Chapter 27: Awkward

19 2 0
                                    

JASHEA'S POV

Dalawang linggo na ang lumipas ng makaramdam ako ng kakaibang kilos. Grabe sa lahat ng red day ko yun ang pinakamatindi. Ang aga ko nga magising ngayon eh kaya tutulungan ko si mama na magluto ng almusal hehe.

"Maaaa" sigaw ko habang papunta ako ng kusina. Ewan ko kung bakit ang saya ko ngayong araw hehehe.

"Ano ba yun anak? Bakit ka sumisigaw? Ang aga palang ah. Bakit gising ka na? Naunahan mo pang magising ang papa mo" salubong agad ni mama pagkarating ko sa kusina.

"Hehe, di ko po alam ma. Tulungan ko na po kayo magluto ng almusal" sabi ko at nagtungo sa lababo at naghugas ng kamay.

"Ma, ano pong lulutuin natin?" sabi ko habang nagtitingin sa mga pinamili ni mama. Tumingin ako kay mama ng hindi niya ako sinagot. Nakatulala si mama hahaha

"MAMA" sigaw ko.

"Ay anak, ihanda mo na yung mga gulay. Magluluto ako ng sinigang" sabi ni mama at sinimulan magluto. Naghihiwa lang ako ng mga ingredients at si mama na ang nagtitimpla at nagluluto. Natapos na ang niluto ni mama at maghahanda na kami  ng pagkain sa lamesa.

"Ate, Mama" sabi ni Jessie na halatang kagigising lang dahil nagkukusot pa ng mata hehe ang cute niya.

"Mama" sabi rin ni Joshua na nag-ayos na. Excited ah hahaha.

"Magandang umaga Mahal, mga anak" sabi ni papa at hinalikan kami isa isa sa pisngi.

Kumain na kami at nag-ayos para sa school. Hinatid ko na ang mga kapatid ko sa school bago ako pumunta ng school ko. Nasa hallway na ako ng L.I.C ng may nakabangga ako.

"Shit" singhal niya. Napatingin ako sa kanya at si bakulaw nanaman pala ang nakabangga ko.

"J-jashea?" sabi niya at nag-iwas ng tingin. Nang sabihin niya ang pangalan ko nakaramdan ako ng pagkailang.

"Ay hehe sige bakulaw, nagmamadali pala ako" sabi ko at tumakbo na paalis. Naririnig ko pa ang pagsigaw niya pero di ko na pinansin.

Pagdating ko ng classroom, agad akong naupo sa upuan ko. Wala pa sila Ashley at Daisy.

"Hayst, boring" sabi ko at kinuha nalang ang notebook at lapis ko. Nagdrawing na ako ng isang dragon kasama ang isang lalaki. May talent ako sa pagdrawing kaya minsan sumasali ako sa mga competitions. Hindi ko alam kong bakit ito ang nadrawing ko pero ito kasi ang nasa isip ko haha ang gulo ko.

"Magaling ka pala magdrawing, Jashea?" biglang sabi ng isang lalaki.

"Ay kabayong tipaklong" gulat ko sa sinabi niya.

"Grabe ka Jashea. Ang gwapo ko para magulat ka" sabi niya. Si Khie pala ito, bwisit andito na sila.

"Hahahaha" tawa lang ng tawa si Liam dahil sa reaction ni Khie sa nasabi ko. Eh kasi kasalanan naman niya eh.

"Whoaaa. What's that? Ang galing mo Jashea" bati ni Ace.

"Hehe, salamat" sabi ko at kinuha yung dinrawing ko. Agad namang ngumiti si bakulaw ng makita niya ang drawing ko. Ano nanamang nangyari dun?

"Hmm. Jashea, may mga club dito gusto mong sumali?" sabi ni Louigie.

"Talaga?" sabi ko sa kanya.

"Oo, sali ka ng club sa pagdrawing" sabi niya. Agad naman akong nag-isip

"Gusto ko kasi yung bago naman, gusto ko sa singing club. Oo tama gusto ko dun hehe" sabi ko.

"Talaga? Sige, sali ka sa club na yun. Andun din kaming lima" sabi ni Khie.  Hmm, wala namang problema kung makasama ko sila sa club na yun

"Kailan ang audition?" sabi ko.

"Pwede na ngayon? Dito mismo" sabi ni Ace na ikinanganga ko. Niloloko ba nila ako?

"Huh?" takang tanong ko

"Kami rin naman kasi ang judge kaya pwede ka na mag-audition sa amin" sabi ni Louigie. Okiedoks! Pareho lang naman yun eh. Hinanda ko na ang sarili ko sa kakantahin ko at sinimulan na.

"When---" simula ko ng magsalita si bakulaw.

"You're in" sabi niya. Huh? Nagsisimula pa nga lang ako eh.

"What? Di ko pa nga naririnig ang boses niya eh" busangot ni Khie

"Tss" sabi niya lang at tumingin sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin

"S-salamat. Kailan ako magsisimula sa club na yun?" tanong ko sa kanila pero di ko binabalingan ng tingin si bakulaw. Bakit? Di ko rin alam hehe

"Mamaya sa theater room. May practice dun mamaya at magbibigay ang leader ng mga activity sa bawat isa" sabi ni Ace. Ahhh, so malalate ako ng uwi? Itetext ko nalang mamaya si Joshua.

"Ahh sige" sabi ko na lang.

"Sabay ka na sa akin maya" sabi ng kakapasok lang na si kuya Mark kaya napatingin kami sa dereksyon niya.

What is love?Where stories live. Discover now