CHAPTER EIGHT

5.1K 88 1
                                    


NAG-IISIP si Rodgine sa mga nangyayari sa buhay niya. Alam niyang pilit lamang niyang tinatakasan ang lahat. Tama ang mga kaibigan niya, nag-iinarte siya. Naduduwag siyang umamin ng totoong nararamdaman para kay Kwesi dahil natatakot siyang maiwan muli sa bandang huli. Pero siya din naman ang nahihirapan. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nagulat pa siya ng biglang may mag-abot sa kanya ng isang bote ng mineral water.

"Ipinabibigay ni Milo, baka daw nauuhaw ka na." sabi ng lalaking kanina pa niya iniisip.

Tinanggap niya iyon. "Salamat."

Tumango lamang ito at umalis na. Sinundan na lamang niya ng tingin ang pigura nitong papalayo sa kanya. Sabado ng araw na iyon at kasalukuyang nasa isang pribadong isla silang lahat. Pag-aari iyon ni Milo at doon gaganapin ang baby shower ng magiging anak nito. Ginamit nila ang yate ni Allie sa pagpunta roon bago pa man sumikat ang araw. Hindi iyon ang unang beses na nakapunta siya sa isla na matatagpuan sa Northern Palawan na pinangalanan ng mag-asawang "Tala's Paradise". Katatapos lang nilang mag-lunch ng humiwalay siya sa mga ito. Nagtungo siya tabing dagat habang nasa loob ng villa ang mga kaibigan niya kasama si Kwesi.

Napakaganda ng isla, parang paraiso ang lugar na iyon dahil sa asul na tubig ng dagat na may pino at puting buhangin sa paligid. Walang ibang maririnig kung hindi mga hampas ng alon o mga huni ng ibon. Tamang-tama ang lugar sa pag-iisip niya tungkol sa walang direksiyon niyang buhay pag-ibig.

Sa naisip ay wala sa loob na ininom niya ang tubig na iniabot ni Kwesi sa kanya kanina at inubos ang laman niyon. Lumipas ang ilang minuto at parang biglang namigat ang talukap ng mga mata niya. Walang malay na bumagsak siya sa buhanginan.

NANG pagbalikan ng malay si Rodgine ay nagulat pa siya ng mapansing nasa isang silid na siya at umaga na. Hinagilap niya sa isip ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay. Ang natatandaan niya ay ininom lamang niya ang tubig na inabot sa kanya ni Kwesi at inantok na siyang bigla. Galit na bumangon siya mula sa pagkakahiga para sana kumprontahin ang salarin ng mapansin niya ang isang sulat na nakapatong sa may lamesang kinapapatungan ng lamp shade. Kinuha niya iyon, muli siyang umupo sa kama at binasa ang sulat.

Rhin,

Sorry if we had to do this. Gusto lang naming maging masaya ka na tulad namin. Take good care of Kwesi...

Milo the Pogi

Nilamukos niya ang papel at padarag na tumayo. Iniwan sila ng mga hudyo sa isla! Pumasok muna siya sa banyo upang maghilamos at magsepilyo. Nang matapos ay lumabas na siya ng silid na inookupa niya at isa-isang tiningnan ang bawat kwarto roon upang hanapin si Kwesi. Natagpuan niya itong mahimbing na natutulog sa isa sa mga silid doon. Nakadapa ito at walang suot na pang itaas, yuyugyugin na sana niya ito upang gisingin ng bigla itong bumaligtad ng higa.

Her hand froze in the air as she stared in his broad shoulders and six pack abs. Naalala niya ang napanaginipan niya noong nasa probinsiya pa silang dalawa. Parang nabigyan ng katuparan ang panaginip niyang iyon, napalunok siya. Iniiwas niya ang tingin sa katawan nito, sa halip ay sa mukha na lang niya ito tiningnan. But she was even more mesmerized by his handsome face. Napakagwapo nito kahit na natutulog. Anak ka ng kabute! Umayos ka Rodgine!

"Good morning." pormal na bati niya rito ng magmulat ito ng mga mata.

Kumunot ang noo nito at disoriented na inilibot ang paningin sa paligid.

"Nasaan ako? Anong oras na?" tanong nito at bumalikwas ng upo sa kama.

"Nasa isla pa din tayo. Sa tingin ko ay mag-aalas-siyete na ng umaga. Mukhang wala na tayong ibang kasama dito dahil iniwan na nila tayong dalawa." sabi pa niya. "Did Milo give you a drink yesterday?" tanong niya.

Tale As Old As Time (Published under PHR)Where stories live. Discover now