자기 : 03

1.2K 89 113
                                    

052718
Chapter three

***

"BAYAG?" Nakangiwing tanong ni Rosè habang lumalakad ito papunta sa mesa nya. Nilapag nya dito ang bible na hawak-hawak nya at tinignan si Irene at Seulgi, "Eh ano yung sinasabi mong wala kang bayag?" Tanong naman ni Rosè, mahinahon lang ang salita nito. Nakakaantok ang boses.

Napabungisngis naman si Seulgi at napakamot sa ulo nya, "W-well, totoo naman iyon." Natatawang saad nya kaya naman napairap ng palihim si Irene. Wala na talagang nasabing may sense si Seulgi.

"D-don't mind her, Chaeyoung." Irene glared at Seulgi na nagkibit balikat lang. "It's just that alam mo na, may problema lang talaga sya sa isip-"

"Hey, kapal mo ha!"
Giit naman ni Seulgi. She gritted her teeth. Minsan talaga, kahit na maganda 'tong si Irene, gusto nalang nya itong ilublob sa inidoro para manahimik.

"Nandito ka na naman, Miss Kang? Hindi ka ba nagsasawa?" Mahinahong tanong ni Rosè na umupo na sa upuan nya.

Seulgi shrugged, "Hindi naman. Maganda naman si Irene, eh." Then she winked.

Irene rolled her eyes, "Disgusting." She mumbled pero narinig naman ni Seulgi kaya inirapan din sya nito.

Napailing naman si Rosè at naisip nya kung kailan kaya magkakasundo ang dalawang ito.

***

"SEULGI. Sama ka ba sa amin mamaya?" Tanong ni Joy habang nakaakbay ito kay Yeri. Nandito sila sa tambayan nilang magkakaibigan, kubo ito sa likod ng school nila. Mahangin at walang tao kaya naman hilig nilang tumambay dito. Wala si Wendy. May klase pa ata.

"Saan ba?" Tanong ni Seulgi sa dalawa sabay upo sa harap ng mga ito. Kumuha sya ng piattos na nilalapang nung dalawang satanas at sumandal.

"Sa impyerno." Pabalang na sagot naman ni Yerim kaya naman napairap na naman sya.

"Kayong dalawa nalang, kayo ata may-ari non." Seulgi chuckled.

"Dun lang talaga kami sa bahay nila Yeri." Sagot naman ni Joy. Mukhang matino ito ngayong araw na 'to dahil hindi ito nakikiloko kay Yeri.

"Ah. Pwede naman- kaya lang baka may gagawin kayo." Taas baba ang kilay na asar ni Seulgi.

"Asaness. Hindi naman kami katulad nyo ni Miss Bae na nagjugjugan kaagad 'no." Irap ni Yeri sa kanya.

Seulgi gave her a death glare, "Kapal ng mukha mo." Paano naman, wala naman talaga sa plano nyang sabihin ito kay Joy, Wendy at Yeri pero nadulas sya at ayon na nga, ginagamit na pang-asar sa kanya.

"Aalis nga muna ako. Dyan muna kayo." Sabi naman ni Seulgi at dala-dala ang piattos na lumabas ng kubo. Naglalakad sya sa campus nila dahil wala naman silang teacher. Umattend sa meeting.

"Seulgi, anak!" Literal na nanlaki ang mga mata nya nang marinig nya ang pamilyar na boses na iyon kaya naman napalingon sya at boom- nakita nga nya ang nanay nya.

"Mom?" Gulat na tanong ni Seulgi. Hindi sya makapaniwala kung bakit nandito ang nanay nya- pero mas nagulat sya nang makita nya ang katabi ng nanay nya.

Si Irene, may dalang baby.

What the hell?

***

Ang init talaga dito sa Pilipenis.

Hello baby ¦ 슬린 Onde histórias criam vida. Descubra agora