B1-Imprisoned (BlakishMars)

56 7 2
                                    

📕Author: BlackishMars
📕Story Title: Imprisoned
📕Critic Member: Violet Violet_Ybrehl07

📌Paalala

Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan. Panatilihing bukas ang iyong isipan sa iyong mga mababasa sa kabanatang ito.

📌Maaari lang magtanong o maghayag ng iyong saloobin ukol sa aking mga isinulat dito.

Pinagbasehan ko lamang ang laman ng iyong akda na chapter one hanggang chapter four.

💥Book Cover

Ang lakas ng impact sa akin ng book cover mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang lakas ng impact sa akin ng book cover mo. Bagay na bagay sa title mo. But your Genre is Teen Fiction. Parang mas bagay ang book cover mo sa Mystery Thriller.

💥Title

Nag-search ako gamit ang title mo. Medyo marami ang lumabas na result. It means, gamit na masyado ang title mo. Subukan mong gumamit ng thesaurus para makakita ka ng unique words na magfi-fit sa story mo.

💥Opening

Ang sabi mo sa form mo ay wala kang prologue. Pero nang binasa ko ang story mo. Pwedeng-pwede mong gawing prologue ang chapter one mo. Since parang intro siya ng buong story mo.

💥Conflict

Ako lang ba or talagang magulo ang kwento? Marami akong napansin na loopholes like anong nangyari sa past niya? Ano yung dahilan kung bakit sila nagkahiwalay? Anong dahilan ng hero para iwan ang heroine? Hindi mo napanindigan ang conflict mo kaya medyo na-confuse ako. Maybe provide some chapter to explain everything about their past at kung ano yung pinakapinag-ugatan ng lahat.

💥Plot

I can say na unique ang plot mo. Since hindi pa ako nakakabasa ng ganitong plot. Since teen fiction ang story mo. Inaasahan na ang love story. But you put some spice to your story which attracts me to read until the last part. Kaya good job ka diyan.

💥Setting

Hindi mo napakangatawanan ang setting mo. Nawawala yung pagde-describe mo sa story. Hindi ka lang dapat sa story nagfo-focus. Dapat mo rin itong bigyan ng pansin para mas madama at ma-project ng reader  mo ang mismong storya mo. I-describe mo ang lugar 'wag puro nararamdaman ng character mo.

💥Dialogues

Kung gagawa kayo ng dialogues always remember this rules

Always use comma (,) between the dialogues and the identifier like 'he said/she said'. Gagamit ka lamang ng period (.) Kung ang dialogues ay nasa hulihan. You also need to Capitalize the first Lettet on your Dialogues

Ex (disregard the parenthesis)

"Gagawin ko po yan(,)" sabi ni Anna.

Biglang nagsalita si Anna "Gagawin ko po yan."

If your going to use exclamation point and question mark the next letter will be capitalize.

"Akin na ito?" Tanong ni Anna.

"Akin na ito!" Sigaw ni Anna.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Akin naman talaga ito ahh!" Iyak na sabi ni Anna.

At kung mayroong dalawang dialogues sa loob nang isang paragraph always use comma in between like

"Umalis na si Anna," sabi ni Erika, "Hindi! Hindi ito maaari!" Sigaw ni Bea.

Isa kasi ito sa nakita kong major technicalities mo.

💥POV/Show vs. Tell

Pinagsama ko na ito since pareho mo itong strength bilang writer. Magaling kang mag-project ng naramdaman ng character mo. Mas naipapahayag mo ito ng maayos ang bawat emosyon dahil sa mga pinipili mong words kaya good job ka rin sa dalawang ito.

💥Format of Text

Yung spacing mo lang after ng mga punctuation ang medyo nakakainis sa storya mo. Overall format okay na okay. Every time na gagamit ka ng comma (,) at period (.) Laging may space na kasunod bago ka magsimula ng panibagong words. Yun lang naman ang napansin ko.

💥Grammar and spelling

Isa rin ito sa kalakasan mo bilang writer. Magaling kang mag-construct both english at tagalog kaya hanga ako sa'yo. Nasusunod mo ang tamang grammar at mga simple rules ng english at tagalog so keep it up.

💥Style

I think mas accurate at mas appropriate ang short story sa novel mo. Since maikli lang siya medyo hindi mo rin kasi napangatawanan ang teen fiction eh.

💥Conclusion

Ayusin mo lang yung punctuation mo at pagde-describe ng setting. Then kaunting edit lang okay na okay na ang story mo. Strength mo ang pagpapapalabas ng emosyon ng character mo. Pati na ang grammar mo. Kaya kung may i-i-improve pa ang mga ito gawin mo. I-welcome mo opportunity para sa bagong improvement para mas maging maganda pa ang ang writing skills mo.

💥Rating

4- above average

May pagkakataon kang makamit ang nais mo basta magsikap at magtiwala sa talento mo.

🔉comment inline you feedbacks about my critics to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

Kung may tanong ka don't hesitate to approach me. Sana maging maayos ang pagtanggap mo sa critics kong ito. Sana nakatulong ako sa'yo.

⏩⏩⏩

Posted by: Founder Seb.

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 1 - CLOSED]Where stories live. Discover now