B1-Agony of Lunatic (Handfetch)

34 4 5
                                    

Title: Agony of Lunatic
Author: handfetch
Critic Mentor: MissReferee

-PANIMULA TO HARAYA 15-

💥Book Cover:
-Nararamdaman ko ang pagiging horror vibes nito dahil sa ibinibigay na imahe ng iyong pabalat, ang pagka-dark nito at sa font. Pero napakasimple nito, may dala naman siyang impact sa mga mata ko kaso kung pagbabasehan sa kwentong nakapaloob dito ay walang pagkakatulad. Kumbaga magkaiba sila, at dapat doon pa lang sana ay maikonekta mo na ang nakikita namin mula sa labas at sa magiging takbo nito sa loob.

💥Title:
-Para sa akin, kakaiba na ito. Hindi siya simple, dahil sa mga kahulugang ipinipresenta ng pamagat. Madaling basahin, madaling matandaan at dito ko masasabing naikonekta mo nang buo ang nilalaman ng libro mo. I really like it kasi kung hindi mo siya susuriing maigi ay magmumukha talaga itong horror, pero nang simulan ko na siyang basahin ay namangha na lang ako. 'So, this is it. Ito pala 'yong ibig sabihin nito.' Hindi man siya ganoon ka-bulgar pero mararamdaman mo na 'yong kakaibang presensya na iyon na 'yong kahulugan noon. Na kung hindi mo babasahin ng masinsinan ay hindi mo maiintindihan ang konek ng title sa buong kwento.

💥Opening:
-Okay naman ang blurb kasi sinabi mo na rito 'yong mga dapat naming i-expect at iyong mga hindi dapat in a simple way, pero kahit ganoon ay ginawan mo pa rin ng ibang paraan, kung bakit namin ito ipagpapatuloy pang buklatin. Hindi naman ganoon ka bongga pero catchy.

-Sa Panimula, pinagsama-sama mo rito 'yong mga bible verse na maaaring may kaugnayan sa plot at nahihiwagaan lang ako ng kaunti kasi malayo siya sa pinaka-kwento. Kung hindi kasi pagbabasehan ang blurb at dito ako magpu-focus, ang resulta ay matataranta ako. Bakit? Kasi purong Bible verse ng Christian ang inilagay mo at nakakagulo iyon kung nagsisimula ka ng magbasa, kasi nga wala ka sa topic na iniwan mo sa panimula. Kasi ang ini-expect ko nga rito ay 'yong parang pang FALLEN talaga na tungkol lang sa Diyos.

-At ang resulta ay mas konektado pa ang blurb mo kesa sa naging panimula mo.

💥Conflict/ Plot:
-Paborito mo ang mga libro, fan ka ng mga anime, manga at movies. Halatang-halata iyon, at nahiya naman talaga ang kakaunti kong nalalaman dahil sa dami mong nabasang mga libro. Kaya tuloy ako ay biglang napapa-search ng bonggang-bongga dahil sa mga tauhan mong napakahalaga, at kung hindi mo sila kilalang lahat ay magmumukha kang tanga kakabasa sa kwento na may konektado sa takbo nito. Lol.

-Actually, Hindi ko makita ang magiging plot at conflict ng kwento mo, kasi parang wala pa ako sa kalagitnaan eh, kulang na kulang pa lalo na't paiba-iba ka ng tauhan. Hindi mo pa sila naipagtutugma-tugma sa iisang hangarin o sa iisang adhikain ng libro, na pakiramdam ko ay napakahalaga ng magiging papel ng bawat isa sa kanila. Tulad nga nang tatlong magkakaibigan.

-Gustong-gusto ko kung paano mo sila i-sway sa saliw ng hangin na napakabanayad. Paunti-unti mong maiintindihan ang lahat sa oras na mabasa mo ang buong kwento.

💥Setting
-Wala akong masasabi rito, kasi gustong-gusto ko ito, every names, every details, every meaning na nakapaloob, actually, ganoon talaga ang mga tipo ko. Medyo magulo man sa una, pero habang tumatagal ay napagtatagni-tagni ko naman ang mga pangyayari.

-Nagkakaroon lang ako ng issue sa mga lugar na nakalakip sa tuwing nababanggit mo sa pagsasalaysay ang mga lugar, na hindi saklaw sa mismong kwento. I mean, iba kasi 'yong ipinapakita mong lugar sa loob ng kwento, at iba naman itong idinadagdag mong impormasyon sa pagsasalaysay.

-Saan ba talagang bansa? Nandoon na tayo sa kalidad ng pagkakagawa mo sa buong istorya pero, naisisingit mo pa rin yung mga diyos-diyosan ng kapwa nating Pilipino, which is nakakalito. Parang ang ginawa mo kasi, pinag-isa mo sila ng mundo, ng bansa. 'yong mala-dark world na kwento at sa kwento naman ng mga kanunu-nunuan natin.

