Chapter 39

8.2K 178 10
                                    

Maxwell's POV

"I won't leave you...ever." bulong ni Samantha bago ako niyakap ng mahigpit.

Matapos ang ilang segundo, kumalas sya ng yakap bago sabay kaming umupo dito sa sofa.

"I'm sorry sa pag-iwas ko sayo noon, for everything." tumitig ako sa mga mata nyang hilam ng luha.

"Sshhh...enough for your sorry. I wan't to hear everything, lahat ng nangyari sayo. Bakit ka bigla nalang nawala ng halos kalahating taon at kung bakit iniwasan mo ko mula ng dumating ka. What really happened Maxwell?" tanong nya habang nakatitig din sa mga mata ko.

Wala na sigurong dahilan para itago ko lahat kay Samantha, of all people, she deserves to know the truth and now is the right time for me to tell her those.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Do you remember the day after we came back from Sta. Barbara? kina Alexa." tanong ko.

"Yeah, what about that?" tumango sya at hinawakan yung kamay ko.

"Next day after that, I felt strange in my body. Parang may masakit sakin but I can't figure out exactly where or what it is. Blood also came out from my nose so I went to doctor." umpisa ko.

I told everything to her. Mula sa sakit ko na akala ko nung una wala ng lunas, yung pagsasama namin dito sa apartment na ngayon ay nakapangalan na sa kanya at pag-aari na nya. Yung about kay Gabby at sa fiance nyang si Charlotte at kung paano kami nabugbog ni Dani. Yung pag-stay ko sa Germany at yung pagkakaroon ko ng temporary amnesia hanggang sa makabalik ako dito sa Pilipinas.

Lahat lahat, wala akong tinago.

Napatakip sya sa bibig habang umiiyak, kaya niyakap ko sya.

"I'm sorry Sam, ginawa ko lang lahat yun dahil ayokong mag-isa at malungkot ka kapag nawala na ako." hinahagod ko yung likod nya.

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin.

"Nakakaasar ka talaga kahit kailan!" sabi nya saka ako hinampas sa balikat. Mabilis ko naman hinawakan yung mga kamay nya para pigilin yung akmang paghampas sakin ulit.

"Kamusta naman kayo ni Gabby? Masaya ka ba sa kanya?" tanong ko.

"Oo, masayang masaya ako sa kanya." sagot nya na nakangiti pa at tila nag-iimagine.

Kahit parang kinukurot yung puso ko pero hindi ko na yun inalintana. Ang mahalaga masaya si Samantha at ok na kami.

"Mabuti naman kung ganon." sabi ko sa kanya.

"Hmm Maxwell.."

"Hmm?"

"Madami pa sana akong gustong sabihin sayo pero madaling araw na." sabi nya. Tumingin ako sa wall clock, it is already 4am.

"Madami pa namang next time eh." sabi ko.

Tumango naman sya.

"Akyat na ko ha. Goodnight." hinalikan nya ako sa pisngi bago ngumiti sakin.

"Goodnight Sam." sabi ko bago nya binitawan yung pagkakahawak sa kamay ko.
Kinabukasan, tanghali na ako nagising.

"Where is Samantha?"tanong ko kay Dani na nagluluto ng agahan sa kusina pagkagising ko.

"Umuwi na, kanina pa."

"Anooo?! Bat di mo ko ginising?" pasigaw ata yung pagkakasabi ko.

Lumapit ako sa center island at nagtimpla ng coffee.

"Wag kang OA! Umuwi lang sya at hindi nangibang-bansa!" balik sigaw naman nito sakin.

Sinalin nya yung scrambled eggs na may tomato, onion, capsicum and spinach sa malaking plate.

Loving Maxwell - GxG StoryWhere stories live. Discover now