Five

69.9K 1.4K 94
                                    

"Ano'ng bibilin mo rito?"

Sumusunod lang si Erin kay Vin habang naglalakad sila papasok sa mall. Nagtataka lang siya kung bakit bigla-bigla nalang siyang hilahin ni Vin at nagpasama magpabili ng kung ano.

"Si Vaileen kasi eh, nagpapabili ng mga pagkain. Nasa bahay ang mga kaklase niya." Tukoy nito sa labing-walong taong kapatid na babae.


"Ah, ano ba ang gusto niyang ipabili?" Tanong niya at sinabayan sa paglakad si Vin.

"Bibilan ko nalang siguro ng chips and sodas." Aniya.

Napapalatak siya at umiling-iling. "Bilan mo nalang sila ng pizza o kaya donuts. Halika doon tayo sa Yellow Cab." Aya niya rito.

Umungol si Vin. "Eh, ang haba ng pila diyan eh."

"Gusto ko din ng pizza eh!" Reklamo niya.

Napabuga nalang ng hininga ito. "Fine, pizza it is."

Tagumpay na ngumiti si Erin dahil pumayag rin sa huli si Vin. Mabilis na ikinawit niya ang kanyang braso sa braso ni Vin at inihilig ang ulo niya sa balikat nito. Mabuti nalang at naka-wedge siya at abot ng ulo niya ang balikat ni Vin. Matangkad kasi ito at kapag hindi siya naka-heels pantay lang ang tuktok ng ulo niya sa mismong balikat nito.

Nang maka-order na sila ng tatlong boxes ng pizza ay umalis na sila.

"Matutuwa si Mama kapag nakitang kasama kita." Wika ni Vin habang pasakay sila sa kotse nito.

"Mas mahal nga kasi ako ni Tita Val kesa sa'yo." Biro niya.

Vin chuckled and agreed to her. "Yeah. Gusto ka talaga ni Mama at Vaileen." Sabi nito.

Napangiti nalang siya habang binabasa ang mga texts sakanya. Matagal narin siyang kilala ng pamilya ni Vin. Madali naman pakisamahan ang mga ito dahil likas na mababait ang mga Fortez kaya nga siguro'y mabait rin talaga si Vin, wala na siyang masabi roon.


Mabilis naman silang nakarating sa bahay ng mga Fortez. Kinuha ni Vin ang binili nilang pizza. Pinagbuksan rin siya nito ng pinto. He's really a gentleman, alright. Nauna itong pumasok at sumunod lang siya. Bumungad sakanilang dalawa sina Vaileen at ang mga kaklase nito sa may sala. May mga nakaupo sa sahig ang iba naman ay sa couch at kanya-kanyang bukas ang mga laptop na dala ng mga ito, halatang may ginagawang group project.

"Ate Erin!" Tili ni Vaileen at mabilis siyang niyakap.

"Hi, Vai." Natatawang bati rin niya rito.

"Mabuti naman at kasama ka ni kuya." Sabi nito at tsaka binalingan ang kapatid. "Nakabili ka ng pagkain, kuya?"

Itinaas ni Vin ang tatlong boxes ng pizza. "Is this enough?" Tanong ni Vin sa kapatid.

"Sobra pa nga iyan eh." Natatawang sabi ni Vai.

"Akin ang isang box diyan ah." Singit niya sa usapan ng magkapatid.

"Of course,ate." Natatawang sang-ayon ni Vaileen sakanya.

Lumapit silang tatlo sa mga kaklase ni Vaileen. Siguro'y higit sa sampung katao ang naroon. Karamihan ay babae.

"Guys! Kapatid ko si kuya Vin. And this is ate Erin, his closest friend" Pakilala sakanila ni Vaileen.

Inilapag ni Vin ang dalawang box ng pizza sa center table. "Kumain muna kayo." Nakangiting wika nito sa mga kaklase ni Vaileen.

It Might Be You [Fin]Where stories live. Discover now