Chapter 31: Inlove

19 1 0
                                    

KHIE'S POV

Woah. Akalain niyo yun, ang ganda ng boses ni Jashea. Parang naattract na ako sa kanya ah. Ang talino niya, mabait, magalang, magaling magdrawing, magaling rin kumanta, simple at maganda kaso maingay, laging gutom parang si Liam, masungit at hindi pala ayos sa sarili.
Ngayon ay pinapakinggan naming nagpeperform si Mark haha halata namang may gusto siya kay Jashea, di niya lang masabi.

"I fell in love with my best friend" pagtatapos niya ng kanta na nakatuon lang ang tingin kay Jashea. Tsk tsk tsk, di nalang sabihin.

"Let's go to the office" biglang sabi ni Dale at bigla ring umalis. Problema nun? Kanina nakangiti ngayon naman badtrip. Pero totoo kaya yun? Yung sinabi ni Ace? Pero malabo, patay na patay yun kay Lianna niya eh. Di bale nalang, uunahin ko nalang lovelife ko haha. Sumunod kaming apat sa office at nadatnan namin siyang nakaupo sa sofa. Mukhang may sasabihin ah.

"May meeting ba?" sabi ko at isinampa ang sarili sa isa pang sofa.

"Kakain ba tayo? Gutom na ako" sabi ni Liam.

"Naghihirap ka na ba ngayon Liam haha di ka na makakain. Lagi kang gutom" sabi ni Ace. Gago talaga 'to.

"Tangina mo, marami akong pera salpak ko pa sa mukha mo eh" pikon na sabi ni Liam. Nagtatawanan kami ng mapansin namin na tahimik lang si Louigie at Dale. Kaya napatingin kami sa kanila.

"Anong nangyari jan sa inyo? Mga pipi na ba kayo? Tara i-bar nalang natin yan" sabi ko. Siguradong maraming chics dun.

"I'm inlove...again" sabi ni Dale kaya napanganga kaming lahat.

"What?" sabay sabay naming sabi.

"Sasabihin mo na ba sa kanila? Sigurado ka na ba jan sa nararamdaman mo?" seryosong sabi ni Louigie. Teka, may tinatago ba sila sa amin?

"Yes I'm sure. I'm fvcking inlove with her" sabi pa neto. Teka sino ba tinutukoy niya?

"Nakakakilabot ka na Dale. Alam namin kung gaano mo siya kamahal pero di mo na siya kayang buhayin. Huwag mo rin subukang sumunod sa kanya, marami ka pang pangarap Dale. Wag mong ituloy ang balak m--" sabi ni Liam na naputol lang ng batukan siya ni Louigie at Ace.

"Gago" sabay na sabi nila. Teka, kami nalang ba ni Liam ang hindi nakakaintindi? Tangina.

"I don't know. I love Lianna too pero hindi na siya ang laman neto at ang babae lang nayun ang nagparamdam sa akin ng ganito kaya feeling ko mas hinigitan niya pa si Lianna dito" sabi niya sabay turo sa dibdib niya. Teka, parang nagegets ko na. Hindi kaya...

"Yes, I'm fvcking inlove with the witch dragon" sabi niya na ikinanganga namin.

"ANO? SI JASHEA?" malakas na sigaw namin.

"Anong ako?" sabi ng isang babae na kakapasok lang. Tangina, patay.

"J-jashea" utal na sabi ni Liam.

"Anong ako? Bakit niyo sinagaw pangalan ko?" sabi pa niya.

"Ahh. Bakit ka nandito?" tanong ni Louigie.

"Bakit bawal na ba ako pumunta dito? FYI, sabi nila tita at tito pwede ako pumunta dito kahit na anong oras at anong araw. Bakit aangal kayo? Sige sasabihin ko kay tita" sabi pa neto.

"Teka, joke lang naman hehe. Tinatanong lang namin kasi baka may kailangan ka" sabi ko. Naglakad siya papalapit sa amin at umupo sa sofa katabi ni Dale. Oh oh, nice one loverboy haha. Kumuha siya ng orange na nakapatong sa lamesa at sinimulang balatan.

"Pumunta ako dito kasi tumawag si tita. Hoy bakulaw, tumatawag daw sayo si tita, bakit di mo daw sinasagot?" sabi niya at ibinaling ang tingin kay Dale. Ganda ng tawagan nila ah hahaha dragon at bakulaw hahaha.

"Tss. Bakit kailangan mo pang pumunta dito? Pwede mo namang itext nalang sa akin. Baka inaantay ka na ni Mark MO!" sabi niya pa. Tsk, di parin nagbabago haha. Torpe ang loverboy namin.

"Wala akong number mo at hindi naman na mahalaga na ilagay ko pa sa phonebook ko yun" sabi niya pa at tumayo na. Aray ang sakit ng sinabi niya ah. Ibig sabihin, mahahalagang tao lang ang nasa phonebook niya. Nagtungo siya sa pinto at bago lumabas may sinabi muna siya.

"Hindi ka mahalaga kaya hindi ko na kailangan pang i-save ang number mo. Mas gusto ko pang magpagod papunta dito para lang sabihin yun kaysa itext ka. Tawagan mo na si tita, hinihintay ka nila" sabi neto at tuluyan ng lumabas

"Aray men. Tagos sa puso, di pa umaamin nasaktan na agad hahaha" sabi ko habang tumatawa. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya tumigil ako, nakakatakot ang mga tinginan niyan eh. Tss, busted kasi.

What is love?Where stories live. Discover now