CHAPTER SEVEN

5K 100 0
                                    


KULANG na lamang ay tukudan na ni Rodgine ng toothpick ang talukap ng mga mata niya upang pigilan ang napipintong pagpikit niyon. She's been dating...nonstop. Be it lunch date, dinner date, breakfast date or even merienda date, pinapatulan niya. Ganoon siya kapursigidong maghanap ng bagong nobyo upang mapatunayan sa mga kaibigan niya at sa sarili na din niya na hindi si Kwesi ang lalaking dapat niyang panghinayangan. Pero sa isang linggo na ginagawa niya ang kalokohang iyon ay wala siyang napala.

Naaasar siya dahil siguradong may nagdarasal upang maging 'magulo' ang love life niya. Hindi nga ba at inamin ni Kwesi noon na humiling pa ito ng milagro upang magkahiwalay sila ni Clint? Mukhang malakas ang kumag sa nasa Itaas dahil wala siyang matiyempuhang maayos na lalaki. Nasaan ba ang mga iyon sa oras na kailangan niya?

Walang pakialam na naghikab na siya. Romer– her date now– was extremely quiet. Kung hindi lang niya narinig ang boses nito kanina ng magpakilala sa kanya ng sunduin siya nito ay iisipin niyang pipi ito. Hindi naman niya masabing nahalina lamang ito sa kagandahan niya dahil hindi naman ito sa kanya natutulala. He just stopped talking when they started eating their dinner. Nagdududa na siyang may sayad ito sa utak. Napangisi siya sa naisip.

"Is there something wrong, Rhin?" basag nito sa napakahabang oras ng katahimikan.

Umiling siya. "Nothing, everything's perfect." Disaster, sa loob-loob niya. "Ahm, ano nga pala ang trabaho mo, Romer?" tanong na lamang niya. They are now having their dessert, napakaaga para sa pagsisimula ng usapan.

"I'm an engineer." tila napipilitang sagot nito at muli ng itinuon ang pansin sa fruit cake nito.

Talked about having a nice conversation, wala na talaga siyang mahihita sa lalaking ka-date niya ngayong gabi. Hindi man lang nito itinanong kung ano ang trabaho niya at mas mapapansin pa yata nito kung may langgam ang dessert na nilalantakan nito. Give-up na siya dito.

"Oh, my! Gabi na pala, akalain mo iyon? Time flies really fast." eksaheradong sabi niya habang nakatingin sa wrist watch niya. Nagbaling siya ng tingin dito. "I have to go. Strict ang yaya ko, eh." paalam niya dito at tumayo na. "It's really nice meeting you, Romer."

"Wait, ihahatid na kita." awat nito sa pag-alis niya.

Wala siyang dalang kotse dahil sinundo siya nito sa bahay niya kanina. Pero nunca na tanggapin niya ang alok nitong halatang labas sa ilong. Sigurado siyang ang fruit cake ang mas inaalala nito kaysa sa kanya.

"Utang na loob... huwag na. Ahm, I mean, may taxi ng nag-aantay sa akin sa labas. Na-sense nung driver na paalis na ako." aniya at walang lingon-likod na umalis.

Eksakto namang may dumaan ngang taxi ng lumabas siya ng restaurant. Matiwasay siyang nakauwi sa bahay niya pero agad siyang nagsisi na umuwi siya agad dahil naroroon sa harap ng bahay niya ang lalaking dahilan kung bakit para siyang mauubusan ng lalaki sa mundo.

Iyon ang unang pagkakataon na nagpakita itong muli sa kanya magmula ng umuwi siya ng Maynila. Wala pa din itong palya sa pagpapadala ng mga bulaklak at sa totoo lang ay nami-miss na niya ito. Pero tuwing maaalala niya ang mga kasalanan nito sa kanya ay bumabalik ang inis at lungkot sa puso niya. Hindi niya ito pinansin at dere-deretsong lumapit sa may pintuan.

"How's your date, Rodgine?"

Nagulat siya sa tanong, paano nito nalaman na nakikipag-date na ulit siya? Binigyan niya ito ng masamang tingin. Walang bahid ng panunukso ang boses nito pero feeling pa din niya ay tinutukso siya nito dahil sa mga kalokohan niya. She was searching for her key in her bag when he reached and embraced her.

Tale As Old As Time (Published under PHR)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu