One

101K 1.7K 119
                                    

"When I was in College, I was voted as the student council president. Pagka-graduate ko naman pinag-agawan ako ng mga malalaking kompanya dahil narin siguro sa mga achievements ko.."

Blah blah blah ...

Napahikab nalang si Erin sa pakikinig sa mga sinasabi ng ka-date niya ngayon. She rolled her eyes secretly while drinking her wine. She was bored and pissed.

"Am I boring you?" Tanong sakanya ni Harry - ang ka-date niya ngayong gabi.

Ibinaba niya ang wine niya at pekeng ngumiti kay Harry. "No, it's just that I'm tired." Sagot niya.

"Kung pagod ka pala, bakit ka pang pumayag makipag-date?" Kunot-noong tanong muli ni Harry.

Kusang tumaas ang kilay niya dahil sa tanong nito sakanya. Nagkakilala sila ni Harry sa cafe niya. Naging customer niya ito, at nagkataong nagkapalagayang-loob sila nang magkakwentuhan silang sandali. Kaya naman nung ayain siya nito kumain sa labas ay pumayag naman siya. Para kasi sakanya, walang masama kung sumama siya. Open naman siya sa mga ganitong bagay.

Noong una, okay pa ang impresyon niya kay Harry, pero nang kalaunan na nagsimula na itong pumutak ng mga walang kwentang bagay. Ano naman ang pakealam niya kung naging student council president ito? Ano naman ang mapapala niya kung matagumpay ito sa negosyo nito?

Sa kabuuan ng kanilang dinner ay tila hindi siya natunawan dahil sa pagyayabang ng kutong-lupang nasa harap niya ngayon. Oo! Iyon na ang tingin niya kay Harry ngayon.


"Because I don't want to be rude. And also, gusto naman din kita makilala and nakilala naman kita." Sagot ni Erin sa tanong nito.

May sumilay naman na ngiti sa mukha ni Harry.

Sus! Akala siguro ng kutong-lupang ito na pupurihin ko siya. Over my dead sexy body!


Tumayo siya at naglabas ng iilang libong piso at ipinatong sa lamesa. Nakita naman niyang natigilan si Harry at nagtataka kung ano ang gagawin niya. She grinned at him. "It turns out that you are just a self-centered beast. Minsan nga papakilala ko sa'yo si Humble."

Inirapan niya si Harry at nag-walk out na mula rito pero mukhang natauhan ito at pinigilan siya sa braso.

"What did you said?!" Asik nito sakanya.

Siguro kung ang ibang babae ay makikita ang galit sa mukha ni Harry, marahil ay matatakot ito. But not her. Lalo na nang makita niya ang kanina niya pang hinihintay sa likod ni Harry. Nginisian niya ang kutong-lupang nasa harap niya.

"I'll give you three seconds to let go of me." Pahayag niya.

"What?" Aniya.

"One.."

Nakita niyang malapit na sakanila ang kanina niya pang hinihintay na tao.

"Two.." Hindi parin siya binibitawan ni Harry bagkus ay inilapit pa siya nito sa sarili.

"Three.." Bulong niya.

"What--Aray!" Daing ni Harry nang pilipitin ni Vin ang braso nito na humahawak sakanya kanina.

Binalingan naman siya ni Vin. "Are you okay?" Tanong nito sakanya.

Nginitian naman niya si Vin at umangkla siya sa braso nito at inihilig ang ulo niya sa balikat nito. "Yup! Ang tagal mo. Kanina pa ako bored." Sabi niya rito.

Marahas namang binitawan ni Vin ang braso ni Harry. "You may go now."

Hindi naman na umalma si Harry at padabog na umalis sa loob ng restaurant. Nang simula nang magyabang si Harry ay pinindot na niya ang binigay sakanya ni Vin na maliit na remote. Sabi nito, emergency button daw niya iyon na kapag pinindot niya iyon ay malalaman ni Vin kung nasaan siya dahil may built-in tracker ang remote na iyon.


It Might Be You [Fin]Where stories live. Discover now