Chapter 18: Acquaintance Party Part 2

17 1 0
                                    

Note: Baka isa or dalawang beses na lang ako makapagUD kasi may pasok na.. Hahaha, sana maintindihan niyo. Don't worry guys, di lilipas ang isang linggo na hindi ako nakakapagUD. Thank you sa mga loyal readers haha, sana nag-eenjoy kayo ^_^

-----

THIRD PERSON'S POV

"Hoy, namumutla ka bakulaw. Ba't ba di ka na lang umuwi?" pang-ilan na tanong na ni Jashea habang nasa byahe sila.

"Ilan beses ko bang sasabihin sayo na ok lang ako? At kailan ka pa naging concern sa akin?" sabi ni Dale na nakatuon ang tingin sa daan habang nagmamaneho.

"H-hindi ako concern. Asa ka naman? Nagtatanong ako kasi ayoko talaga magkaroon ng partner, naiintindihan mo? Kaya nga tinanggihan ko si kuya Mark eh. Kung hindi lang sinabi ni tit----WAHHH, NAKALIMUTAN KONG TAWAGAN SI TITA AMANDA" biglang sigaw neto kaya napapreno agad si Dale

"Ano bang klaseng mic ang meron jan sa bibig mo? Your too loud and why the heck you need to call my mom?" galit na sabi neto kay Jashea.

"Ehhh.. Kasi... Hehe Basta.. Ano bang pake mo?" sabi neto na inirapan lang ni Dale at nagdrive ulit. Tinawagan naman agad ni Jashea ang mama ni Dale.

"Hello po tita hehe. Sorry po, nakalimutan ko kayong tawagan kanina" sabi ni Jashea.

[It's ok ija. By the way, sinong maswerteng lalaki ang naging partner mo?] sabi neto kay Jashea na ipinagtaka ni Jashea.

"Si Dale po kasi sabi niyo daw po na gusto niyong maging kapartner ko siya" takang sagot niya.

[What? I didn't te--*toot* *toot*] naputol ang tawag ng agawin agad ni Dale ang phone neto at pinatay.

"We're here" sabi lang neto.

"Teka, yung cellphone ko" sabi ni Jashea.

"Tss. Bumaba ka nalang" sabi ni Dale na sinunod nalang niya at pumasok na sila.

"Wahhh. Ashleyyyyy, Daisyyyy, Kuya Markkkkk" malakas na sigaw ni Jashea pagkakita niya sa mga kaibigan at agad naman siyang lumapit at hinila si Dale.

"Excuse me? Who are you?" sabi ni Ashley dito.

"Wahhh. Ashley ako 'to. Si Jashea. Kuya Mark huhuhu wag mong sabihin na hindi mo na rin ako kilala? Daisy ako 'to. Hoy bakulaw, anong nangyayari sa kanila? Ace, Khie, Louigie, Liam. Di niyo rin ba ako makilala? Wahhhh huhuhu" maluha luhang tanong neto sa mga kaibigan.

"Hahahaha. They didn't recognized your face dragon" tumatawang sabi neto kay Jashea.

"Ohemgeee. Is that you Jashea? Bff?" gulat na tanong ni Daisy

"Oo. Bumalik na ba alala mo?" alalang tanong neto.

"Ohmyghadd. Bff, I'm sorry kung hindi kita nakilala huhu. Gumanda ka ng bongga." sabi ni Ashley at niyakap si Jashea. Ang mga lalaki naman ay natulala lang kay Jashea at hindi na maialis ang tingin rito.

"Come on, sit there bff" anyaya ni Daisy at pinapaupo sa gitna nila si Jashea dahil mukhang ewan na ang mga mukha ng mga kasama nila kay Jashea.

"Excuse me. She's my partner so she needs to sit beside me" sabi ni Dale.

"Baby Kate, dito ka nalang umupo" sabi rin ni Mark.

"Ahhh ehh. Hehehe, dito nalang sa tabi nila Ashley at Daisy" tanggi neto sa dalawa.

"NO/NO" sabay nilang sabi kaya nagtinginan silang dalawa at nagsukatan ng tingin. Naglilipatan narin ng tingin ng mga kasama nila sa kanilang dalawa ni Dale at Mark.

"Teka nga, she decided to sit with us and you heared it right?" sabi ni Daisy kaya hinila na nila paupo si Jashea sa gitna nila.

"Dale, upo ka na rin" anyaya ni Khie.

"Ikaw rin Mark" sabi rin ni Daisy na agad naman nilang sinunod na dalawa.

"Girl ang haba ng hair mo kyahhh" bulong ni Ashley. "Huh? Paano mo naman napansin bff? Nakapusod na nga yung buhok ko eh napansin mo pa?" takang tanong neto. "Hay naku. Nevermind" sabi nalang ni Ashley at napaisip naman si Jashea.

"Good evening students. Ang gaganda ng mga suot niyo ah at bagay na bagay sa inyo. Huwag na natin patagalin pa and let's start our activity for this party" malakas na sigaw ng MC. Naghiyawan naman ang buong studyante at sinabayan ito ng malakas na tugtog. Nagsimula na rin ang mga activity sa party na yun. Lahat ng students ay sumasali sa mga nakahandang activity at hindi rin nagpapatalo.

"Wahhh" sigaw ni Jashea ng natapilok siya, napapikit siya ng dahil dun at inaasahan niya na ang kanyang pagbagsak nang makaramdam siya ng bisig sa kanyang likuran na nakasuporta upang maiwasan ang kaniyang pagbagsak.

"Mag-ingat ka nga, dragon" sabi ni Dale na biglang nagpabilis ng tibok ng puso ni Jashea. Nagkatitigan sila pero agad din namang umiwas si Dale

"O-oo na. Tsaka bakit ka ba nandito sa pwesto na 'to? Diba dapat andun ka sa harap ko?" tanong nito at inayos ang tayo.

"Wala, may kukunin lang sana ako" sabi ni Dale at bumalik sa pwesto niya.

"Ano naman ang kukunin nun? At bakit dito siya pumunta? dapat dun sa lamesa namin eh." bulong neto at sinimulan na ang activity.

What is love?Where stories live. Discover now