Seventeen

62.1K 1.1K 40
                                    


Kanina pa nagtatalo sina Erin at Vin sa sections ng mga chocolates. Paano ba naman kasi, iyong mga nilagay ni Erin na mga pagkaing gusto niya ay ibinabalik pala kaagad ni Vin kung saan niya ito kinuha.

Kinuha niya muli ang isang balot ng kitkat at inilagay sa cart nila, pero kinuha nanaman iyon ni Vin at ibinalik. Nainis nanaman siya. "Ano ba?! Bakit mo ba binabalik?" Singhal niya rito.

"Erin, puro junk foods at chocolates nalang ang kinukuha mo. Hindi kaya mapurga ka na sa mga iyan?"

Inirapan niya ito at kinuha muli ang isang balot ng kitkat pero mabilis namang binawi ni Vin ito sa kamay niya.

"Erin naman, please. Pinagbigyan na kita sa pringles mo. No more." Pakiusap sa kanya ni Vin.

"Gusto ko nga nito!" Pagmamaktol niya. Mabuti nalang at maaga pa kaya naman kakaunti lang ang mga tao dito sa grocery store.

Napabuga si Vin ng hangin. "Matutuyuan ako sayo ng dugo nito eh."

"Ilagay mo na kasi sa cart iyan." Sabi niya rito.

Wala naman nang nagawa si Vin at nilagay na rin sa cart ang balot ng kitkat. "Tsk! Puro chichirya at chocolates ang laman ng cart oh."

Nginisian nalang niya si Vin at nauna nang maglakad. Okay na siya. Nasunod na ang gusto niya. Kaya naman hinayaan niya na si Vin na mamili ng iba pang kailangan niya.

"Ako na magbabayad ah!" Mabilis na sabi niya nang matapos nang i-punch in ang mga prizes ng mga pinamili nila.

Humalukipkip si Vin at nginitian nalang siya na parang may alam na hindi niya alam. Tinignan niya ito ng duda, pero isinawalang-bahala nalang niya. Kinapa niya ang bulsa niya para kunin ang wallet niya pero wala siyang makapa!

Shoot! Hindi niya nadala ang wallet niya!

"Naghihintay siya, Erin. Magbayad ka na." Nakangising sabi ni Vin sakanya at tinuro ang naghihintay na babae sa likod ng cash register.

Ngumiti siya ng tabingi rito at binalingan si Vin. "Ah, eh..Vin."

"Wala kang dalang pera,ano?"

Tumango siya. "Oo, nakalimutan ko. Ikaw muna magbayad." Sabi niya.

Umiling-iling nalang si Vin na parang hindi makapaniwala at inilabas ang wallet sa likod ng bulsa nito.

"Paki-void ang mga ito." Sabi ni Vin sa cashier at tinuro ang mga chichirya niya at chocolates!

"Hoy! Sino'ng may sabi gawin mo iyan?" Inis na bulyaw niya rito.

Nilingon naman siya ni Vin. "Ako, bakit?" Sagot nito na parang wala lang.

"Hindi. Huwag mong sundin iyan, miss." Sabi niya sa cashier at inirapan niya si Vin.

"Sige, hindi ko ipapa-void pero ikaw magbayad ng mga iyan ah." Nakangiting sabi sakanya ni Vin.

Nagpapapadyak siya. "Eh! Hindi ko nga dala ang wallet ko."

"Kaya nga, since ako naman ang magbabayad, ako ang masusunod kung saan ko gagastusin ang pera ko. And I say, void those junk foods and chocolates. Ititira ko naman ang dalawang tube ng pringles at isang balot ng kitkat mo eh. Deal?"

Bumuntong-hininga nalang si Erin at napanguso.

"Huwag ka ng ngumuso diyan, hindi uubra sa'kin iyan ngayon. Para sa'yo naman itong ginagawa ko." Paglalambing sakanya ni Vin.

It Might Be You [Fin]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu