Special Information

3K 65 8
                                    

 Hello! this is AJ-TheRisingPrincess a.k.a. Miss Violet. Wow! bago ako magbibigay ng information I just want to thank all of the readers that spent time reading this story. Starting chapter 1 until chapter 30 ay nabasa ninyo ang love story ng team KeAn. Ngayon naman ay mababasa ninyo ang story ng kanilang anak na si Abigail. Iyon pa lang ang na pag-planuhan ko pero pwede pa naman ma-extend or ma-level up ang ideas ko. I'm very thankful as of 2014 November 27 ay nagulat na lang ako na naging 2950 reads 58 votes 16 comments. Nang December 31, 2014 ay pumalo na ng 4730 reads ang story na ito. Para sa akin ay malaki na ito kaya thank you. Hehehe hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya magsimula na lang ako sa mga informations. By the way Happy New Year!!!!!!!!!!!

Scarlet Gang

FIRST GENERATION INFORMATION

 Ito ay binuo ni Camille Angel Smith. Binuo niya ito para turuin ang mga kabataan na protektahin ang kanilang sarili. Dahil sa pangyayari ay natutuhan nilang protektahin ang kanilang sarili at mahal sa buhay. Ang Scarlet ay may parang sub-unit kung ito pa ay banda. Ito ay tinatawag na Scarlet Royalties. Ang Scarlet Royalties ay binubuo lang ng tatlong tao at nagngangalan silang Gold, Silver at Bronze. Sa tatlo nangunguna si Gold at sumunod naman si Silver at pati na si Bronze. Ngayon sinabi naman ni Camille Angel Smith na ipapasa ang titulong Gold, Silver at Bronze kapag magreretiro na ang naunang humawak sa titulong ito.

FIRST GENERATION ROYALTIES

    Gold - Camille Angel Smith

     Silver - Alfred

      Bronze - Clay

 Sa susunod na henerasyon balak ipasa ang titulong iyan. Para naman mapatunayan na karapat-dapat ka sa titulong iyan ay kakailangang may mga katangian ka na nagpapatunay na karapat-dapat ka sa titulo. Ang Scarlet Gang ay ang pinakamalakas na gang sa buong kapuluan ng Incendia. Sila ay mga pawang mga beterano sa pakikipaglaban. Ang lahat ng miyembro dito ay malalakas. Ayon na din sa pamamalakad ng Scarlet Gang kapag ikaw ay baguhan pa lang sa grupo ay hindi ka pa tunay na miyembro. Kung baga ay isa ka pang trainee at para maging tunay na miyembro ka talaga ay kakailanganin mong makapanalo ng isang laban sa kahit na sinong miyembro na ng organisasyon o di naman kaya ay bigyan mo ng magandang laban ang kalaban mo na siya naman ang maghahatol kung magiging miyembro ka na o isa ka pang trainee.

SECOND GENERATION INFORMATION 

 Dahil sa lumipas na mga panahon na ang nakalipas sa Scarlet Gang ay madami ng trainee na naging miyembro na. Ang mga hindi pa legal na mga edad na mga kabataan ay sa murang edad ay nagiging miyembro na. Kaso nga lang sa dami na ng miyembro ay nahahati na sa division ang gang. Una na dito ang Scarlet Royalties. Pangalawa, ang Scarlet Seniors para sa mga matatanda na mga miyembro. Pangatlo, ang Scarlet Juniors para sa mga kabataang bata pa lamang ay naging miyembro na ng organisasyon. Ang pangapat at huli na bahagi ng organisasyon ay ang Scarlet Newbies para sa mga baguhan nasa unang pagkakataon pa lamang nila mararanasan ang training.

 Dahil sa lumalaking populasyon ng organisasyon ay kung saan kalupaan ng iba't ibang bansa ay makakita ka na ng Scarlet Gang. Para mapatunayan na miyembro ka nga ng organisasyon na ito ay kailangang may tattoo ka sa kahit anong parte ng katawan mo ng simbolo ng grupo. Dahil sa natatag na ang bagong division na Scarlet Juniors ay mga titulo na din silang ginawa na siyang mga posibleng papalit sa pwesto ng naunang humawak sa pwesto sa Scarlet Royalties. Ang mga susunod ay ang mga titulo na ginawa para sa Scarlet Juniors:

A Gangster is a REAL long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon