Chapter 5 - Enemy, incident and stuck

4.7K 129 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Camille Angel Smith point of view


Nakapag-inat ako ng nagising ako at sa tingin ko ay ilang oras din akong nakatulog dahil sa wala namang kakaibang plano ang prinsipe. If you know what I mean... Tulala lamang ako ng may narinig akong biglaang pagsabog. Hindi ko alam ang nangyayari subalit agad na akong nagmamadali sa paglagay ng 'armor' kung tawagin nila dito sa Confusa. Kung alam ko lang may mangyayari, hindi ko na ito tinanggal pa kahit na hindi ako komportable sa pagtulog. Mahirap din kasing isuot ito pero sa gaya kung sanay na at mas masasanay pa ay parang ipis lamang ito sa akin.

Paglabas ko ng silid ay nagulat na lamang ako ng may nakikita kong mga kalaban at halos wasak na ang sinasakyan namin na barko. Kung tutuusin hindi na dapat akong mabibigla pa kapag may biglaang atake lalo pa at walang kaming dalang masyadong mga armas.

Kahit kakagising ko pa lamang ay agad ko ng binuhay ang sistema ko at agad na nagsimulang makipaglaban. Napansin kong unti-unting nakakatungtong sa barko kung kaya'y mas binilisan ko na ang kilos ko hanggang sa nagkita kami ni Amber. Halatang medyo na napapagod na din siya at halata din sa kanyang wala pa siyang pahinga hanggang sa pumasok sa isipan ko ang prinsipe.


Camille: *Mumbles* His Highness.


Agad na akong kumilos upang mapuntahan ko ang kanyang silid at ng nakarating ako ay nakikita kong may nagtatangkang saktan ang mga tagalingkod ng prinsipe kung kaya'y tinulungan ko na muna sila bago ako pumasok sa kanyang silid.

Nang pumasok ako sa silid ay nakikita kong natutulog ang prinsipe at wala man lamang siyang kamalay-malay na may nagtatangka sa kanyang buhay. Bago pa man niya maisagawa ang kanyang pakay ay agad ko na siyang pinigilan at dahilan ito upang magulantang at magising ang prinsipe. Walang siyang magagawa at pumunta na lamang siya sa sulok dahil kung hindi niya iyon gagawin ay mababawian lamang siya ng buhay. Bagay na hindi ko hahayaang mangyari... responsibilidad ko ang buhay ng prinsipe at kahit wala akong ginawang masama ay mananagot ako. Isa pa, nangako ako sa hari na proprotektahan ko ang prinsipe hanggang sa huli... pangakong hindi ko ipapako. Maliban pa sa pangako ko sa hari ay may pangako din ako sa prinsipe at kahit anong mangyari ay tutuparin ko at magagawa ko lamang iyon kapag makaligtas kami pareho sa panganib na nakaambang sa amin ngayon.

Ibang-iba na ako sa dating ako kaya ibinuhos ko na ang lahat ng pwedeng ibuhos na lakas upang masabi ko lamang sa lahat at pati na sa sarili ko na kaya ko naman talaga... na malakas naman talaga ako kahit anong mangyari.


Crown Prince Matheus: What the heck?! What just happened? 

Camille: We're under attack by an enemy. If you don't mind Your Highness but, we need to escape now!

A Gangster is a REAL long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon