THIRTY FIVE

27.3K 498 10
                                    

Kenjie POV

I just need to relax and unwind before going home. According to my source favorite ng anak ko ang chocolates and different types of bears so I want to buy them  chocolates and stuff before going back to the land of Paradise.

I grab my cap and jacket. Kinuha ko rin ang kakaibang buhok na binili ni Eric. Hindi kasi pwede na may makakilala sa akin agad .Hindi pwedeng malaman nila na buhay pa ako .Ayaw kong manganib ulit ang kanilang tahimik na buhay .After that I decided to open the door. Nagulat ako ng eksaktong bumukas ang pintuan ko ay pasara na ang pinto ng kabilang condo. May nakabili na rin pala sa condo na katapat ng akin este katapat ng condo ni Eric. If im not mistaken if you buy one condo in this vicinity,  the prize is gold meaning it can amount billion pesos. Matapos kong i-lock ang condo ay patalikod na akong nag-lakad nang bumukas ulit ang pintuan sa kabilang silid kaya naman napalingon ako. Kitang-kita kong lumabas ang isang babae, nakaside kasi ito kaya hindi ko masyadong nakikita ang kanyang mukha. Kahali-halina ang pangangatawan nito kahit na mahahalata mong buntis ito. Naalala ko na naman ang aking asawa. Marami akong pag-kukulang sa kanya , hindi ko sya naalagaan sa mga panahong nag-bubuntis ito pero sigurado naman akong hindi  papabayaan ni Lynn ang kapatid. Maya-maya pa ay tumalikod na rin ako at pasakay na ng elevator. Nararamdaman kong sumunod din ang babae sa aking likuran, pag-kapasok ko ng elevator iprepress ko na sana ang 1 sa button at icloclose na ng biglang nag-salita ang babae.

"Mister wait" saad nito, nabigla ako sa boses nito. Kaboses nito ang aking asawa. Nananatili lamang akong tahimik .Gulat na gulat ako sa pangyayari, Bakit narito ang asawa ko? Gayong pitong buwan na ang ipinag-bubuntis nito. Bakit pinayagan itong mag-punta dito at nag-iisa pa. Bigla akong nainis at umiral na naman ang pag-aalala at pag-ka overprotective ko sa aking asawa, lalo pa at hindi pa talaga nahuhuli ang pinakalider talaga ng sindikato .Akala ko tapos na ang lahat ng namatay sa bodegang iyon ang kanang-kamay ng rival naming mafia noon , pero nag-kamali ako dahil may nag-uutos pa pala rito. Nagising ako sa aking pag-mumuni-muni ng biglang nag-salita ang aking asawa.

"Ouch" mahina nitong saad habang hawak-hawak ang tiyan nito. Kahit mahina ang pag-kakabigkas nito ay rinig na rinig ko .

"What happened?" Tanong ko sa pinaibang boses. Napatingin sa akin ang aking asawa na nakangiti kahit na parang nasasaktan na ito .

"OK lang ako Mister, sumipa lang ang anak ko" nakangiting pag-eexplain nito sa akin.

"Bakit nag-iisa Ka lang? Paano kung mapaanak Ka ng wala sa oras" hindi ko mapigilang tanong.

"Nasa baba ang aking assistant hinihintay nya ako" nakangiti pa rin ito sa akin.

"Ah ganoon ba" sagot ko eksaktong nasa first floor na kami .

"Sige Mister, mauna na ako" paalam nito sa akin at kumaway pa .Biglang sumara ulit ang pinto ng elevator hindi pa pala ako lumalabas kaya pinindot ko ulit ang open.

