B1-Demon Inside Him (NaverGirl)

14 3 3
                                    

📕Requester: NaverGirl
📕Title: Demon Inside
📕Critic Mentor: MadHanuelkim

➡️Sorry for the long wait. I hope hindi mñ masamain ang mga nakalagay dito.

➡️I read your book from Foreword-VI

💥Book Cover:

📌Bagay naman ang cover mo para sa story mo 'yon nga lang sumablay lang siya sa font text at color

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

📌Bagay naman ang cover mo para sa story mo 'yon nga lang sumablay lang siya sa font text at color. Mahirap talagang pumili ng tamang font sa cover pero kailangan para mas appealing siya sa mga readers.

💥Title: Demon Inside Him

📌I think perfect 'yong title para sa story mo 'yon nga lang may mga ilan lang siyang story na kapareho ng title. Pero tingin ko naman naiiba 'yong sa'yo.

📌Nagtataka lang ako kasi bakit ang title mo ay Demon Inside Him siguro mare-reveal lang siya kapag mga bandang nasa kalagitnaan na ang story. Babae kasi ang bida mo which is Ava kaya nagtataka ako kung bakit him ang nakalagay sa title mo pati sa cover mo.

💥Opening

📌Napakaganda ng ginawa mo sa umpisa pa lang ng kuwento mo. Kahit sino atang matino matatakot kapag may naririnig kang bumubulong diyan sa tainga mo.  Parang feeling mo nababaliw ka na pero hindi naman talaga. Nangyari na kasi sa'kin 'yan pero hindi ko na lang pinapansin. Kailangan lang siguro maging matapang ni Ava at huwag i-entertain 'yong mga ganyan.

💥Setting

📌Ito lang ang nakakalimutan mo minsan sa story mo. Mahalaga kasi kung kailan at saan ginaganap 'yong story mo. Kung halimbawa wala 'yan sa story mo magiging limitado ang imahinasyon ng readers mo dahil mapapaisip sila kung saan o kailan nangyari ang nasa kuwento mo.

💥Dialogue

📌Sa umpisa hanggang apat na chapter okay pa 'yong haba ng mga dialogues mo

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

📌Sa umpisa hanggang apat na chapter okay pa 'yong haba ng mga dialogues mo. Pero pagdating sa mga sumunod na chapter mahahaba na 'yong iba.

📌Kailangan kasi kapag gumagawa tayo ng dialogue 'yong sakto lang para hindi nakakapagod magbasa ng kuwento. Kung halimbawa ikaw ang reader tapos magbabasa ka ng ganyang kahaba na dialogue ano mararamdaman mo?

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 1 - CLOSED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt