자기 : 06

1.4K 90 75
                                    

101918
Chapter six


***

"ANG kapal ng mukha mo, ha. Akala mo ba pabor din ako dito? Aba, kahit maganda ka, hindi ko pinangarap na makasama sa iisang bubong ang katulad mong masyadong mapanlait 'no!" At dahil sa inis ni Seulgi dahil sa nakitang pagtutol sa mukha ni Irene at ayaw niyang natatapakan ang pride niya, ayan sumabog na naman ang oso.

"Shut up, Miss Kang." Irene rolled her eyes, "Kung hindi ka papayag, at hindi ako papayag, edi wala silang magagawa. Tapos ang usapan!" Madiin na sabi ni Irene habang hinihimas himas ang likod ng dala dala niyang baby.

Napaisip naman sandali si Seulgi. Kung papayag siya sa gusto ni Irene na pigilan ang parents nila, para na rin niya itong pinagbigyan. At yun ang ayaw niya. Ang satisfaction ni Irene.
Gusto niya laging mabwisit ito. Kung hahayaan niya naman ang plano ng parents nila, pwede niyang mabwisit araw - araw si Irene at. . .bakit nga ba ulit? Bakit parang gusto niyang pumayag sa kasal? Dahil lang ba sa gusto niyang mabwisit si Irene. . .

. . .o may iba pa?

Ah, basta. Hindi niya alam ang dahilan pero isa lang ang gusto niya. Ang mabwisit ang peace officer ng school nila bilang ganti sa panglalait nito sa kanya.

"Eh paano kung pumayag ako?" Napakurba ang labi ni Seulgi na parang nang-aasar nang makita niya kung paano kumunot ang noo ni Irene habang nakatingin sa kaniya. Halatang nayayamot na ito.

"Ano kamo?" Tanong ni Irene, "Gusto mo? Oh come on, we both know na ayaw mo para makalandi ka sa ibang babae." The bunny scoffed. "Ayokong magkaroon ng asawa na katulad mo, na batugan, at walang ibang sinabi kundi kamanyakan!" Umirap pa ang kuneho.

Nasaktan ng kaunti lang naman si Seulgi dahil sabi nga nila na truth hurts.

Imbis na magpahalatang nasaktan siya sa sinabi ni Irene, ngumisi nalang si Seulgi at tumawa na parang nang-iinis. "Yun na nga, Miss Bae. Ayaw mo, kaya 'yun ang gusto ko." Pinilit kumindat ni Seulgi ngunit hindi nya nagawa kaya naman umirap nalang siya.

"No. . .this can't be." Parang bangungot ito kay Irene. Ayaw niyang makasama ang manyak, tamad at walang kwentang kausap na si Seulgi. Sakit ito sa ulo niya simula dati pa at hindi niya maimagine ang mangyayari sa kaniya kung makasama pa niya ito sa iisang bubong.

"Pero mangyayari na, Irene." Ngumiti na parang inosente si Seulgi. Lalo namang nabwisit si Irene dahil nakita niya ang mapaglarong ngiti sa labi ng oso. Halatang gustong gusto nito na nakikitang naiinis siya.

"Narinig mo naman ang sinabi ni Mom kanina, hindi ba? You will stay at my condo. Sa ayaw at sa gusto mo. You can't do anything about it. . ." Seulgi chuckled. Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Irene habang ang isang kamay ay nakabuhat pa din kay Daeyeol.

". . .soon, you'll be my wife. So hello, Mrs Kang."

***

Hehehehe. Inupdate ko din 'to after ilang months.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hello baby ¦ 슬린 Where stories live. Discover now