THIRTY EIGHT

28.8K 525 10
                                    

Dianne POV

Katatapos lamang ng ribbon cutting pagod na pagod ako kaya agad akong nag-pahatid sa aking assistant sa aking condo. Bukas ay babyahe na ako pauwi ng Pilipinas. Pag-karating ko sa condo ay nag-punta ako sa terrace sa likod at lumanghap ng sariwang hangin. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita Ken. Napanaginipan ko na naman siya kahapon na binantayan niya ako at hinahaplos nito ang mukha ko.  Matapos ang pag-mumuni-muni ko ay bumalik na ako sa room, pinahanda ko na rin sa aking assistant ang lahat ng aking gamit para masiguradong ayos na ang lahat para bukas.

"Madamme, may nag-hahanap po sa inyo" wika niya sa akin kaya agad ko namang tinignan kung sino ang nasa pinto.

"Hey Mr. Elevator what are you doing here?" I asked him.

"I just want to see your face, your name is?" Tanong nito sa akin.

"Dianne" saad ko sabay abot ng kaliwa kong kamay.

"Nice meeting you Dianne" saad nito at nangilabot ako pagkat parang kaboses nito ang aking asawa.

"Is there something wrong?" Tanong nito sa akin .Napansin siguro nito na bigla akong natigilan at napatingin sa kanya. Napakabilis ng pag-tibok ng puso ko na kay Kenjie ko lamang nararanasan kapag kasama ko ito noon. Tinitigan ko ang buhok ng aking kaharap. Pansin Kong naka-wig lamang ito. Ganoon din ang mga mata nito ay may contact lens. Kasing tangkad at kasing katawan din nito ang aking asawa. May kung ano'y napag-tanto tuloy ako. Para alamin kung tama ang hinala ko ay tinawag ko ang assistant ko na tatawagan ko na lamang mamayang hapon para ituloy ang pag-aayos dahil may bisita ako.

"What do you want to drink?" I asked him.

"Just give me your best drink" wika nito sa akin. Akala ko pa naman sasabihin na nito ang paboritong inumin ng asawa ko. Mali bang paghinalaan ko na siya ang asawa ko? Kasi naisip ko lamang paano kung nag-kamali lang kami noon na akalaing bangkay ni Ken ang nasunog? Paano pala kung si Mr. Elevator at Si Ken ay iisa? Paano ko ba siya mahuhuli?.

"OK "sabay abot sa kanya ng Iced Tea na tinimpla ko. Tignan ko lang kung ano ang reaksiyon niya. Kapareho nga ng reaksiyon ni Ken dati. Ano ba kasi ang pinag-lalagay nito sa mukha bakit hindi ko agad nakilala na siya ang asawa ko . Aksidente kunwaring nabitawan ko ang isang juice na hawak ko Kaya naman nabasa ang damit nito. Inalis nito ang damit kaya kitang-kita ko ang maliit na rose sa bandang kanan ng balikat nito. Naiinis ako sa kanya bakit kinailangan nitong mag-iba ng mukha para hindi ko makilala. Pero ngayon siguradong-sigurado na ako na siya ang asawa ko.

" Done fantasizing my body?" He asked me pervertly.

"Over my dead body" saad ko sabay simangot. Kinuha ko naman ang baon baon kung isang damit ng asawa ko at ibinigay sa kanya .Nakakainis talaga siya ako miss na miss siya tapos hindi pa niya sabihin sa akin na buhay na buhay siya.

"Bakit may damit panlalaki Ka dito?" Tanong nito. Naku naku naman umiiral na naman ang pagka possessive nito. Isang beses lamang kasi nito naisuot ang damit na ito kaya hindi siya familiar.

"Damit yan ng asawa ko, isang beses lamang niyang naisuot. Nung time na pumunta kaming Subic.Miss na miss ko na siya" saad ko sabay talikod. Ano Ka ngayon tignan ko nga kung ano ang sasabihin mo. Pinipigilan ko ang Luna sa aking mga mata.

"Bakit nasaan na siya?" Rinig kong saad nito saka bumuntong-hininga ng malalim.

"Wala na , iniwan na kami. Wala nga siya sa mga panahong kailangang- kailangan ko siya. Mga panahong nag-lilihi ako at alam kong masaya na ito kung nasaan man ito ngayon" pagdadrama ko.

"I'm sorry" mahinang bulong nito pero nakaabot sa tenga ko ang sinabi nito.

"May sinasabi Ka? " kunwa'y saad ko saka lumingon sa kanya.

"I miss you hon" sabay yakap nito sa akin. Hindi ko na napigilang hindi umiyak. Humagulhol ako sa balikat niya.

"I hate you, akala mo ba hindi ko mapapansin na ikaw yan? Nakita ko na ang ebidensya. Sinadya kitang tapunan ng juice para malaman ko kung ikaw nga iyan dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"I'm sorry dahil hindi ko sinabi na buhay ako. Ayaw ko kasing manganib ulit ang buhay mo. Tapos na ang lahat at panigurado nasa pilipinas na ngayon and mastermind ng lahat ng ito.

" I understand "wika ko sabay alis ng wig nitong shot at ang mga pinag-lalagay nito sa mukha. Nag-hilamos ito pag-katapos. Inalis din nito and kunwa'y pustiso na pinagawa nito para hindi mahalata and pantay-pantay noting ngipin na mapuputi. Ipinaalis ko na rin ang contact lens na suot nito.

" Hon let's go to my condo " aya nito sa akin kaya matapos kong itext any assistant ko na ayusin na ang lahat ng gamit ko ay sumama na ako sa condo ng asawa ko na katapat ko lamang. Kitang-kita ko lang malaki naming portrait na nakasabit sa may sala. Ang napakagandang interior design ng condo .Very manly talaga. Kitang-kita ko rin na may mga nakaprepare ng iluluto sa kitchen.

"Matulog Ka muna sa room ko, gigisingin kita after ko makapag-luto" saad ng asawa ko.

"OK hon, I'm so tired katatapos lamang kasi ng ribbon cutting"

"OK hon, sleepwell " hinagkan niya ako at niyakap .

"Akala ko ba mag-luluto Ka?"

"Mamaya na kapag nakatulog na kayo ni Baby, nais kong nakita kang mahimbing na natutulog. Namimiss ko ang mga ganitong pag-kakataon" saad ng asawa ko na nakangiti sa akin.

"Thanks hon"/mahina kong wika .

" OK sleep kana muna hon, I love you" wika nito sa akin habang hinahaplos ang aking buhok.

"I love you too" sagot ko naman saka ko na ipinikit ang aking mga mata para matulog. Ito ang unang gabi na sobrang gaan ng pakiramdam ko. Nag-balik na any asawa ko.


Enjoy reading
Pls. Vote and feel free to comment

Suportahan nito rin po ang isa ko pang story na ginagawa ang " The Famous Billionaire Inventor




_akoclheanne_

Billionaire Seductive WifeWhere stories live. Discover now