B1-Si Maria (LetMaku25)

103 7 5
                                    

📕Author: Letmaku25
📕Story Title: Si Maria
📕Critic Member: Grey TheIntrovertStories

Pasensya na kung natagalan nang sobra pa sa inaasahan. Medyo abala kasi ako sa mga bagay-bagay na ginagawa ko sa labas ng mundong ito. So, ito na po.

-Lahat ng mababasa mo ay isang totoo at walang halong biro at panloloko. Huwag po sana kayong magagalit kung may masabi man akong hindi maganda. Iyon lamang at maraming salamat sa iyong pagtitiwala. Be open minded.

-May kanya-kanyang advice at kritik ang mga kategorya na nasa ibaba at hindi magkakatugma, o mas mabuting sabihin na walang koneksyon sa kung ano ang kinalabasan ng ibang kategorya. May kanya-kanya silang responsibility, at doon ako magpu-focus.

-Chapter One to Sixteen

💥Book Cover:
-Hindi ito masyadong naging patok sa panlasa ko. Napaka-simple, iyong punto na hindi ka maa-attrack kaya magbi-base ka nalang sa descriptions.

-Sabi nga di'ba "there is beauty in simplicity", pero sa tuwing tinitingnan ko ito ay wala akong nakikitang amor o iyong sinasabing willingness at thrill. Kasi ang ipinapakita mo lamang dito ay si Maria. Which is good sa part ng Title dahil mismong si Maria ang inilagay mo 'na ipinapakita mo kung ano si Maria sa larawan na iyan.

-Pero wala kaming nakikitang dahilan kung bakit dapat naming buksan 'yan, dahil sa simpleng pigura ng babae na kulang nalang lumabas ang cleavage at mahati sa gitna ang dress na suot niya.

-Napaka-simple niya sa paningin ko na tipong hindi ko pagkaka-abalahang tingnan man lang o buksan kasi wala itong dalang impact. May dalawa kasing tipo ang pagiging simple ng isang pabalat. Una, iyong simple na mahu-hook ka kaagad. Hindi kailangan ng madaming kolorete dahil iyong hinahanap mo ay nandoon na sa kanya. Pangalawa, iyong simple na walang dating. Basta inilagay ang font at itinapal ang pictures, okay na. That's a big no. Kasi ang pinag-uusapan natin dito ay kung ano ang magiging impact ng istorya mo sa mata ng mga mambabasa.

-So, I suggest na kahit simple ang gagawin mong pabalat ay dapat inilalagay mo na roon ang best mo. Sa pabalat nagsisimula ang lahat, though sabi ko nga sa ilang nakritik ko na 'na nakakawala ng sigla ang makitang maganda ang pabalat pero ang loob hindi, pero sinasabi ko rin na nasa mundo tayo kung saan maaaring ma-criticise ng kung sino ang kahit na anong parte ng akda mo.

-Make it simple but perfect. Nabasa ko na ang buong istorya bago ko pa man nagawa ang mga ito kaya, ang maipapayo ko lamang sa iyong pabalat ay lagyan mo ng twist. Twist na makikita sa awra at sa effect. Kasi habang binabasa ko ito, nararamdaman ko iyong pagka-dark ng aura, kaya itulad mo iyon sa pabalat mo. Hindi rin bumagay ang font mo. Imbis na kulay puting font, bakit hindi mo gawing mas manipis at manipulated. Ibahin mo rin ang kulay para sa mas ikaka-catchy ng pabalat.

💥Title:
-SI MARIA. This is new to me. Madami akong naisip sa pamagat mo. Si Maria na probinsiyana. Si Maria na mahinhin. Pero sa nakita ko sa pabalat mo ay ibang-iba si Maria. Kaya pumasok naman sa utak ko ang mapusok na si Maria.

-Hindi ko masasabing kakaiba dahil noong hinanap ko na siya dito mismo sa wattpad ay marami na siyang katulad. Maraming lumabas at hindi ko makita ang akdang ito sa mga magkakasunod-sunod na lumabas. So meaning hindi na siya ganoon ka-catchy kasi marami na siyang ka-doble.

-At dito ka mas mati-thrill. Dito mo mas dapat na galingan. Be different in your own way.

 Be different in your own way

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 1 - CLOSED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon