Chapter 32: Vacation

21 2 0
                                    

JASHEA'S POV

Naghahanda na kami para sa bakasyon namin. 3 days kami dun at sa isang resort kami pupunta, dun daw sa resort nila tita at tito.

"Jashea anak, kay Amanda kami sasabay ng papa at mga kapatid mo ah. Ikaw lang ang hindi, doon ka daw kay Dale sumabay" sabi ni mama. Ano? Ayoko dun huhuhu

"Pero maaa, ayoko po dun. Tayo nalang po tabi pleaseeee" pagpapaawa effect ko pa kay mama at niyakap ko siya.

"Ay naku Jashea. Di na uubra sa akin yan tsaka tita mo nagrequest nun" sabi ni mama. Humiwalay na ako at nagpout na lang.

"Sige na, ituloy mo nalang yang ginagawa mo. Isang bag lang ba dadalhin mo anak?" sabi ni mama.

"Opo" sabi ko nalang at tinuloy ang ginagawa ko. Nang matapos kami sa pag-aayos, inantay nalang namin na dumating sila tita.

*peep*

*peep*

Busina sa labas ng bahay, siguradong sila na yan. Si tita nalang pipilitin ko hehe. Agad akong lumabas at sinalubong sila.

"Tita, tito"bati ko at niyakap sila.

"Pwede po sa inyo na lang ako sumabay, pleaseeee" sabi ko with matching puppy eyes pa.

"Naku ija, doon ka nalang kay Dale. Puno na kami dito, kasama mo naman mga kaibigan mo eh. Hahaha, sinama ko na rin sila para di ka masyadong mabored" sabi ni tito. Wahh, talaga kasama sila? Pagkasabi nun agad akong pumunta sa isang van kung saan sila bakulaw. Pagbukas ko halata sa mukha nila ang gulat. Hihihi

"Ashley, Daisy, kuya Mark" sabi ko at sumakay tsaka sila niyakap

"OA mo bff ah, kahapon lang tayo nagkita miss mo na kami" sabi ni Ashley na natutuwa pa.

"Miss na rin kita bff" sabi ni Daisy at yumakap sa akin.

"Hahaha, baby Kate di ka na mabobored doon kasama mo na kami" sabi ni kuya Mark.

"Teka kasama rin kami, wala rin ba kaming yakap? Ang unfair naman" reklamo ni Liam.

"Tse" sabi ko nalang at sinakay ang dala kong bag.

"Baby Kate, dito ka sa tabi ko" sabi ni kuya Mark. Eh? Gusto ko tumabi kay Daisy at Ashley eh.

"Dito nalang ako kuya Mark" sabi ko kaya tinignan niya ang katabi ko. Syete, si bakulaw pala ang katabi ko ngayon. Tatayo na sana ako para lumipat sa gitna nila Ashley at Daisy ng may humawak sa kamay ko.

"Stay here" sabi niya at pinaupo ako sa tabi niya.

"Eh? Gusto ko katabi sila Ashley at Daisy eh" sabi ko sabay pout.

"Katabi mo parin naman ang isa sa kaibigan mo eh kaya dito ka nalang" sabi niya. Nagtataka na ako dito sa bakulaw na 'to ah. Ano bang problema neto?

"Bff, I smell something" sabi ni Daisy. Kaya nag-amoy amoy rin ako, wala naman akong naaamoy ah.

"Yeah, bff. I smell it too" sabi rin ni Ashley kaya nagtanong na ako.

"Ano bang naaamoy niyo? Bakit ako walang naaamoy?" sabi ko at nag-aamoy amoy sa paligid namin.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHA" tawanan nilang lahat maliban kay kuya Mark. Anong meron? May nakakatuwa ba?

"Hahaha nevermind bff hahaha" sabi ni Daisy.

"Huh?" takang sabi ko kaya lumakas ang tawanan sa loob ng sasakyan. Ano ba yun?

"Tss slow" bulong ni bakulaw pero narinig ko naman. Pati siya nakikitawa, ano ba talagang meron? Nagpout na lang ako dahil sa kanila.

"Awww, bff stop it. You're so cute" sabi ni Ashley sa akin. Eh kasi naman eh. Sila lang nagtatawanan.

"Guys, ready na ba kayo? Wala na kayong naiwan?" sabi ni tito na chinecheck kami

"Wala na po" sabi namin. "Alright, let's go na" sabi ni tito at sinarado na ang van. Umalis na kami at ang mga kaibigan ni bakulaw ay nagkukwentuhan, ang dalawa ko namang kaibigan ayun nakatulog na. Si kuya Mark, nakaearphone. Si bakulaw, ganun din nakaearphone. Kukunin ko na rin sana ang earphone ko pero di ko mahanap. Wahhh nakalimutan ko yata huhuhu.

"Baby Kate, anong hinahanap mo?" baling ni kuya Mark sa akin.

"Yung earphone ko naiwan ko yata di ko mahanap *pout* gusto ko sana makinig ng music eh" sabi ko.

"Eto, ikaw na---" ibibigay na sana ni kuya Mark ang earphone niya ng may naramdaman akong nagsaltak ang earphone sa tainga ko. Whoaaa, ang ganda ng kanta hihihi. Tinignan ko kung sino naglagay, si bakulaw pala at ngayon ay nakapikit na. Tulog na ba siya?

"Sige, kuya Mark. Eto nalang gagamitin ko hehe" sabi ko. Sinamaan niya muna ng tingin si bakulaw bago niya ibalik sa tainga niya ang earphone niya.

Sa pakikinig ko hindi ko namalayan na dinadalaw na ako ng antok. Ang ganda kasi ng music eh.

---
Note: Sana nagustuhan niyo guys. Grabe nagtago pa ako para makapag-update haha yari kasi ako pagnahuli ako dahil may assignment pa ako. Thank you to loyal readers. Labyu guys  <3

What is love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon