Four

71.7K 1.3K 72
                                    

Inihit ng ubo si Vin nang sabihin ni Erin sakanya na maging nobyo siya nito. Maging si Dylan na sadyang madaldal ay napatameme sa nakakagulat na sinambit ni Erin.

Sinulyapan niya si Erin sa kanyang tabi upang malaman kung nagloloko ba ito o hindi. Pero nang tignan niya ito sa kanyang gilid ay seryoso parin itong nakatingin sakanya na tila ba'y hinihintay siyang ma-absorb ang mga salitang nagpagulat sakanya. Si Mitch naman ay natatawa lang sa tabi ni Dylan at sa tingin niya ay may alam ito sa kung ano'ng sinasabi ni Erin.


"Ano? Sasagutin mo na ba ako?" Tanong sakanya ni Erin.

Napatitig siya kay Erin at naningkit ang mga mata niya. Seryoso ba ito? Gusto siya nitong maging nobyo? May kung ano'ng saya ang umusbong sa kanyang loob. The thought of being Erin's boyfriend just gives him the satisfaction and urge to protect the woman he adores so much.

"Seryoso ka talaga?"

Hindi talaga makapaniwala si Vin sa mga nangyayari. Parang finast-forward lahat ng mga ito. Pumunta lang siya rito sa cafe ni Erin dahil may pag-uusapan sila ni Dylan tungkol sa business proposal nito pero mukhang pati si Dylan ay nakalimutan na ang pakay dahil na rin sa gulat.

Tumango si Erin bilang sagot sa tanong niya. "Seryoso ako.."

Tinitigan niya si Erin at alam na alam niya na seryoso nga ito. He knows very well when Erin is lying or not. And from what he sees right now, she's not. Definitely not.

"I..Erin.."

Hindi niya makuha ang mga salitang maglalarawan sa kasiyahang nararamdaman niya ngayon. Totoong masaya siya at hindi niya inaakilang tila may kuryenteng kumikibot-kibot sa katawan niya. Pero akala lang pala iyon, tila biglang naglaho ang mga nararamdaman niya nang marinig niya ang sunod na sinabi ni Erin.


"I need a boyfriend." Wika nito.

Need? Hindi ba dapat ang sabihin niya ay 'want'? Hindi ba't kapag pumapasok ka sa relasyon ay dahil sa gusto mo? You want to enter a relationship because you want to not because you need to. Bakit parang mali ata ang pagkakasabi ni Erin? O tama nga ito at masyado lang siyang naghangad?


"Need?" Pag-uulit niya.

Tumango naman si Erin na ikinalumo niya.

"I need a boyfriend."

"Why do you need a boyfriend? What for?" Kunot-noong tanong niya. Hindi niya kasi mawari sa isip kung bakit kailangan nito ng boyfriend.


"Oo nga, bakit mo kailangan ng boyfriend?" Singit ni Dylan.

Mitch rolled her eyes at hinatak si Dylan sa braso. "Sa kabilang table muna tayo babe, I'll tell you nalang. Huwag ka nang um-epal diyan."

Tumayo ang mag-asawa at lumipat sa kabilang table leaving him with Erin na umikot sa tapat na upuan niya.


Huminga muna ito bago ulit magsalita. "I need you to pretend to be my boyfriend."


"Bakit nga?" Pag-uulit niya.

"Kasi I kind of said to my family that I have a boyfriend." Kinagat nito ang ibabang labi niya na ikinahigit ng hininga niya.

Why could she be so seductive unconsciously?

"May boyfriend ka na?!" Gulat na tanong niya. Medyo napalakas ang boses niya kaya naman ang ibang tao sa cafe ni Erin ay napatingin sakanila. Yumuko siya ng kaunti at lumapit kay Erin at inulit ang tanong niya. "May boyfriend ka na?!"


It Might Be You [Fin]Where stories live. Discover now