Chapter 10

10K 245 18
                                    

Samantha's POV

Ang saya saya ko! Paano nakatanggap ako ng tawag mula kay Dra. Samonte. Sinabi nyang natanggap nya yung cv ko mula kay Mrs. Herrera at hired na nga daw ako bilang receptionist ng clinic nila malapit sa school.

Actually nasabi na sa akin kagabi ni Max yun ng tumawag sya, pero hindi ko talaga ineexpect na matatanggap ako.

Andito ako sa clinic ngayon, para sa briefing kung ano yung mga magiging tasks ko. After ng class ay pinapunta ako dito, sinamahan naman ako ni Chase at Max. Si Mary ang receptionist na nagaassist sakin, sya yung magging kapalitan ko. Sya yung full time pero ang oras nito ay from 8AM to 5PM lang

Pinagsstart na ko sa Monday at ang oras ko ay from 6PM to 12midnight every weekdays lang kase close sila ng Sat to Sunday. Inexplain din ni Dra. Mona sakin na mas madami daw patients kapag gabi na kaya need nya talaga ng makakasama. Dalawa silang dentist dito, yung isa na nakilala kong si Dra. Alvarez ay sa shift ni Mary, ako naman kay Dra. Mona.

Sinabi nya rin yung magiging salary ko at totoong nagulat ako sa laki ng offer, hindi naman kase ako full time para deserve na makatanggap ako ng ganung kalaki, pero syempre masaya din ako kase hindi na namin kaylangang magtinda pa at makakatulong ito ng malaki sa pamilya ko.

Matapos magsubmit ng mga docs at magpirma ng contract ay sinabihan din ako ni Dra. na bumalik nalang ako sa Monday. Binigay nadin sa akin yung magiging uniform ko.

"Grabe Maxwell, hindi ba parang anlaki naman ng offer nila sa akin as part time?" tanong ko kay Max, naiiisip ko padin kase yung magiging salary ko, nakakalula!

Natawa siya bago sumagot."Ganun talaga Sam sa mga clinic, malakas kase ang kita nila kaya maganda din ang offer. Nakita m naman kung bakit ang tagal nilang makahanap ng part time kase gusto nila sa deserving mapunta yung position." mahabang explain sakin ni Max. Ganon ba talaga yun?

"Ganun ba? Max pakisabi pala sa mom mo na maraming salamat ha, kundi dahil sa kanya siguro hanggang ngayon nagaapply pa din ako." thankful talaga ako sa mom nya, napakabait. Lalong lalo na sa kasama ko ngayon, feeling ko tuloy sya yung guardian angel ko, nuknukan nga lang ng naughty!

"Makakarating Sam.." sabay kiss sa labi ko! Nagulat ako, buti nalang hindi nakatingin si Chase at nauunang maglakad.

"Ano ka ba! Wag ka nga nanghahalik bigla! kakainis ka talaga..baka may makakita sa tin" so pag walang nakakakita pwede akong magpahalik sa kanya ganon? nagiinit tuloy yung pisngi ko.

"Eh ano naman kung may makakita, edi sabihin natin mag girlfriend tayo." ngingiti ngiti pang sabi nito.

"Heh! Tumigil ka nga dyan!" hinampas ko tuloy sya sa braso, nahihiya ako. Pero napaisip ako dun sa sinabi nyang girlfriend. Madalas niloloko nya ko ng ganun, pero hindi naman ako makareact, ano nga ba irereact ko?

"Guys bilisan nyo namang maglakad! Mamya na kayo maglampungan!" eeehhh nakakahiya!nakita ba nya ung paghalik sakin Max? kase naman tong babaeng to eh!

"Oo nga naman Sam baby, mamaya mo nako lambingin" sabay kindat!

"Arrraaaay!" sinabunutan ko nga sya.

"Baby ka dyan, hmp!"saka ako nagmadaling maglakad papunta kay Chase! Nkakaloka! naiinis ako, pero gusto ko din naman yung mga halik at yakap nya. Weird!

Nandito na kami ngayon sa apartment ni Chase, tambay daw muna tutal Sat naman bukas at walang pasok. Nagmessage nalang ako kay Steph na malelate ako ng uwi at kasama sina Max at Chase. Gusto nga sumama din kaso wala naman kasama si inay sa bahay kaya di na sya nagpumilit. Papuntahin nalang daw nya si Dani para may kasama sya.

Next saturday naman magstart na sya magpart time din kina Mrs. Ramirez sa bakeshop nito. Nakakatuwa kase ang swerte namin talaga, kinausap din kase ito ni Danica para tulungan magkawork ang kapatid ko.

Loving Maxwell - GxG StoryWhere stories live. Discover now