EPILOGUE

7.1K 196 29
                                    


"PARUSA kayong mga bata! Umuwi na kayo sa mga bahay niyo at doon maghasik ng lagim dahil kung hindi ipapalapa ko kayo sa mga alaga naming leon!" naiinis na sigaw ni Rhin apat na kutong-lupa na ngayon ay animo mga anghel na sa bait na nakatunghay sa kanya.

"Honey, relax. Ano naman bang ginawa ng mga bata sayo?"

Lumingon silang lima sa may pintuan. Parang nagliwanag ang paligid niya ng makitang si Kwesi ang dumating. Linggo ng araw na iyon at wala itong pasok sa opisina. Pero dagli ding nagdilim ang paningin niya ng makitang kasama nito sina Milo, Colt at Cris. Ang tatay ng tatlo pang kutong-lupa na dinidisiplina niya sa ngayon.

"Daddy!" masayang hiyaw ng anak nilang si Rhiney. Tangkang aalis ito mula sa pagkakatayo nito at lalapit sa ama ng pandilatan niya ito. Lihim siyang napangiti ng manatili ito sa kinatatayuan nito at nagbaba ng tingin.

Lumapit ang kanyang asawa sa kanila at inakbayan siya. "Sino na naman sa kanila ang nagpapainit ng ulo ng maganda kong asawa?"

Sinibat niya ng masamang tingin ang mga kaibigan niya ng sabay-sabay na eksaheradong nag-ubuhan ang mga ito.

"Teka, anak pala namin ang inaapi mo, Rhin. Ide-demanda kita ng child labor, child trafficking at child abuse." nakangising pag-isa-isa ni Milo sa mga isasampa nitong kaso laban sa kanya.

"Tama!" segunda ni Colt dito.

Pinaningkitan niya ng mata ang dalawang kumag kaya marahil nanahimik na lamang si Cris at hindi na sumali pa sa kalokohan nina Milo at Colt.

"Gusto niyong isama ko kayo sa ipapakain ko sa mga leon sa Manila Zoo?" bumalik ang inis na nadarama niya. "Alam niyo ba kung ano ang ginawa ng mga anak niyo sa dingding namin?! They draw crazy lines on it! Ang malala pa doon, kinulayan nilang apat 'yung mga mukhang ewan na drawing nila" paglilitanya niyang sumbong sa asawa niya.

Naghalakhakan ang apat na lalaki sa harapan niya.

"Nabinyagan din pala ang pader ninyo? Si Allie, tinaasan ng presyon ng gawin nila iyon sa bahay namin sa pamumuno ni Clover." komento ni Cris na ang tinutukoy ay ang anak nitong isa sa nakatungo ngayon dahil napagalitan niya.

"Wala ka kay Cindy, isang linggong pinaulam kay Junior ang sinigang bilang parusa. Ayaw pa naman niya sa maaasim na ulam." naiiling sabi ni Clint.

"Ang sama niyo talagang magulang." ani ni Milo. "Si Twinkle, inilista lang naman ang lahat ng nagastos namin sa pagpapa-repaint ng bahay at nilagayan ng thumb mark ni Condour. Pababayadan daw niya iyon kapag malaki na ang anak namin. Isipin niyo iyon?" kibit-balikat na kwento pa nito.

Parang gumaan ang loob niya sa mga sinabi ng mga kaibigan niya. Hindi lang naman pala ang bahay nila ang nabiktima ng mga anak nila. Nahahapong umupo siya sa sofa nila at tinanguan na ang mga bagets bilang senyales na pwede ng umalis ang mga ito. Naghihiyawan na nagsipagtakbuhan ang mga ito palayo sa kanila.

Mahirap na masaya ang magkaroon ng kapitbahay na pawang mga kaibigan nila ang nakatira. Kung dati ay ang mga ito lamang ang nambubulahaw sa kanila noon. Ngayon ay sumali na ang halos magkakaedad na anak ng mga ito. Gayunpaman, sa tatlong taon na lumipas ay wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya.

"Honey, wala pa akong kiss." malambing na ungot ni Kwesi. Umupo ito sa tabi niya habang nagkanya-kanya ng upuan sina Milo.

Kwesi was now her husband. Two months lang ang itinagal nilang magkasintahan at agad na silang nagpakasal nito. Iisa pa lamang ang anak nila, si Rhiney at nagpaparinig na ang kanyang asawa na sundan na nila ito. Hindi pa din nagbabago ang epekto nito sa kanya at ganoon din siya dito. Patunay ang pagmamahal nito sa kanilang mag-ina kahit pa mukhang nagmana sa kakulitan niya si Rhiney. She kissed him.

"Ahh! Get a room, you two!" Milo hissed.

Tinapos niya ang halik kahit bitin pa siya at pinagtaasan ang mga ito ng kilay. Sabay-sabay na tumayo ang mga ito at nagpaalam na sa kanila. Nahuhulaan niyang nainggit ang mga ito sa kanila at uuwi na din upang makasama ang sariling mga asawa. They held each others hands when they were finally left alone.

"I love you, Rodgine. Mahal kita at ang anak nating si Rhiney, kahit pa doble mo noon ang kakulitan niya ngayon." masuyong wika nito sa kanya.

"I love you more, Kwesi." aniya at isinandig sa balikat nito ang ulo niya.

Ano pa nga ba ang mahihiling niya? Tinupad na ng Diyos ang panalangin niya noong bata pa lamang siya. Ang makasama ang lalaking katabi niya ngayon habang-buhay. Bonus pa ang pagkakaroon nila ng anak at pagiging patay na patay nito sa kagandahan niya. She silently thanked Him for giving her more of what she wished for.

WAKAS

Tale As Old As Time (Published under PHR)Where stories live. Discover now