Chapter 62: Who's that girl?

12 1 0
                                    

DALE EVAN'S POV

"Bakit namamaga yang mata mo? Umiyak ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ako tanga, alam kong may mali. Alam kong umiyak siya.

"Hindi ah. Ang totoo kagigising ko lang kaya nga ang tagal kong binuksan yung pinto kasi tinatamad pa ako bumangon" sabi niya. Gaya ng sinabi ko, hindi ako tanga. Meron siyang tinatago sa akin. Tumingin ako sa paligid niya at nakita kong bukas ng basurahan niya. Fvck, tama ang hinala ko. May tinatago siya.

"Hmm, wife? Kuha mo ako ng water and sandwich please" paglalambing ko sa kanya.

"Ah okiedoks hihi" sabi niya. Aalis sana siya ng pigilan ko siya.

"Where's my kiss?" sabi ko. Of course, everytime na magkikita kami hindi pwedeng walang kiss.

"Baliw ka, andito kaya sila mama" sabi niya pa. The hell I care, alam naman nila na kami na so it's ok.

"So? Alam nilang tayo na kaya it's not matter" sabi ko. Tumingin muna siya sa paligid at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"Ok na yan hubby hehe. Kukuhanan na kita ng tubig mo at sandwich" sabi niya at mabilis na bumaba. Ngumisi nalang ako dahil sa kulit niya. Agad naman akong pumasok sa kwarto niya at binuksan ang trash can niya. May nakita akong isang sulat. Sabi ko na nga ba, ang tagal niyang buksan ang pinto dahil itinapon niya itong sulat. Binasa ko ito at nagtaka ako dahil sinabi netong tawagan siya. Napatayo ako ng narinig kong nagvibrate ang phone niya. Kinuha ko ito sa kama niya at tinignan kung sino iyon.

"Fvckshit" sabi ko ng makita ang number. Tangina, may hindi ako alam. Binasa ko ito

'Jashea, don't forget. Next week, satuday at 7:00 pm. Sa Lucena Street. Alam mo na kung anong mangyayari sa pamilya mo paghindi ka pumunta at pagmay sinama ka. I'm always watching you, dear'

Fvck, kaya ba hindi niya sinasabi sa akin dahil pinagbantaan siya neto? Tangina. Kailangan ko gumawa ng hakbang, alam kong mapapahamak siya.

"Hubby" rinig kong sigaw sa labas ng kwarto kaya ipinatong ko ang phone niya sa table malapit sa kama at nahiga naman ako.

"Yes wife?" nakangiti kong sabi.

"Bakit ka nakahiga jan? Ito oh kain ka na" sabi niya sabay lapag ng tubig at sandwich sa table kung saan ko ipinatong ang phone niya.

"Ayoko" sabi ko, umupo naman siya sa tabi ko.

"Ano? Eh bakit mo ako pinakuha niyan?" takang sabi niya. She's really beautiful.

"Subuan mo ako" sabi ko at niyakap siya at isinuksok ang mukha ko sa leeg niya. Her smell is so fvcking addictive, hinding hindi ako magsasawa sakaniya.

"Yan ka nanaman eh. Napakaisip bata mo talaga kahit kailan" sabi niya pero kinuha ang sandwich at tinutok sa bibig ko. *ngisi* sinubo ko naman at hinalikan siya sa pisngi.

"Your blushing again wife. Can I see it? Haha I love you" sabi ko. Nag-iwas lalo siya ng tingin dahil dun.

"I love you too" sabi niya rin.

"I love you more" sagot ko. Nagring ang phone ko kaya humiwalay muna ako at sinagot.

"Yeah.. Let's meet at my office. 6 pm. Tawagan mo rin sila" sabi ko at pinatay na ang tawag. Si Ace iyon, kailangan na namin ito pag-usapan.

"Hubby, sino yun?" tanong niya habang kumakain.

"It's Ace"

"Anong sabi niya?"

"Nagpapatulong lang but I said I can't" I lied.

"Okiedoks. Hubby may gagawin ka ba ngayon?" tanong niya.

"Yeah, pero mamaya pang 6 pm so let's go."

"Sige. Magbibihis muna ako, jan ka lang ah" sabi niya kaya napangiti ako. Pagkuha niya ng damit sa cabinet niya agad naman siyang tumingin sa akin.

"Bakit andito ka pa hubby? Magbibihis na ako kaya alis ka muna" sabi niya. Haha sabi ko na nga ba, hindi nanaman niya namalayan yung sinabi niya.

"Sabi mo sa akin kanina na magstay lang ako dito so panonoorin kitang magbihis" nakangisi kong sabi.

"Wahhh ang bastos mo hubby. Labas ka na" sabi niya at tinutulak ako palabas.

"Wag kang sisilip ah" sabi niya muna bago sinara ang pinto.

THIRD PERSON'S POV

"Ate, I'm curious. Ano ba talaga ang regalo mo sa akin?" pangungulit ng babae sa kaniyang kapatid.

"Haha your not curious my little sis, your excited" sabi niya sa kapatid niya habang pinaglalaruan ang kutsilyo.

"Whatever" sabi ng kapatid at tinarayan niya ito.

"Magugustuhan mo ang regalo ko" sabi neto at ibinato ang kutsilyo sa isang larawan na nakasabit.

"Can I try it, ate?" sabi ng kapatid.

"Sure sis" sabi niya at inabutan ng kutsilyo ang kapatid. Sa larawan kung saan puro mukha ni Jashea ang nakalagay.

---
Note: Sana magustuhan niyo 'tong chapter na 'to hehehe. Sana lagi kayo nag-aabangan. Thank you again sa mga loyal readers. Labyu guys

What is love?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora