💐01💐 Athena 💐

854 5 0
                                    

"I'm not interested!" nanggagalaiting sigaw ko sa mouthpiece.

Kung puwedeng kalmutin 'yung kausap ko sa phone ay ginawa ko na. Ang kulit talaga, tawag ng tawag. Ilang ulit ko bang kailangang sabihin na 'I'm not interested' para magkaintindihan kami?

God!

These government facilities are so full of themselves. Akala nila lahat ay nadadaan sa pananakot or suhol.

Well, not me!

Buti na lang, I have all my resources intact para panlaban sa kanila kaya 'di nila kayang gumawa ng hocus-pocus sakin.

Bonafide girl scout yata ako—laging handa! I mentally praised myself while having a smug face.

"Miss Lorenz, I sincerely urge you to think about it and take into consideration all the benefits you will receive if you work with us."

Ayun oh, humihirit pa rin si Chief, the one and only director of the Specialist Division of the US Secret Anti-Terrorist Forces or USAF something-something. Sila ng England ang nangunguna sa contest ng pakulitan.

Paki ko sa inyo.

Takte naman, kakaloka. Panay buntung hininga ko habang nakikinig, istorbo talaga. 'Di tuloy makapag-concentrate sa panonood ng 'Goblin'.

"Look, I really appreciate all that benefits and whatnots, but as I said before, I'm not interested. My decision stands the same no matter what you offer so there's really nothing to consider." I roll my eyes habang nag-explain.

Malabo pa sa patak ng ulan during El Nino na tatantanan ako neto. Aba, kung tiyaga lang pagbabasehan, eh talong talo nila ang Oswald Corporation—the number one computer technology company in the world sa kakatawag. Sana mapudpud daliri sa kakadial.

"Miss Lorenz, let me remind you that the resources you have could land you in a very difficult and dangerous position—" he pauses nang biglang may nagtanong sa kanya. I know tinakpan niya ang mouthpiece pero nadinig ko padin ang sigaw at mura niya sa kung sino man ang malas na nang-istorbo.

Napangiwi ako, kawawang bata, napagbuntungan ng galit.

'Tsinek ko 'yung oras sa wall clock habang nakikipag argumento pa si Chief sa kabilang linya. Mag-aalauna na ng madaling araw, kaya pala antok na antok nako. Anbilis ng oras, more than ten hours na din akong nakaupo sa harap ng monitors ko.

"—As I was saying..." natigil ang pagmumuni-muni ko nang nagsalita ulit si Chief, "... We could sue you for harboring those resources, but, we kept asking in a civilized manner to keep getting things out of hand..." Tinanggal ko 'young earpiece sa tenga ko at tiningnan ito ng matalim na para bang lalabas doon ang kausap ko.

Unbelievable!

After buttering me up, tinatakot naman ako ngayon. Anu iyon? Pag di nakuha sa santong dasalan, dadaanin sa santong paspasan?

Gago! 'Tang ina mo...

Isinaksak ko ulit an earpiece so tenga ko, "... If you don't want to be troubled with endless lawsuits, I suggest you better coop—" litanya pa rin niya na ini-mute ko na. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

Blah, blah, blah.

"Look, I don't know what you're talking about. What resources? Do you have any evidence? Then, by all means, go ahead," putol ko sa iba pa niyang sasabihin.

'Kala nila matatakot nila ako, hah! Eto oh, pakyu ka.

Ikinumpas ko ng paulit-ulit ang middle finger ko sa hangin. Asar na asar ako, eh.

Wooed by the Mafia Prince himself...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon