulgi. You're dead.

***

Hello baby ¦ 슬린 Where stories live. Discover now