Eight

76.2K 1.2K 68
                                    

Subsob sa trabaho ngayon si Vin dahil malapit na nilang i-release ang bagong unit ng phone na ilang taon narin nilang pinagtatrabahuhan. Tatlong araw narin siyang walang tulog dahil rito. Hindi na nga siya nakasama sa dinner nilang magbabarkada kagabi dahil sa trabaho. Hindi tuloy niya nakita si Erin. And speaking of Erin, tatlong araw narin pala niya ito hindi nakikita. Matapos ang party ng lola niya, ay naging busy na silang dalawa. Ano kaya ang inaatupag nito ngayon?


A knock on his door bring back him to himself. "Come in."

His secretary peeked in. "Sir? May I come in?"

"Sure, may problema ba Kate?"

Pumasok sa loob si Kate at base sa mukha nito ay tila balisa ito kaya naman lalong nangunot ang noo niya.

"Sir nasa labas po si Jane. Papapasukin ko pa ba?" Nag-aalalang tanong nito sakanya.

Napabuga nalang siya ng hangin at minasahe ang noo. "Sige."

"Pero sir.." May sasabihin sana si Kate pero bumuntong-hininga nalang sa huli. "Sige po."


Maya-maya lang ay pumasok na si Jane.


"Hi Vin!" Masayang bati nito sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

Pasimpleng lumayo siya rito at nginitian ito. Iminuwestra niya ang upuan sa harap ng lamesa niya. "Have a seat."

Sumunod naman ito at umupo sa harap niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Jane?" Magalang na tanong niya.

"Hindi ka kasi nagrereply eh. Kaya naman pinuntahan nalang kita dito."

"Sorry, medyo busy kasi ako kaya hindi ko natitignan ang phone ko. Bakit nga pala?"

Tumayo si Jane at umikot para maupo sa lamesa sa harap niya. Inusod niya ang swivel chair niya patalikod para makalayo kay Jane.

"Samahan mo naman ako." Sweet na pakiusap nito sakanya.

Vin sighed. "Saan? I'm kind of busy, Jane."

Jane pouted. "Sige na naman oh. Please? Tulungan mo na ako."

Napapikit nalang si Vin. Gustong-gusto niyang tanggihan si Jane pero ano'ng magagawa niya? Hindi siya ganoon. Even if Jane is getting on his nerves, babae parin ito at somehow kaibigan niya naring itinuturing. And he can't say no to a person that needs his help. Turo iyon ng magulang niya sakanya.


"Fine." Suko niya rito.

Nagpapalakpak naman ito sa tuwa. Binilinan nalang niya si Kate na masama ngayon ang tingin kay Jane. Gusto niyang matawa dahil sa tinging ibinibigay ng sekretarya niya sa kasama niya. Alam na alam niyang naiirita ito kay Jane dahil maarte at maingay raw ito. Which is true.


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya kay Jane nang makasakay na sila sa kotse niya.

"Sa mall lang sana. Pero pwede bang dumaan muna tayo sa condo ko? May nakalimutan kasi ako." Pakiusap nito sakanya.

Hindi nalang nagreklamo si Vin at nag-drive na siya papunta sa condo ni Jane.

"Pasok ka muna." Sabi sakanya ni Jane.

Hindi na siya prumotesta dahil ayaw narin naman niyang humaba pa ang diskusyon nilang dalawa ni Jane. And knowing Jane, she can be really persistent. Laking gulat nalang niya nang bigla siyang sunggaban ni Jane ng isang halik na naging dahilan kung bakit natumba silang pareho sa carpet nito.

It Might Be You [Fin]Where stories live. Discover now