Twenty-six

60.4K 1.4K 90
                                    

Nang dumampi na ang labi ni Vin sa labi ni Erin, nawala na sa sarili ang babae. Her mind became hazy, she couldn't even think normally. She was pretty much absorbed on how Vin's soft lips move against her lips.

Kusang pumikit ang mga mata niya at kusang pumulupot ang mga braso niya sa leeg nito habang ang mga kamay niya ay piniling paglaruan ang buhok nito sa likod. Mas lalong diniin ni Vin ang sarili sakanya, pero wala siyang pakielam. Naramdaman nalang niya naglalakad sila at ilang sandali lang ay naramdaman niyang nakahiga na siya sa kama habang pumaibabaw sakanya si Vin.

He's still kissing her, his hands caressed the sides of her waist that adds up the fire within her. She can't help but pull Vin closer to deepen the kiss.

"Hmm.." ungol niya nang iwan ni Vin ang labi niya at hinalik-halikan ang buong mukha niya pwera ang labi niya.

He's teasing her!

"I love you, Erin." bulong nito bago muling sakupin ang labi niya.

They may have crossed the barrier of their friendship, but this felt...right. Gusto niya ang mga nangyayari ngayon, at alam niyang si Vin rin ay kagustuhan din ito.

---------

Tahimik lang na nakahiga sila Erin at Vin sa kama niya. Nothing happened between them. They just made out. After that, they just lied down and let sleep take them over.

Ngayon ngang umaga na, nanatili lang silang nakahiga sa kama. Nakahiga siya sa dibdib ni Vin at nakatingin sa labas ng glass window niya habang pinaglalaruan nito ang kanyang buhok at nakapikit lang ito.

Ang pagkulo ng kanyang tiyan ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila. Gumalaw ang dibdib ni Vin at narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"I think we should get up, nagugutom na ang alaga mo sa tiyan."

"Nakakahiya." she whined. Itinago niya ang mukha si dibdib ni Vin.

Gumalaw muli ang dibdib nito dahil sa pagtawa ni Vin. Naramdaman niya ang pagyakap sakanya ni Vin at madali itong naupo kasama siya.

"Sige, tawa ka pa!" inis na sabi niya rito.

"Sa'kin ka pa nahiya, I have seen you in your worst state." malambing na sabi nito sakanya bago siya halikan sa noo.

"Vin..."

"Tara na, I'll cook us breakfast."

Tumango siya at sabay silang tumayo mula sa kama. "Maghihilamos lang ako." sabi niya rito.

"Okay.." nagulat siya nang hilahin siya ni Vin at halikan sa labi. "I love you." mahinang usal nito bago tumungo sa kusina niya.

Natulos siya sa kinatatayuan. She just can't believe that Vin loves her, and matagal na daw! Well, hindi pa sila nagkakaroon ng chance para mag-usap. Maybe mamaya ay makakuha na siya ng tiyempo para mag-usap sila.

She just wish that she could say the same to Vin. She knows very well that she has a deep attraction towards Vin, but she is hell sure that it was not love ... yet.

Napabuga nalang siya ng hangin at tinungo ang banyo niya. Pagkatapos maghilamos ay sinamahan na niya si Vin sa kusina. Naabutan niya itong nagpiprito na ng bacon and eggs.

"Ako na diyan." alok niya rito nang makalapit siya sa may stove.

Inilayo ni Vin ang spatula sakanya nang akma niya itong kukunin. "Umupo ka nalang diyan. Ako na ang bahala, okay?" kausap nito sakanya na para ba siyang bata.

"Magtitimpla nalang ako ng kape. The usual ba?" tanong niya rito tukoy ang tipo ng kape nito.

Tinignan siya ni Vin na nagtataka. "Of course, alam mo naman na ikaw lang ang may kuha ng timpla ng gusto kong kape eh."

She shrugged. Naninigurado lang siguro siya na hindi parin nagbabago ang taste ni Vin. Matagal-tagal narin nang ipagtimpla niya ito ng kape. Or maybe, baka naghahanap lang siya ng sasabihin para hindi maging awkward ang pagitan nila.

She busied herself making their coffee. Nang mailapag niya ang dalawang mug ng coffee sa lamesa ay hinintay niya si Vin matapos. Hindi naman nagtagal ito dahil maya-maya lang ay inilapag na nito ang dalawang plato ng may eggs and bacons with bread.

"See? Kuha mo talaga ang taste ko." Vin said while wiggling his eyebrows.

Inirapan niya lang ito at tahimik na kinain ang almusal niya. Narinig niya itong tumawa at kumain nalang rin ng almusal.

-----

Matapos maghugas ni Erin ng pinagkainan nila, naabutan niya si Vin sa living room na nagsusuot ng sapatos nito.

"Aalis ka na?" tanong niya rito.

Nag-angat ito ng tingin sakanya and smiled at her. "Oo eh. Marami akong gagawin sa office."

"Hindi ba tayo...mag-uusap?" may pag-aalangan na sabi niya.

Nilapitan siya ni Vin at hinawakan ang magkabilang balikat niya at tinignan siya ng diretso. "Of course we'll talk." nakangiting wika nito. "Later, I'll pick you. Date tayo." he winked.

Napangiti narin siya dahil sa inakto ni Vin sa kanya. "Sabi ko mag-usap tayo."

"Bakit? Pwede naman tayo mag-usap habang nagde-date, 'di ba?"

She rolled her eyes at him. "Pilosopo. Sige na nga, layas na!"

Vin chuckled and pulled her for a hug. "I'll see you later."

Tumango siya rito. "Ingat ka."

Napapikit nalang siya nang halikan siya muli ni Vin sa labi, mabilis lang iyon pero pakiramdam niya matagal iyon.

Nang buksan niya ang mga mata ay nakita niyang nakangisi si Vin sakanya. Bigla siyang nahiya pero pinili niyang itago ang pagkapahiya sa pamamagitan ng pagpalo sa balikat nito. "Nakakarami ka na ah!"

"Gusto mo naman eh." natatawang sabi nito.

She gasped. "Kapal!" sigaw niya rito at pinalo-palo niya ito.

"Aw!" daing nito.

"Kapal mo talaga!" inis na sabi niya rito pero tinigilan niya na ang pagpalo rito.

"Oo na. Makapal na mukha ko. And I'm proud kasi nahahalikan na kita nang paulit-ulit at nasasabi ko rin na mahal kita."

Hindi siya nakapagsalita. How could this man love her? Ang swerte naman niya. Vin is all a woman could ask for, and now she's that lucky woman that Vicente Fortez loves.

Pucha! Kinikilig siya!

"Umalis ka na nga!" pagtataboy niya rito. Baka kasi inisin pa siya nito kapag nahalata nitong kinikilig siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

Pero bago lumabas si Vin ay may sinabi pa ito. "Balang araw, I'll make you say you love me too." nakangiting wika nito.

Bigla nalang siya napangiti. "Talaga lang, ha?" asar niya rito.

Ngumisi ito sakanya. "Trust me, Erin. I'll do everything just to make you love me. And the moment those words would come out from your mouth, agad-agad kitang hahatakin sa simbahan para pakasalan."

-----------

VOTE AND COMMENT ;)))

Follow @kendeyss

-------

It Might Be You [Fin]Where stories live. Discover now