자기 : 02

1.2K 87 119
                                    

052518
Chapter two

***

"

HINDI ko alam kung anong kagaguhan ang pumasok sa kukote mo pero pwede kang ipakulong sa ginawa mo!" Inis na sigaw ni Irene habang nasa office sila ngayon ng mga officers. Silang dalawa lang ngayon dahil nagkataon na wala ang kasama nyang si Rosè na peace officer din.

"So?" Bored na tanong ni Seulgi habang tinatapik tapik ng daliri nya ang tuhod nya. Nakatitig sya sa tyan ni Irene na medyo nakalabas na dahil nakataas ng kaunti.

Sexy.

"Hoy! Ano bang tinitignan mo dyan?! Kanina ka pa ha! Kanina pwet ko tapos ngayon— urgh! Napaka-manyak mo talaga!" Inis na sigaw ni Irene sa kanya kaya naman napataas ng kaunti ang kilay ng oso. Sus, pakipot pa 'tong si Irene, eh ni-lap dance nga sya nito noon.

"Bakit ba lagi kang nakasigaw, huh?" Inis na tanong ni Seulgi at nagcrossed arms pa, "Ikaw pa mandin ang peace officer tapos ikaw 'tong parang sirang plaka na paulit-ulit at lakas pa ng boses mo." Pagtataray nito sa kuneho.

Napakunot naman ang noo ni Irene at inis na napatingin sa oso, "Excuse me? Kung maayos ka lang sana, hindi kita sisigawan. Aba, gusto mo na ata tumira dito sa office namin dahil suki ka na dito!" Inis na giit ni Irene at umupo sa swivel chair nya at napahilot pa ng sentido. Stressed na nga sya tapos dadagdag pa 'tong manyak na to.

"Oo, pwede naman. Basta ikaw ang kasama ko tapos i-lalap dance mo ulit ako—" Hindi na natapos ni Seulgi ang pangaasar nya nang may ballpen na tumama sa mukha nya. Hindi lang isa, kundi apat. Sunod-sunod na bato ang natanggap ng oso kaya napanguso ito.

Mesheket beshie.

"Napaka-manyak mo talaga! Kalimutan mo na ang nangyari noon pwede ba?!" Inis na saad ni Irene, makikita na ang pagkairita sa mukha nya. "Ilang buwan na din ang nakakalipas, kaya magmove on ka na, okay?! Nakaka-bwisit ka talaga." Inirapan pa sya nito.

Napabungisngis si Seulgi, yung tawang nawawala ang mata.
"Hindi pwede. Sarap kaya ulit-ulitin. Ang peace officer na si Irene, ang mabait, matalino ay—" Hindi na naman nya natapos ang sasabihin nya nang notebook na ang tumama sa mukha nya.

"Aray ha! Kanina ka pa! Duh, as if naman matatakasan mo iyon? May nangyari sa atin, and that's the truth!" Umirap pa si Seulgi at sumandal sa upuan nya.

"Isa pa talaga, at maiisip ko nang ni-rape mo ako. Napaka-manyak mo, eh." Naiiritang sabi ng kuneho.

"Excuse me din, Miss Bae. Ginusto mo din 'yun. Atsaka hello? Akala mo naman ikaw lang ang nawalan? First time ko din 'yun, no. Hindi lang ako kasing-OA mo!" Seulgi rolled her eyes, "Kasi uulitin ko, ha. Wala akong bayag!"

"B-bayag?" Napatingin sila pareho kay Rosè na nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanila. Nakatayo ito sa pintuan at ang nakaagaw ng atensyon nila ay ang bible na hawak nito na tila ba nagbabasa ito bago pumasok sa kwarto.

"A-ah," Napatawa ng mahina si Seulgi at kinakabahang napatingin kay Irene na nakakagat lang sa labi nya. "B-bayag, ano, name ng pinsan ko." Parang tangang pagpapalusot nito.

Oh sheez. Bayag who?

***

Magandang gabi, mga panget!

Hello baby ¦ 슬린 Where stories live. Discover now