Chapter 30 - The last mission

3.5K 84 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Camille Angel Smith's Point of View


Maaga pa lamang subalit ako'y gising na at pagkalabas ko pa lamang sa silid ay agad kong napansin na marami na ang naunang nagising kaysa sa akin. Kasalukuyan na naghahanda ang lahat at bakas sa lahat na hinati na nila ang kanilang mga sarili sa mga pangkat at napatango na lamang ako ng makita na ayos lamang ang lahat. Sa tingin ko'y kailangan na lamang namin ay dumating ang tamang oras.


Camille: I better do my own preparations.


Fast Forward...


Patapos na ako sa aking paghahanda ng naramdaman kong lumapit ang dalawa sa akin.


Camille: Ang lahat ng aking inutos, nakahanda na ba ang lahat?

Amber: Huwag kang mag-alala. Nakahanda na ang lahat ng ating kinakailangan. Nakikita mo ba ito? *Pakita* May buhangin na sa loob.


Medyo nakakahinga na ako ng maluwag kahit papaanong hakahanda na ang lahat. Sa tingin ko'y ang aking aalahanin na lamang ay ang paglusob sa kota ng mga kalaban.


Camille: Kayo ba'y alam na ninyo ang dapat ninyong sasabihin sa lahat?

Ken: Alam na namin ang aming sasabihin, Camille.


Mas nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang sagot ni Kenneth sa akin.


Camille: Ang sulat na aking pinahanda?

Amber: Ayos na din ang sulat.

Camille: *Tango* Bilang nakahanda naman ang lahat ay wala na akong alalahanin pa. Huwag ninyong kalimutan na sumunod na agad sa amin matapos ang walong araw.

Ken: Oo, huwag kang mag-alala. Susunod din kami matapos ang walong araw.

Camille: Isa pa, huwag din ninyong kalimutan na maging maingat at kung may kailangan kayong pag-usapan tungkol sa isang mahalagang linggwahe ay gumamit kayo ng ibang linggwahe. Huwag din kayong magpapahuli sa mga kalaban.

Amber: Oo, Camille.


Nang dahil sa kanilang ikinikilos ay agad akong nagtaka sa kanilang ikinikilos na para bang may hindi sila sinasabi sa akin na isang mahalagang bagay.

A Gangster is a REAL long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon