Chapter 23 - Love Sick

3.4K 95 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Matheus Luke Alexander Wang's Point of View


Ako'y nagtataka kung nasaan na nga ba si Angel sapagkat dapat kanina pa siya dumating dito at dahil dito'y ginugulo ko na ang aking buhok. Napansin ko naman na nababahala na ang aking mga tagalingkod pero hindi ko na sila binigyan ng kahit na anong atensyon.


Head Servant Lucas: Your Highness, calm down. I'm sure that Major General Camille is within the area by now.

Matheus:Head Servant Lucas.

Head Servant Lucas: Yes, Your Highness.

Matheus: Kanina mo pa iyan sinasabi sa akin!!! Maari bang tumahimik ka na muna?!!


Nagpapunta naman si Head Servant Lucas ng mga tagalingkod pero hanggang ngayon ay hindi pa sila bumabalik. Kung may iba naman na nakakabalik ay wala din naman silang kahit anong balita. Kinakabahan naman na umalis sa aking harapan ang Head Servant Lucas  at tumungo sa iba pang tagalingkod. Kahit ano man ang ingat nilang pag-uusap ay naririnig ko pa rin sila.


Head Servant Lucas: Just what His Highness is saying? *Frustrated* I cannot understand a single thing that His Highness said!!!

Servant 1: Head Servant Lucas, shall we go to look for Major General Camille?

Servant 2: Yes, Head Servant Lucas. I'm also starting to get worried for His Highness, Head Servant Lucas.

Head Servant Lucas: Right! Both of you go. We don't have that much time now! His Highness is showing the same symptoms.

Servant 1 & 2: Yes, Head Servant Lucas.


Agad ko naman nakitang umalis ang dalawang tagalingkod pero wala doon ang aking atensyon dahil wala akong pakialam ngayon sa kanila. Ang aking isipan ay nasa kay Angel sapagkat ako'y nababahala sa kanyang kalagayan. Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili sa pag-iisip dahil baka mamaya'y may nangyari ng masama sa kanya. Papaano na lamang kung mga kalaban na bigla na lamang umatake sa loob ng palasyo? Siya ba'y nasugatan o kung ano?! Hindi ko tuloy maintindihan ang aking sarili at para bang nasisiraan na ako ng bait.


Camille Angel Smith's Point of View


Kakalabas ko pa lamang sa bulwagan ng Reyna pero hindi ko pa din naalis sa aking mukha ang tuwa na aking nararamdaman sapagkat tuluyan na talaga akong umaamin sa aking sarili. Sa ngayon, ang aking tanging hiling ay hindi ito kailanman malaman ng aking mga kalaban. Iyon lang naman ang aking pinakapangangambahan sapagkat kapag malaman nila ito'y gagamitin nila ito bilang aking kahinaan.

A Gangster is a REAL long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon