EPILOGUE

18 1 0
                                    

DALE'S POV

"Excuse me sir, hindi pa po ba kayo aalis? Magsasara na po kami" sabi ng waiter sa akin. Nasa Te Amo Restaurant ako ngayon at nakaupo kung saan kami nakaupo noon nung first date namin.

"Wait for a moment" sabi ko at nginitian siya. Dalawang taon na ang nakakaraan ng mabaril siya, nang mawala siya sa tabi ko at nang mangyari ang insidente.

"Sige po sir" sabi niya at umalis na. Tumingin ako sa upuan sa may tapat ko at inalala siya.

'Pwede sa iba nalang tayo kumain, ang mamahal ng mga pagkain dito at hindi ko alam ang tawag sa mga 'to'

'Don't worry Wife. I will order for you'

Napapangiti nalang ako ng maalala siya.

'I tasted something like sweet and strawberry flavor'

'Wahhh, ang daya mo. Bakit ako wala akong malasahan na sweet at strawberry flavor?'

"Hahahaha"

"Excuse me sir, pero kailangan niyo ng umalis" sabi ng waiter kaya napalingon ako. Tumayo ako at nagtungo sa sasakyan ko, hindi ko alam pero napadpad ako sa bar malapit sa DDD Resort. Nakatingin ako sa labas at hindi ko namalayan ay naalala ko nanaman siya.

'Dale, wag mo akong iwan. Hindi ko kaya Dale. Mahal kita Dale, I love you. Wag mo akong iwan, lahat gagawin ko magising ka lang'

'Talaga lahat?'

'Oo Dale. Teka buhay ka?'

"Pffttt" natatawa nalang ako ng maalala ko yung umamin siya. Mahal niya rin pala ako nun. Pinuntahan ko yung resort namin na DDD resort.

'Wahhh Dale ayoko na'

'Hahaha, gotcha'

"Sana narito siya sa tabi ko"

'Jashea, I love you. Tama ang mga narinig mo, mahal kita Jashea'

"I love you wife" nasabi ko nalang. Nagring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha.

[HOY DALE, NASAAN KA? NASA DDD RESORT KA NANAMAN BA?] sigaw ng babae sa phone kaya inilayo ko ng kaunti ang phone.

"Yeah, what's make you call Violet?" sabi ko sa kabilang linya.

[Wala lang, kailangan ka namin bantayan para kay Jashea. Baka mamaya kung ano pang gawin mo] sabi niya. May nag-aalala pa pala sa akin.

"Where's your boyfriend? Can I talk to him?" sabi ko. Dalawang taon na ang nakakaraan kaya marami ng nangyari.

[LIAMMMMM, GUSTO KANG MAKAUSAP NI DALE] sigaw niya. Oo, sila na ni Liam. Mahirap paniwalaan pero tinamaam ang gago kay Violet.

[Hey dude, manlilibre ka ba? Tara bar tayo] sabi niya agad.

"Gago ka"

[Hoy Liam, anong bar? Sinasabi ko sayo, hihiwalayan kita kapag nagbar kayo... Sorry na, loves.. Hello Dale, wag na pala tayo magbar kain nalang tayo sa restau] sabi niya.

'Wahhh, isa pang salita Dale. Hihiwalayan kita'

Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Jashea sa kung saan.

[Hoy Dale, tinatanong kita. Saan tayo?] sigaw ni Liam.

"Wag nalang" sabi ko at pinatay ang phone. Pinaandar ko ang sasakyan ko papunta sa condo namin ni Jashea. Simula ng mawala siya sa tabi ko, dito na ako umuuwi.

I-eenter ko na sana ang passcode ng may narinig ako sa tabi ng condo ko.

"Babe, bakit birthday ko Ang passcode mo eh sayo naman itong condo" sabi ng babae sa lalaki. Nakatingin lang ako sakanila.

"Of course Babe. From now on, this is our condo" sabi ng lalaki. Yumakap Ang babae sa kanya dahil sa tuwa. In-enter ko na ang passcode at pumasok na. Umupo ako sa sofa at nagmumuni-muni. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Wife, I miss you. Please, come back" nasabi ko nalang. May nagdoorbell kaya agad kong pinunasan ang luha ko at tumayo. Nagtungo ako sa pinto at binuksan.

"Kuya Dale" sabi ng batang babae.

"Oh Jessie, Joshua, what are you doing here?" Sabi ko at kinarga si Jessie.

"Kuya, aalis na po kami. Pupunta na po kami sa malayo, hindi ka na po namin makikita" sabi ni Jessie sabay pout. Nagmana talaga sa ate niya.

"Saan kayo pupunta Joshua?" sabi ko kay Joshua.

"Sabi nila mama at papa sa States na daw kami titira kasama sila lola at lolo" sabi niya at yumuko. Alam kong labis silang nasaktan sa nangyari kay Jashea, kita ko kung paano sisihin ni tita ang sarili niya dahil sa nangyari, maski ako sinisisi ko ang sarili ko.

"Kuya Dale, miss ko na po si ate" biglang sabi ni Jessie at lumuluha na. I'm sorry, it's my fault.

"Sorry Jessie, Joshua. It's my fault, kung pinrotektahan ko lang ang ate niyo" nasabi ko nalang. I know, malaki ang kasalanan ko. Girlfriend ko siya kaya dapat ako ang poprotekta sa kaniya.

"Kuya wala namang may kasalanan kundi si Wendy lang" sabi ni Joshua. Nagmana sila sa ate nila na mabait, hindi ko alam pero gusto nilang mapalapit sa tulad kong halimaw.

"I'm really sorry Jessie, Joshua" sabi ko at hindi ko namalayan na tumulo nanaman ang luha ko. Kay Jashea, kay wife ko nahanap ang totoong love tapos saka siya mawawala. Mawala man siya sa tabi ko, hindi parin magbabago ang nararamdaman ko. Ipinapangako ko yan.

What is love?Where stories live. Discover now