Sinundan ko sila ng tingin kasama ang assistant nito. Sumakay ang mga ito ng kotse , kaya sumunod din ako pero alalay lang ang pag-buntot ko baka kasi mahalata nila at matakot pa . Bumaba ang mga ito sa patapos nang site. Kung hindi ako nag-kakamali bukas ay tapos na ito dahil sa dami nang trabahador na nag-pipintura .Binasa ko ang nasa harapan "Sarmiento DK Clothing Company", napakalaki na pala ng naging achievements ng aking asawa. Ilang buwan lamang akong nawala. Tahimik kong pinag-mamasdan ang aking asawa .Nakangiti itong nakikipag-usap sa mga tauhan .Maya-maya pa ay umupo ito sa isang tabi na malayo sa anumang bagay na maaaring makapanakit sa kanya. Nakatingala ito .Maya-maya ay hinahaplos nito ang Tiyan, kitang-kita ko ng punasan nito ang luhang nag-lalaglagan sa mga mata nito.

" Malapit na akong bumalik Hon, at sa pag-babalik ko hindi na kita papayagan pang umiyak. Mahal na mahal kita Dianne" bulong ko sa hangin. Agad kong kinuha ang IPhone sa bulsa ko .

"Hey dude" pabaklang sagot ni Eric. Kahit kelan talaga itong kaibigan naming ito palabiro, palatawa pero alam kong deep inside tinatago lamang nito ang sakit.

"Hey Man" saad ko sa pabulong na tinig. Malakas ang pakiramdam nito at tiyak na itatanong nito ang problema.

"What's with that voice? Any problem? " agad nitong tanong sa akin.

"My wife is here "

"I know that dude, pina-check ko pa nga sa Embassy dahil may nakapag-sabi sa akin and It confirms, Don't worry may palihim na nakabantay sa kanya"

"Thanks Man, thanks to all your help, Now I know kung bakit malapit ang loob sayo ng aking asawa" buong-puso kong saad.

"Baka naman mag-selos Ka nyan" pag-bibiro nito sa akin.

"Subukan mo lang syang agawin, mag-tago kana" pasegunda ko namang saad sa biro niya.

"Haha gagawin ko talaga, Anyways may meeting pa ako" paalam nito bago ibinaba ang tawag. Pag-katapos naman ay tinawagan ko si Agent Mars, panahon na rin siguro para hingin ko ang ruling nila.

"Hello who's this? Bakit # ni Agent Ken ang gamit  mo? Sino Ka? Nag-salita Ka?" Sunod-sunod na saad ni Agent Mars hindi na nga niya ako binigyan pa ng pag-kakataon para makapag-salita. Rinig ko ring kausap nito si Red sa kabilang linya.

"Who are you? Is this a frank! " si red naman ang nag-salita. Napahalakhak ulit ako ng wala sa oras.

"Hahaaa dude" saad ko . Tumahimik sila saglit at Maya-maya pa rinig ko ang mga yabag ng ibang agent at alam kong inaalam na nila ang location ko, ang location ng caller. Pero OK na din para makita ko na ulit sila at mahanap na namin ang mastermind ng lahat ng ito.

"Who are you?" Wika ulit ni red.

"Its Me, Agent Ken" pakilala ko.

"Ginaya mo lamang ang boses nya " galit na wika ni Agent Mars

"Hindi mo kami maloloko" agent Neo said.

"For you to believe me , Let's Skype , open your agent Skype account Agent Mars" saad ko bago in-end ang call at nag-log- in sa aking Skype. Skype na ang gamit namin ay ang mismong agent account namin. Hindi yung mismong personal account ko.

"OMG, buhay Ka?" Napalaki ang mata ni Agent Mars matapos akong makita.

"What happened? Paano Ka nakaligtas? Nag-punta kami doon dude at nakarecover ng bangkay. Kasama din doon nakita namin ang relo mo, nakilibing pa nga kami sa peke mong bangkay" explain ni Agent Red.

"OK makinig kayong lahat at isasalaysay ko" sinimulan ko ngang ikwento ang lahat at nakabuo kami ng isang magandang plano.

Enjoy reading
Pls. Vote and comment

Once a Day lang po ang U.d. dahil libangan ko lang din naman po ang mag-sulat kapag free time sa work.
Salamat sa patuloy na pag-subaybay

6 Chapters na lamang po ang natitira at sisimulan ko na din ang Love Story ni Red



_akoclheanne_

Billionaire Seductive WifeWhere stories live. Discover now