자기 : 05

1.2K 89 67
                                    

070818
Chapter five

***

"WHAT?" Sabay na sambit ni Irene at Seulgi, sumigaw pa sila pareho sa gulat kaya naman napacrossed arms si Mrs Kang.

"Oo, hindi ba nabanggit sa'yo ng nanay mo, Irene?" Tanong nito at umiling naman si Irene, "Ako kasi plano ko na talagang sabihin kay Seulgi. Wala lang time. So ayan na nga, nalaman nyo na. Mabuti naman kung ganon at mabuti rin na close kayo—"

"Hindi kami close!" Sabay na namang sigaw ng dalawa kaya napatawa na naman si Mrs Kang.

"I like that ha. Sabay kayo palagi, meant to be talaga kayo—"

"Mom!" Inis na saad ni Seulgi, "Seryoso ka ba?! Binubugaw mo ako?" Singhal nito sa ina nya.

Oo, gandang ganda sya kay Irene. Alam naman nya sa sarili nya na attracted sya dito. Gusto nya ito. Lagi nya itong inaasar para makuha ang atensyon nito. Pero kasal? Hindi nya gustong mai-kasal sa taong kulang nalang, gilitan na sya sa leeg. Alam nya kung gaano ito kainis sa kanya.

Hindi nya papangarapin na magkaroon ng asawa na hindi sya mahal. Baka nga isumpa pa sya nito. Isa pa, may boyfriend ito. Si Bogum— aka hangal at kamote. Ayaw nyang manira ng relasyon kahit na gago-gago sya.

"Hindi naman sa binubugaw." Her mom laughed at her, "Gusto ko na maging close kayo. Para naman wala ng problema. Malay nyo naman magkagustuhan din kayo, edi pabor sa inyo dahil botong boto kami! Isa pa. Dahil sa business kasi namin kaya namin naisipan 'to. Matagal na naming pinlano at wala na kayong magagawa!" Tumawa pa ang bruha nyang ina na para bang wala itong ginawang mali. "By the way, aalis na ako. Titira kayo sa isang bahay, okay? Sa condo mo, Seulgi." Tumingin ito sa anak nya at sinamaan ito ng tingin, "Kaya wag ka ng mambababae dahil alam mong may mapapangasawa ka na!" Banta nito. "Aalis na ako, alagaan nyo si Daeyeol, okay? At wag kayong gagawa ng milagro dahil titira na kayo sa iisang bubong." Sabi pa nito at hindi na sila hinayaang makapagsalita— umalis na ito habang tumatawa pa.

Oh my gosh.

Napakagat sa labi si Seulgi, hanggang ngayon hindi pa din sya makapaniwala na mapapangasawa nya si Irene. Na magkakasama sila sa iisang bubong— at aalagaan nila ang bubwit na ito.

Hindi nya ata kaya.

"What the fuck," Irene mumbled. Narinig ito ni Seulgi kaya naman napatingin sya dito at kita nya ang gulat sa mukha ni Irene. Halatang hindi pa din ito makapaniwala sa nalaman. Sya din naman.
"Ikaw? Mapapangasawa ko? Oh my gosh, no." Kita ang disgusto sa mga mata ni Irene. Aware naman sya na straight ito kaya naman maiintindihan nya ang reaksyon nito.

Naiintindihan nya na gulat din ito. Na hindi din ito makapaniwala. Naiintindihan nya kung naiinis ito at nandidiri sa nalaman nya. Naiintindihan nya na mukhang hindi ito masaya at kita ang pandidiri sa mata nito.

Pero bakit nasaktan sya nang makita ang pagtutol sa mga mata ni Irene?

Naiintindihan naman ni Seulgi.

Pero bakit masakit?

***

Ps. Nung June 2 pa 'to tapos, ngayon ko lang naalala ipublish, sorry na agad.

Hello baby ¦ 슬린 Where stories live. Discover now