Chapter 15 - Silver

3.9K 96 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Camille Angel Smith's Point of View


Matapos kong magsulat ng mensahe para kay Luke at mailagay ang ang mensahe ko sa isang sobre ay doon na ako lumabas. Tumungo agad ako sa puno ng buko. Balak ko kasing umakyat dito pero bago pa man ako maakyat ay humawak sa aking kamay. Napalingon naman ako sa may-ari ng mga kamay na humawak sa akin.


Camille: Alfred?


Papaanong--- nangyari ito? Ang huli kong balita sa kanya ay namatay siya buhat ng digmaan. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita at agad na napatulo ang aking mga luha.


Alfred: *Pahid ng luha* Kamusta ka na Miles? Ayos ka lamang ba habang wala ako sa iyong tabi?

Camille: Akala--- ko. Anong nangyari sa iyo?

Alfred: *Sabay yakap* Ikaw talaga alam mo naman na hindi ako basta-bastang namamatay. Watashi wa anata no gin, watashi no kindearu koto o wasuremashita ka? (Did you forget that I am your Silver, my Gold?)

Camille:  Watashi wa subete o wasuremasendeshita, shirubā. (I did not forget about everything, Silver.)


Lumipas pa ang ilang minuto bago ako tuluyang kumalma at tumigil sa kakaiyak.


Alfred: Ano ang gagawin ba ang binabalak mong gawin? *Sabay kalas sa yakap*

Camille: Ano... kukuha lang sana ako ng mga buko.

Alfred: Aanhin mo naman ang mga buko? Kakainin at iinumin mo ba iyan?

Camille: Hindi... nais ko sanang ipadala ko ito sa mga kaibigan ko sa Confusa.

Alfred: Miles... bakit ka magpapadala niyan sa Confusa? Akala ko ba'y kalaban sila pero bakit nagkaroon ka ng mga kaibigan doon?

Camille: Sila Amber at Ken ang tinutukoy ko.

Alfred: Ah... akala ko naman kung sino na ang tinutukoy mo.


Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi ko naman magagawang magsinungaling sa aking kaibigan lalo na kay Alfred. Masyado na kaming maraming pinagsamahan para lamang magsinungaling ako sa kanya.


Camille: Ang ibig kong sabihin ay...

Alfred: Ang ibig mong sabihin ay ano, Miles?

Camille: Ang ibig kong sabihin ay hindi ko ito ipapadala para sa aking mga kaibigan. Ang ibig kong sabihin ay ipapadala ko ang mga ito para sa Prinsipe ng Confusa.

A Gangster is a REAL long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon