Chapter 24: Feelings

21 2 0
                                    

JASHEA'S POV

"Aalis tayo. Saan ka pupunta?" hala, ba't kasama ako? Sa motel daw siya pupunta diba? Huhuhu ayoko. Bata pa ako.

"Ayoko. Sa motel ka pupunta diba? Bakit kasama ako? Ikaw nalang" sabi ko sa kanya.

"Anong motel? Tanga, gamitin mo nga yang utak mo. Bakit ako pupunta dun?" sabi niya. Sabi niya kaya kanina yun at ano daw? Ako? Tanga? Kainis siya.

"Hoy bakulaw, gusto kong sabihin sayo na ikaw ang nagsabi nun. At saan ka naman pupunta at balak mo pa akong isama?" sabi ko.

"Mall" sabi niya. Wahhh naalala ko magkikita pala kami ni kuya Mark. Baka nag-aantay na siya dun.

"Hindi ako sasama, magkikita kami dun ni kuya Mark"

"Edi sasama na lang ako"

"Ano? Ayoko"

"Sasama ako either you like it or not" pagtatapos niya ng usapan.

"Bahala ka sa buhay mo" sabi ko nalang at nag aantay na ng jeep hehe. May naisip akong gawin.

"Kukuha ako ng kotse" sabi niya at aakma ng aalis ng pigilan ko siya.

"Kung sasama ka ayoko magkotse. Hindi rin kita isasama kung magkokotse ka lang" sabi ko

"What? Papasakayin mo ko sa mga bulok mong sinasakyan?" sabi niya.

"Edi wag nalang. Bye. Kuya kuya" tawag ko ng may dumaan ng jeep at huminto sa harap ko.

"Sandali" tawag ni bakulaw ng aakma na akong sasakay. Ngumiti ako ng pagkalawak lawak ng sumunod siya sa akin. Panay ang reklamo niya hanggang sa makarating kami ng mall. Sabi ni kuya Mark andun daw siya sa isang restaurant. Kaya nagtungo din ako dun

"Kuya Mark" sigaw ko ng makita ko siya. Sumusunod lang sa akin si bakulaw, yan magtiis siya gusto niyang sumama eh hahaha.

"Baby Kate" sabi niya rin. Naupo kami ni bakulaw sa location ng table ni kuya Mark.

"Bakit kasama mo yan?" sabi ni kuya Mark ng nakatingin kay bakulaw.

"Ahmm, gusto niya sumama eh" sabi ko nalang. Dumating ang waiter at inabutan kami ng menu.

"Yeppie. Gusto ko ng spaghetti, steak, carbonara, lasagna at ice tea hihihi" sabi ko. Tumawa lang si kuya Mark at tinanguhan ang waiter. Aalis na sana ang waiter ng pigilan siya ni bakulaw.

"Wait, mag-oorder din ako. Ikaw dragon palitan mo yang pagkain mo. Gulay ang kainin mo wag yan" at may mga sinabi siyang mga pagkain na hindi ko maintindihan ang tawag at pinaalis ang waiter.

"Ano nanaman bang problema mo? Bakit mo pinalitan? Kuya Mark, kanina niya pa ako inaaway" sabi ko sabay pout. Nagpaawa effects pa ako kay kuya Mark para kampihan niya ako.

"Baby Kate, don't worry. Marami pa tayong kakainin mamaya. I'll buy anything for you" sabi niya na ikinaliwanag ng mukha ko.

"Talaga?" natutuwang sabi ko. Agad namang tumayo si bakulaw at umalis. Problema nun?

THIRD PERSON'S POV

"Tangina, pumunta ka nalang dito. Puputulan na kita nang tuluyan ng paa ng di ka na makapunta kahit saan...Gago" sigaw ng lalaki sa kanyang kausap sa phone. Nag-aantay siya sa isang café dito sa mall. Mga ilang minuto rin siyang nag-antay ng dumating na ang inaantay niya.

"Dale hahaha bakit ang init ng ulo mo?" sabi ni Louigie ng dumating ito at naupo.

"Tangina. Kabwisit ang dragon na yun, sa harap ko pa kailangan makipaglandian sa gagong Mark na yun" agad niyang sabi.

"Sa tingin ko, sa bar dapat tayo nagpunta hindi dito sa café" sabi ni Louigie ng mapansin niyang super ang pagkabadtrip neto. Tinignan naman siya ni Dale ng masama kaya nanahimik naman siya.

"Matanong ko lang ah, ano bang problema mo kay Jashea?" biglang tanong ni Louigie kay Dale. Agad namang natahimik si Dale sa kakamura niya dahil sa tanong ni Louigie.

"Di ko alam" sabi niya lang sa kaibigan.

"Ano? Hindi mo alam?" sabi ni Louigie.

"Gusto mo ulitin ko pa?" pagbabanta ni Dale na agad namang sinagot ni Louigie.

"Hindi. Saka ano ba ang nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo siya?" tanong ni Louigie kay Dale na agad na sumeryoso. Huminga ng malalim si Dale bago sinagot si Louigie

"Naiinis ako pagkasama niya yung gagong Mark na yun. Gusto ko sa akin lang ang atensyon niya kaya lagi ko siyang inaasar" sabi niya lang na ikinagulat ni Louigie

"What? You mean, you like her?" sabi ni Louigie. Agad naman napatingin si Dale sa sinabi ng kaibigan.

"What the fvck? I don't know. I love Lianna so much. She's the only one that I can love until death" sabi ni Dale. Napahinto siya ng biglang nagsalita si Louigie.

"Subukan mong buksan ulit ang puso mo, wag ang isip mo. Oo minahal mo si Lianna, pero sa tingin ko iba na ang mahal mo. Pakinggan mo minsan ang puso mo ng hindi mo ikinukulong ang sarili mo sa nakaraan"

What is love?Where stories live. Discover now