💥Show versus tell
-Of course, showing ang ibinahagi mo sa amin. Sobra pa nga, dahil sa mga aral na nakalakip doon. I really love it. Kasi mababasa mo talaga rito 'yong mga nangyayari sa ngayon. 'Yong mga kinagawian ng lahat. Makikintalan ng aral, ang bawat pangungusap na iyong ibinibigay.

💥Format of the text
-Sa spacing, doon medyo nagkakaroon ka ng problema. Nakakatamad po talagang magbasa ng mga napakahabang paragraph, kaya kahit sana gawin mong tatlo o dalawa ang bawat isa sa kanila.

💥Grammar and spelling
-May mga typos ka, nalilito ka kung kailan dapat palitan ng U ang O.

*Sinang-ayonan = sinang-ayunan
*kaanyôan = kaanyuan
*Lubosan = lubusan
*Kalayoan = kalayuan
*Kamundohan = kamunduhan
Ilan lamang iyan sa mga nakuha ko...

-May issue din talaga ako rito. Laki ako sa probinsya at nang mabasa ko 'to, na-confused ako bigla. Napapatanong ako sa ilang mga words na, pakiramdam ko eh hindi isang Filipino words... Actually, okay naman 'yon sa akin, kung ako lang ang magbabasa kasi naiintindihan ko iyon, pero paano na lang iyong ibang mga hindi taga-probinsya? Maiintindihan kaya nila 'yon?

💥Style / Point of View / Characterization / Dialogue
-Wala akong maisa-side comment dito kasi wala talaga akong makitang pagkukulang sa nagawa mo, kung sa akin ibabase.

-Pero sasabihin ko rin ang ilang disadvantages ng style mo, na ire-reflect ko sa maaaring magbabasa sa future.

-Makakaramdam ng pagka-boring ang mambabasa mong walang tiyaga dahil na rin sa magkakaibang senaryo ang inilalantad mo. Sabayan pa nang mga mahahaba mong paragraph.

-May na-encounter na akong ganitong way at sa Webtoon naman iyon, kaya parang iyon na lang ang iniisip ko para hindi ko pagtakhan ang mga nangyayari.

-Ang tema ng kwento, masyado ring magulo. Kasi nakikita ko siya sa an old cultures dahil nga sa mga tauhan na inilalapag mo, sa mga senaryo, sa mga pamahiin, as in sa lahat, pero napapansin ko rin na may halo itong pagkamodernisasyon -ngayong panahon mismo natin, na maunlad na. Dahil din sa pagsasalaysay mo. Pakiramdam ko pinagku-combine mo sila. Ang panahon noon, at panahon ngayon, panahon ng mga diyos-diyosan at panahon ng mga ekstra-ordinaryong mga nilalang.

-May mga kilos ka kasing ibinabahagi na napaka-komplekado, na malayong-malayo sa modernisasyon o sa mga nangyayari talaga ngayon.

-But still I really like your writing style, hindi man halata pero mas gusto ko ang magbasa ng purong tagalog, at mas naiintindihan ko iyon kesa sa English... Magaling ka rin sa paggamit ng third point of view, pero siguro ang disadvantages lang nito ay hindi ko makita ang personalidad ng bawat isa sa kanila... Ang hirap nilang hagilapin kung ano yung dapat naming maramdaman sa tauhan na iyon, katulad ng kay Faust, alam ko na kung anong minimithi niya, ipinapakita mo na iyon, pero may kulang... Hindi ko ma-adopt kung ano yung purpose niya sa story. Kung magiging kontrabida ba siya o isa sa mga iyon... Hindi ko makita yun... Kasi napaka-smooth niya basahin, banayad ba kumbaga. Katulad lang nang mga nakalipas na kabanata... Iniisip ko na lang na parang isa siyang nakakatakot na nilalang sa mundo nila...

💥Conclusion (strenght and needs improvement):
-Wala na akong masasabi pa, kundi a very very good job! Nai-inspire akong magbasa ng mga salinlahi ng mga Pilipino dahil sa pagsasalaysay mo haha... At nagpapasalamat ako/ kami dahil isa ka sa bumubuhay sa literatura ng mga Pilipino at ng buong Pilipinas.

💥RATINGS: 4.75%

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

Hi. Wow! After so many years ay natapos ko din haha. I'm really really sorry for this late critique. Actually, ang dami kong gustong itanong tungkol sa kwento mo pero hindi tayo nagkakaparehas ng oras, dahil sa sobrang busy ng schedule ko. I'm sorry again. At ang masasabi ko lang ay, sobrang thank you for the opportunity to read your amazing work. Good luck, and God will bless you. Thank you for trusting me.

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 1 - CLOSED]Where stories live. Discover now