CHAPTER FIVE

4.9K 95 4
                                    


"RODGINE, halimbawa, end of the world na. Ano ang gagawin at sasabihin mo sa mga taong mahal mo?" tanong ni Kin sa kanya.

Nilingon niya ito. Naglalaro siya ng family computer sa gaming slash music room ng bahay nila habang ito ay tumitipa ng walang patutunguhang nota sa piano niya. Kaibigan niya ito mula ng...hindi niya alam, siguro ay fetus pa lamang sila sa sinapupunan ng kanya-kanyang mga ina ay magkaibigan na sila. Dalawang bahay lamang kasi ang layo ng bahay ng mga ito sa bahay nila. Grade six pa lamang sila ngayon pero kung ano-ano ng ka-weird-duhan ang naiisip nito.

"Kakain ako ng pansit, for long life." nakangising sabi niya.

Umiling ito. "Puro ka biro,"

Kin Weyn Siu was born a charmer. Marami sa mga kaklase nila–o hindi kaklase– ang naiinggit sa pagiging malapit nilang dalawa. May iba pang hindi naniniwala na magkaibigan lamang sila nito. Paano ay palagi silang magkasama ni Kin. Kulang na lang ay itali nila ang sarili sa bewang ng isa. They were different from each other; she was bubbly while he was serious. Pero kahit anong layo ng ugali nila ay himalang wala silang malalang pinagtalunan nito.

"Ikaw, anong gagawin mo?" balik-tanong niya at ibinaling ng muli ang pansin kay Mario. Nabu-bwisit na siya dahil hindi pa niya kailanman na-save ang prinsesa samantalang si Kin ay ilang beses ng natalo ang napakapangit na nilalang na kalaban sa huling stage. Ramdam niyang tumayo na ito sa pagkakaupo at lumapit sa kanya.

"I will do everything just to make them happy." bulong nito sa may tenga niya. "I'll treasure every moment that I will spend with them. Sasabihin ko sa kanila na kahit anong mangyari, magkalayo man kami, mananatili sa puso ko ang mga alaalang kasama ko sila." seryosong sabi nito.

Napapitlag siya ng mula sa may likod niya ay sumulpot sa dalawang tagiliran niya ang mga kamay nito. He guided her in controlling the joystick. Hindi niya pinansin ang tila pag-iiba ng tibok ng puso niya. Sanay na siya na palaging nakadikit dito. Pero iba ang sensasyon na dulot ng ginagawa nito ngayon, parang nakayapos ito sa kanya mula sa likudan habang siya ay nakasandig dito. He was as usual, serious, but gentler than before.

Hindi na niya naunawaan pa ang nangyayari sa laro niya. Na-save niya ang princess ng dahil sa tulong nito. Pero hindi na iyon mahalaga pa. Dahil wala ng iba pang laman ang utak niya kung hindi ang mga braso ni Kin na mistulang nakayapos sa kanya...

Nahahapong nagmulat ng mga mata si Rodgine. Matagal na niyang nakalimutan ang pangyayaring iyon sa buhay niya, pero bakit biglang napanaginipan niya iyon? Sa dami ng pwede niyang mapanaginipan, kahit si Dora ay papatusin niya, huwag lamang ang dati niyang kaibigan na walang paalam na nilayasan siya. She scanned her room. Napakunot ang noo niya ng makitang bakante ang pinaglalatagan ni Kwesi. Sinulyapan niya ang wall clock, alas-dos pa lamang ng madaling araw. Saan pupunta ang binata ng ganoong oras?

Nagpasya siyang bumangon at lumabas ng kwarto niya upang hanapin ang binata. Alam niyang pagod ito dahil sa pang-uuto ng mga kaibigan niya kanina. Hindi tinantanan ng mga ito si Kwesi at parang sinasagad ang pasensiya ng binata. Walang habas kung umutos ang mga hinayupak sa pamumuno ni Milo kaya naman ng sumapit ang alas-sais ay pinalayas na niya ang mga ito.

She was stunned when she heard a sound of music coming from one of the room. Binagtas niya ang pasilyo upang hanapin kung saan nagmula ang tunog. Huminto siya sa tapat ng pinto ng dati nilang gaming and music room. Madaming alaala ang kwartong iyon ng kabataan niya at mula ng mag-high school siya ay iniwasan na niyang pumasok pang muli doon.

Masakit para sa kanya na maalala ang mga nangyari sa kwartong iyon. Palagi siyang tumutuogtog ng piano at drums doon kasama si Kin–ang dati niyang bestfriend. Kung papasok siyang muli doon ay siguradong babalik ang mga alaala na pinilit niyang kalimutan. Pero tila may sariling isip ang kamay niya dahil kusa niyong inabot ang seradura ng pintuan at binuksan iyon.

Tale As Old As Time (Published under PHR)Where stories live. Discover now