Chapter 32

6.7K 165 21
                                    

Samantha's POV

"Ayan natapos nadin!" sabi ko sabay apir kay Mang Caloy.

"Ang ganda ng naisip mo Sam, first time kong gumawa ng ganito. Ay teka, pwede ko bang kunan ng picture para ipapakita ko sa mga suki ko?" sabi nya sabay labas ng phone.

"Wait lang po, dun mo sa gilid kuhanan Mang Caloy, ayoko po kaseng makikita ng iba yung mukha nya." turo ko sa picture ni Maxwell.

"Oh sige, dito nalang." pumwesto sya sa gilid. Pero lumapit ako sa kanya at kinuha ang phone nya.

"Mas maganda po siguro Mang Caloy, ako kukuha ng picture, tayo ka po dun sa gilid ng frame para proof na ikaw talaga gumawa nyan di ba." sabi ko sa kanya, tinaas baba ko yung kilay ko, nahahawa na ko sa mga gestures ni Maxwell.

"Ay oo nga noh,sige." pumwesto sya sa gilid ng frame tapos nag thumbs up.

"1, 2" click!

"Patingin!" lumapit agad sakin habang kinuha ung phone nya.

"Oh di ba ang ganda?" tanong ko.

"Oo nga noh, para akong model dito tignan mo!" natatawa nyang sabi.

"Oo nga eh, at dahil ho dyan wala ng bayad yung paggawa sa frame ha?" biro ko.

"Ay wag naman ganyan Sam, baka palayasin ako ng asawa ko nito eh." sabi nya kakamot kamot ng batok.

"Joke lang Mang Caloy, kayo naman di na ho mabiro, oh eto po ang bayad." inabot ko sa kanya yung sobre na naglalaman ng 5k.

"Salamat ha, basta pag may papagawa ka tawagan mo lang ako." sabi nya.

"Sige po."

"Matanong ko pala Sam, sino ba yan? Kapatid mo?" tanong nya sabay nguso sa frame.

"Asawa ko po!" nakangiti kong sagot.

"Huh?!" gulat na reaksyon nya.

"Oo nga, hindi po ba kapani paniwala?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganon, bagay nga kayo eh. Lalo na dito oh!" tinuro nya yung picture namin ni Maxwell na nasa gitna.

Ayun yung picture naming dalawa nung kagigising lang namin, selfie yun na sya yung kumuha. Nakakiss sya sa ilong ko habang nakapikit tapos ako naman naka-smile habang nakatingin sa lips nya.

"Ganda namin dyan noh?" sabi ko.

"Ibig sabihin Sam, tomboy ka?" tanong nya.

"Tomboy agad?! Grabe ka naman Mang Caloy! Sabihin nalang ho natin na isa akong dyosa na nainlove din sa kapwa nya dyosa..." sagot ko.

"Ay ganun ba yun, Balak ko pa naman sana ireto yan sa anak kong si Benjie." sabi nya, nagsalubong naman yung kilay ko.

"Subukan mo lang Mang Caloy sisiraan kita sa mga suki mo! Nakakainis naman ho kayo, umuwi na nga po kayo!" sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto.

"Hahaha biro lang! Ikaw namang bata ka oh!" sabi nya na natatawa.

...

"Ok lang ba kayo dyan nay?" tanong ko kay inay pagsilip ko sa kwarto nila ni Steph.

"Oo anak ok na ok!Ang lambot naman pala ng kama mo, baka mapasarap yung tulog ko nito."sabi nya habang nakaupo sa kama.

"Basta feel at home nay ha, dito na kayo titira habang wala si Maxwell. Di ko po kase alam
kailan sya babalik, bigla nalang syang umalis." sabi ko, hindi alm ni inay na alam kong nasa ibang bansa na si Maxwell.

"Ayos ka lang ba anak?Nagusap ba kayo ng maayos bago sya biglang umalis?" may pagalalang tanong ni inay. Galing din umarte ni inay eh! tsk!

"Nagiwan po sya ng sulat nay, sabi nya pinadala muna sya dun ng dad nya para mag-asikaso ng negosyo nila." sabi ko kahit wala naman talagang sulat na iniwan si Maxwell. Napakagat ako sa labi ko.

Loving Maxwell - GxG StoryWhere stories live. Discover now