FIVE

58.9K 1K 15
                                    

Unknown POV

Labing Siyam na taon na kaming nag-papakasasa sa yaman ng iba, yaman ng pamilyang Castellejo , kami na rin ang nag-mamay-ari ng kompanya ng sasakyan na pinakasikat sa lahat .

"Dad , I want him to be mine as soon as possible" my daughter said .

"Iha , mag-hanap ka na lamang ng iba na kayang bilihin ng pera natin".

" Sya lamang ang gusto ko Dad, gumawa kayo ng paraan para maging akin sya " nag-dadabog na wika ng aking anak .

"Mukhang nag-tatampo na naman ang unica hija natin Sweetheart kung bakit ba naman kasi hindi mo magawa ang inuungot nya sayo, panahon naman na siguro para pag-bigyan natin sila".

" Sweetheart hindi malalaman ng pamilyang Sarmiento ang buong katotohanan kaya bakit tayo matatakot, nalinis lahat ng ebidensya na makakapagturo na tayo ang puno't-dulo ng lahat ".

" Sweety ,kailangan lang nating makasiguro baka may iba pang tao sa bahay na yun 5 yrs. Ago ang ipinag-tataka ko lang sabi ng source ko may dalawang anak sila pero lumabas sa investigation ng pulis at nbi na wala silang mga anak".

"Napapraning kana naman Sweetheart, matagal ko ng ibinaon sa limot ang lahat lalo pa at pinalabas na nating patay ang bata pero ang totoo may kumuha dito"

"Kaya nga sweety pwede tayong balikan ng kumuha sa batang iyon"

"Sweetheart kumpleto tayo ng bodyguard sa bahay na ito at maimpluwensya pa tayo ,wala silang Laban sa atin kaya umayos ka Gregorio, sundin muna ang nais ng anak natin"

"Pag-iisipan ko ang bagay na iyan Marcela, ayaw kong magkamali ng desisyon na aking gagawin.

EM POV

Inis na inis ako sa araw na ito, nabalitaan ko lang naman kasi na nag-kita na si Kenjie at ang kanyang asawa, lingid sa kaalaman ng lahat nagsend ako ng edited photos noon kay janica kaya tuluyan nyang nilayuan ang lalaking aking iniibig .Wala akong ginusto na hindi nila ibinibigay, sunod ako sa layaw mula pa noon kaya nga napasok ko din ang showbusiness dahil sa impluwensya ng aking pamilya, pati pag-momodelo pinatos ko rin dahil lagi kong nakikita ang poging mukha ni Kenjie . Para mawala ang inis ko nag-punta na lamang ako ng Mall para mag-libot-libot hanggang sa ako ay mapagod at umuwi ng bahay .

Nagising ako kinabukasan na nag-tatalo Si Mam at Dad

" Natalo kana naman ng 5 million sa sugal" bulyaw ni mom

"Wag kang mag-alala hindi naman mauubos ang yaman natin at yung limang Milyon na yun ang ipinusta ko lang naman ay ang lumang bahay natin sa California".

" Kahit na , sayang pa din ang property na yun "

"Mom, Dad tama na nga yan, naririndi ako sa inyo , kumain na lamang tayo " pag-dadabog ko .

Kenjie POV

Hindi ko inaasahan ang aking natuklasan ,tunay na napakagaling ng private investigator na kinuha ko para ibackground check ang kaibigan ng aking asawa sapagkat nagdududa na ako noon pa man sa lahat ng kanyang kilos at galaw . Ayon sa nakasaad dito mag-kapatid ang dalawa at panganay lamang si Lynn Kay Janica ng limang taon, ngayon ay Hindi ako mapalagay bakit kaya hindi sya nag-pakilala Kay janica gayong alam naman nito ang katotohanan, Alam na nya noon pa bago nya pakasalan ang asawa na may selective amnesia ito ayon sa kaibigan nyang doktor na tumungin sa asawa ng minsang sumakit ang ulo ng kabiyak pero inilihim nya ito sa pag-aakalang wala naman na itong dapat alalahanin sa nakaraan pero nag-kamali sya .Kailangan nyang alamin ang buong katotohanan  pasimple syang nag-tungo sa apartment na tinutuluyan ng kanyang asawa at ang kaibigan nitong si lynn na ate pala ng kanyang asawa. Dahil natrain na sya ng kanyang papa mula ng bata sya at ngayon ay isa na syang secret agent ng CIA ay madali na aa kanyang lagyan ng CCTV camera ang apartment ng dalawa sa loob at labas gumawa din sya ng paraan na walang makakapansin sa ini-install nya , sadya nya ring ini-off muna ang ibang CCTV camera sa paligid para walang makakita sa ginawa nya , kailangan nyang subaybayan 24/7 ang asawa at ate nito dahil malakas ang kutob nyang may kaugnayan ang lahat ng nang-yari sa kanilang mag-asawa sa nang-yaring aksidente sa magkapatid noon .Malakas din ang kutob nyang hindi pa nag-babayad ang may-sala kaya nagawang ilihim ni lynn ang lahat sa kapatid. Matapos nyang gawin ang lahat ay sinigurado nya munang ok ang lahat at malinis ang kanyang trabaho bago nag-punta sa hideout nila ng kanyang partner in crime , Si Red ang kaibigan nya ding piloto at nag-mamay-ari ng pinakamahal na laptop sa buong mundo na kung Saan kayang-kaya nitong kumalap ng mga importanteng Impormasyon sa kalaban

Paalala po ni Author gawa-gawa nya lang po yung tungkol sa napakahightec na laptop .

Tinatawanan lamang ako ni Red dahil sobrang bilis daw ng galaw ko pero hindi ko napansin na may nag-mamasid sa galaw ko , buti na lang daw ay to do rescue sya .Nag-pasalamat na lamang ako sa kanya dahil isa sya sa taong tunay kong pinagkakatiwalaan .

Naubos ko na ang whiskey at nag-pasya akong umuwi muna ng condo para naman makapag-pahinga , hindi ko na rin pa kailangang puntahan si Janica dahil nakasubaybay sa kanya ang mga tauhan ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko .Miss na miss ko na talaga sya, eksaktong pagdating ko sa tapat ng apartment nila kauuwi kang nya galing ng opisina agad ko syang niyapos sa kanyang likuran at isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat , bigla naman syang tumigil at alam kong hanggang ngayon kabisado pa rin nya ako at alam nya ring nakainom ako ng konti .Nasasamyo ko ang mabango nyang hininga at ang paborito kong pabango nya .

"Allow me to hug you pls" I said in husky voice.

"OK " simple nitong sagot sa akin ..Niyakap ko pa sya ng sobrang higpit at ng makalma ko na ang aking sarili hinalikan ko ang kanyang noo at pisngi saka pinapasok na sya sa loob ng kanyang apartment at ng makita kong safe ba syang nakapasok saka lamang ako tuluyang umuwi ng condo at ng makaapag-pahinga naman .



Pls. Support my story guys ....

Thankyou

Akoclheanne

Billionaire Seductive WifeWhere stories live. Discover now