Chapter 12

9.3K 223 3
                                    

Sam's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay, hinihintay si Maxwell.

Walang pang 2 mins na paghihintay, natanaw ko na ang padating na sasakyan nya.

"Hi sexy, goodmorning!" bati sakin nito pagkababa ng window. Napangiti ako. Aga aga nambobola! Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto sumakay na agad ako.

"Good morning Max!" bati ko din dito pagkapasok ko.

"Where's Steph?" tanong nito ng mapansing magisa lang ako.

"Nauna na syang sinundo ni Danica kanina, sinasabay nga nila ako kaso sinabi ko nalang na dadaanan mo ko." sabi ko, tumango tango naman sya.

Hahalik sana sya sa pisngi ko habang nagkakabit ako ng seatbelt pero naunahan ko sya, natampal ko agad yung noo nya bago pa nya ako makiss haha

"Ano ba yan wala man lang pampagood vibes!" nakangusong reklamo nito.

"Tigilan mo nga ako Max ang aga aga eh!"sabi ko. "Halika na, ayokong malate baka mamaya may quiz pa tayo eh" maalala ko, buti nagbasa basa ako kanina kase siguradong magpapa surprise quiz na naman si Prof. Miguel nito.

"Sam excited ka na bang magstart sa clinic?" tanong nito habang nagsimula na kaming umandar.

"Oo naman, dala ko na nga din yung uniform ko, dun nalang siguro ako magpapalit." naisipan kong magdala na ng uniform kase pag umuwi pa ko dito sa bahay siguradong malelate ako sa work ko, nakakahiya naman kung first day ko tapos late ako.

Wala pang 20 mins nasa school na kami ni Max. Habang naglalakad pinipilit nyang hawakan yung kamay ko, sinasaway ko nalang kase nakakahiya sa mga makakakita sa min. Inagaw nalang nya yung paper bag na dala ko sya na daw magbibitbit.

"Maxwell wait!" sabay kaming napalingon ng marinig ang tumawag kay Max sa may bandang likuran namin.

"Oh hi.." sabi agad ni Maxwell ng makalapit yung babae sa amin. Kung hindi ako nagkakamali, sya si Claudette, yung nakita kong kaharutan nya sa simbahan.

"Good morning!" sabay halik nito sa pisngi ni Max kaya napataas ang kilay ko.

"Hello, I'm Claudette." nakangiting baling naman sakin nito ng mapansin akong nakatayo sa gilid. Ngayong nakita ko sya ng malapitan, parang pamilyar nga ung mukha nya. Madalas ko syang makita pero hindi ko akalain na kaklase pala namin sya. Kung hindi kase nakatutok sa prof na nagdidiscuss sa library ako nakatambay, kaya halos lahat ng kaklase ko hindi ko din kilala. Iilan ilan lang ang mga nakakausap ko sa kanila.

"Hi, Samantha." ginantihan ko lang din sya ng ngiti. Maganda sya lalo na pag malapitan pero ang una mong mapapansin yung dibdib nya na medyo may kalakihan.

"Lets go girls!" yaya samin ni Max kaya sabay sabay kaming naglakad papunta sa first subject namin.

Pagdating sa room, nakita kong hinila ni Claudette si Max sa likod. Wala namang nagawa yung isa kaya sumunod nalang.

Hindi ko na sila pinansin at nagdire-diretso na sa unahan, kung san ang usual na pwesto ko.

Sakto naman pagpasok ng prof at nagpakuha agad ng yellow paper para mag quiz. Buti nalang talaga nagreview ako.

"Grabe terror talaga ni Prof. Miguel hindi man lang sinabi na may quiz pala, edi sana nakapagreview man lang ako!"reklamo ni Danica pagkalabas namin ng room.

"Puro kase pambababae ang inatupag mo ayan!" si Chase naman.

"Ano ka isang babae lang kaya meron ako. Si Sam kase hindi man lang ako pinakopya! tsk" natatawa ako sa kanila. First subject palang puro reklamo na. Ngumiti lang ako, kahit naman gusto ko syang pakopyahin eh ang layo nya kaya.

Loving Maxwell - GxG StoryWhere stories live. Discover now