Chapter 17

8.9K 252 34
                                    

Sam's POV


"Ate!! Ate Maxwell!!" sigaw ni Steph mula sa di kalayuan.

Naitulak ko tuloy si Maxwell mula sa pagkakayakap sakin.

Humahangos at hinihingal si Stephanie ng makalapit samin.

"Oh bakit?" tanong ko. Umupo ulit si Maxwell.

"Hi ate, hello Ate Maxwell!" bati nito. Nginitian naman sya ni Maxwell bilang tugon.

"Bakit nandito ka, wala kabang class?" tanong ko na makaupo sya.

"Ate pautang naman!"

Utaaaang na loob Stephanie! Panira ka ng moment!Uutang kalang pala!

"Eh may kailangan akong bilhing book, sige na ate babayaran din kita next week." napatirik yung mata ko nung alug alugin nya yung braso ko.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Oo na! Magkano ba yun?" tanong ko, matitiis ko ba naman tong kapatid ko, kahit inistorbo yung moment namin ni Maxwell?

"2000 ate." sabi nito ng nakangiti.

"Anoo?!" anong klaseng libro ba yun, bat ang mahal?

"Here Stephanie." nagulat ako ng mag abot ng pera si Maxwell sa kapatid ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat din si Steph pero ilang sandali lang ay napangiti ito ng pagkalaki laki.

"Its ok Sam, utang naman yan. Sisingilin ko nalang sya next week." nginitian lang ako tapos bumalik na ulit sya sa pagkakaupo.

"Thank you ate Max! Youre the best! Sige alis nako, bye ate!" humalik muna sya sa pisngi ni Maxwell bago ako naman ang hinalikan saka tumakbo na palayo.

"Ayyysh mukhang pera talaga yung kapatid ko!" nayayamot ako na naupo. Yung katabi ko naman tatawa tawa lang habang umiiling.

"Hoy ikaw wag ka ngang magbbigay basta basta ng pera dun, nakakainis ka." pinalo ko sya sa braso.

"Eh ano naman? Pambili naman nya yun ng libro eh kaya hayaan mo na."sabi nya habang hinihila ako patayo.

"Eh syempre baka mamaya pang date lang pala nya yun." sinabi ko lang yan dahil nahihiya ako kay Maxwell. Saka kilala ko naman yung kapatid ko, mas magsspend pa yan ng pera sa books kaysa sa pagkain.

"Sus hindi naman sya hahayaang gumastos ni Danica sa date nila, unless may iba syang kadate at hindi si Dani yun."sagot naman nya na ikinataas ng kilay ko. Pero hindi nako nagsalita ulit.

"Come here." hinawakan nya ang waist ko at pinaupo sa lap nya ng pa-side pagkatapos ay niyakap ako. Hindi na ako nagprotesta pa. Aarte pa ba ako? bka mamaya hndi na naman ako kausapin ng panget na to eh.

Nilagay ko naman ang kanang kamay ko sa balikat nya, para tuloy kaming nagyayakapan nito. Buti nalang walang tao dito.

"Max..." tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" pinatong nya ung baba sa balikat ko,nakikiliti tuloy ako everytime na dumadampi yung mainit nyang hininga sa leeg ko.

"Bakit ka nagseselos kay Arvin?" tanong ko habang nakatingin sa mga naglalaro ng soccer.

"I dont know.. what do you think?" tanong nya.

"Kaya nga ako nagtatanong eh." lumingon ako bahagya sa kanya ska nagpout.

"Wag ka nga gumanyan! Baka mamaya..."nilayo nya bahagya ung mukha saka ako tinignan at nagsmirk.

"Ano?" alam ko na tumatakbo sa utak nito eh. Inambahan ko sya ng suntok.

Loving Maxwell - GxG StoryWhere stories live. Discover now