자기 : 04

1.2K 91 87
                                    

060118
Chapter four

***

"MOM? What are you doing here?" Mahinang tanong ni Seulgi habang nakakunot ang noo. Tinatanong nya ang nanay nya pero nakatitig sya kay Irene at sa baby na dala-dala nito. May anak ba sya?

"Hinahanap talaga kita, anak." Nakangiting sabi ng nanay ni Seulgi. "Aalis na kami ng Dad mo ngayon. Kaya naman nandito ako para ipa-alam sa'yo na aalagaan mo etong baby." Sabi pa nito habang ang kamay nito ay may dala-dalang bag. "Nasa kotse ang gamit namin, yung Dad mo kasi, nauna na don at hindi na nakapagpaalam sa'yo. Kaya naman ako nalang ang pumunta para aware ka na may aalagaan kang baby."

Napaawang ang bibig ni Seulgi. Ano bang alam nya sa pag-aalaga ng baby? Eh baka nga ibalibag nya pa yan.

"M-mag-aalaga?" Napalunok sya, never nyang naimagine na mag-alaga ng bata.

As in never.

"Oo, anak. Pinsan mo 'yan! 2 months lang naman kaming mawawala ng Dad mo, eh alam mo namang nasa ibang bansa din Tita mo, diba? Next year pa sila uuwi kaya sa atin iniwan si Daeyeol, eh ayun nga, may kailangan kaming asikasuhin ng Dad mo sa business natin sa ibang bansa. So, sa'yo nalang namin iiwan." Paliwanag naman ni Mrs Kang.

"Mom, alam mo namang hindi ako sanay mag-alaga ng bata—" Hindi na natapos ni Seulgi ang sinasabi nya nang putulin sya ng nanay nya.

"Alam ko, anak. Kaya nga sinabihan ko din itong si Irene na samahan ka sa pag-aalaga." Napakunot ang noo ni Seulgi at napasulyap ulit siya kay Irene na inirapan lang sya habang buhat buhat yung baby. Taray na naman.

"Bakit naman? At bakit nyo kilala si Irene?" Singhal ni Seulgi, "Atsaka bakit nya kami tutulungan—"

"Why not?" Mrs Kang laughed, "Kilala ko si Irene, bata palang sya. Ano ba kayo, magkaibigan kami ng nanay ni Irene." Sabi pa nito. Nagulat naman si Seulgi sa narinig, wala syang kaalam-alam na magkaibigan pala ang mga magulang nila ni Irene. Sa part naman ni Irene, alam naman nya magkaibigan ang mga magulang nila kaya naman walang kaso sa kanya iyon. Kaya nga kahit gustong gusto na nya talagang patayin si Seulgi tuwing binibwisit sya nito, hindi din nya magawa. Una sa lahat, magkaibigan nga ang mga magulang nila. Pangalawa, hindi nya kaya. Syempre naman.

Para naman kay Seulgi, nagulat talaga sya sa nalaman nya. Hindi nya inaasahan iyon. "K-kahit na, hindi naman nya kailangang tulungan kami. Magpapatulong nalang ako sa iba." Giit ni Seulgi at sumulyap kay Irene na nakatingin lang ng masama sa kanya na parang sinasabing bakit ayaw mo sa akin?!

"Iha, maganda na ding masanay kayo ni Irene na magkasamang mag-alaga ng bata. Para sa future!" Sabay na napakunot ang noo nilang dalawa nang sabihin iyan ng nanay ni Seulgi.

"Ano bang sinasabi mo, Mom?" Nagtatakang tanong ni Seulgi. Naguguluhan talaga sya sa inaakto ng nanay nya.

"Hindi ko pa nga pala nasasabi sa inyo, my bad." Mrs Kang chuckled, tinignan ni Seulgi si Irene at nakita din nya na nakakunot ang noo nito. Halatang wala ding alam.

"Bata palang kayo, pinagkasundo na namin kayo. Ikakasal kayong dalawa pagka-graduate nyo!"

Say putangina.

***

Hello baby ¦ 슬린 Where stories live. Discover now