B1- The Real Reason Why (simplyimperfectgirl)

26 7 1
                                    

📕Author: simplyimperfectgirl
📕Title: The Real Reason Why
📕Critic Member: Violet_Ybrehl07 (Violet)

📌Paalala

Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan. Panatilihing bukas ang iyong isipan sa iyong mga mababasa sa kabanatang ito.

📌Maaari lang magtanong o maghayag ng iyong saloobin ukol sa aking mga isinulat dito.

📌Pinagbasehan ko lamang ang laman ng iyong akda na chapter one hanggang chapter Five.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book cover

Wala akong masabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wala akong masabi. 👏👏👏 Ang ganda ng book cover mo. Though wala siyang character, maganda pa rin ang kinalabasan. Parang yung mga nauusong Book Cover ngayon na more on Background.

💥Title

For me, too common na ang title mo. Hindi ko naman sinabing pal'tan mo but, it's up to you if you still want to change it. Mas maikli, mas unique, mas malaki ang chance na mas marami ang magbasa.

Suggestion ko lang ha! 'Wag kang magagalit.

🌠Chimerical Relationship 🌠

⏩Chimerical
1 : existing only as the product of unchecked imagination :
fantastially visionary or improbable.

Sa madaling salita, imaginary Relationship.

Since nabuo na sa isip kong heavy drama ang mangyayari, may panglolokong mangyayari and so on...

Nasa sa iyo pa rin ang desisyon kung susundin mo o hindi 😊😊 hindi kita mapipilit.

💥Opening

'Yung chapter one masasabi kong mas akma siya sa prologue. 'Yung prologue mo mas akma sa Story Description. Yan lang ang masasabi ko. The rest okay na para sa akin

💥Conflict

Habang binabasa ko yung story mo, natapos ko na yung chapter 6 pero hindi pa rin Visible yung progress ng Conflict. Masyadong mabagal ang pacing.

Kapag nagsisimula ka ng story ang introduction ay dapat one to three chapters lang. Dapat nang magkaroon ng progress ang storya mo nang sa gano'n hindi ma-boring ang mambabasa mo.

💥Plot

Ang hinuha ko sa plot line mo ay betrayal. Lalo na sa mga clue na nakahain sa prologue. Hindi pa visible ang conflict kaya mahirap magsabi kung clichè ba ang storya mo o hindi.

💥Setting

Hanga ako sa'yo sa part na ito. Hindi mo kinalalimutan ang paglalahad ng itsura nang lugar. Lalo na yung sa part ng canteen at Classrooms na-i-imagine ko ng maayos kaya good job ka.

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 1 - CLOSED]Where stories live. Discover now