Four

20.7K 932 66
                                    

Nakakatakot nga talaga ang makaramdam ng sobrang kasiyahan dahil malaki ang posibilidad na bawiin ito sa'yo kaagad. Matapos makita ni Trinity na may girlfriend pala si Steven, dinistansya niya na ang sarili niya. She felt lost all of a sudden.

Pero isa lang ang iniisip niya, she's no cheater. Tama lang na mag-iwasan sila ni Steven pero hindi iyon pinapadali ng lalaki para sakanya. He kept calling and texting her. Minsan ay inaabangan pa talaga siya nito sa labas ng classroom niya o 'di kaya'y sinasadya sa sorority house nila.

"Isla, why are you avoiding me?" Kanina pa habol ng habol si Steven sakanya. Hindi na niya nagugustuhan ang atensyong nakukuha nila sa mga estudyante. Marahil nagtataka ang mga ito bakit siya sinusundan at tila sinusuyo ni Steven.

Tumigil siya at huminga ng malalim tapos ay hinarap si Steven. He looks so tired and she misses him pero mali kung ipagpapatuloy pa nila ang lihim nilang ginagawa.

"Mag-usap tayo, seven pm mamaya sa gilid ng gym," iyon lang ang sinabi niya at tsala lang siya umalis at nagmamadaling makalayo kay Steven.

Ito na ang huling araw ng klase dahil semester break na kaya wala naman na masyadong ginagawa. Iilan nga sa mga klase niya ay tapos na at ginawa nalang free period kaya ginugol nalang niya ang mga oras na iyon para makapag-isip isip.

Mahirap, sobrang hirap. Mahal na niya si Steven pero kailangan niyang manindigan sa alam niyang tama at iyon ang itigil ang kung anumang namamagitan sakanila dahil kung siya si Rebecca ay tiyak na masasaktan siya ng husto kapag nalaman niya na ang lalaking mahal niya ay niloloko siya.

Sumapit ang alas siyete ng gabi ay nagtungo na siya sa gilid ng gym kung saan nila napagkasunduang magkita. Naabutan niya roon si Steven na nakasandal sa may pader at nakatingin sa ibaba na parang may malalim na iniisip. Tumikhim siya para makuha nito ang atensyon. Tumayo ito ng tuwid nang makita siya.

"Akala ko hindi ka na sisipot," sabi sakanya ni Steven.

Ngumiti siya ng tipid. "Marunong ako tumupad sa usapan."

Steven walked towards her and tried to reach her hand but she backed away from him. She can't let him touch her dahil baka mamaya ay mawala siya sa sarili at makalimutan nalang ang dapat niyang gawin.

Halata ang gulat sa mukha ni Steven kasama na roon ang pagtataka.

"May problema ba tayo?" tanong nito sakanya. Nagbuga din ito ng hininga na tila ba pati ito ay nafrufrustrate na rin sa sitwasyon nila.

Humugot ulit siya ng malalim na hininga. "Let's end this, Steven."

Nagsalubong ang mga kilay nito at nakita rin niya na umigting ang panga nito, halatang nagpipigil ng emosyon. "Why?"

Umiling siya. "Dahil ayoko na."

Steven scoffed as if he finds her answer funny. "You're not the only one who has a say on this, Trinity."

Trinity. He called her by her first name so she assumes he's mad now. She never seen Steven so mad before. Ngayon lang.

"Please, let's just forget this whole thing happened," pakiusap niya.

Umiling-iling si Steven at sinuklay ang buhok gamit ang daliri, ang isang kamay nito ay nakapameywang.

"Then give me at least one fucking reason why we should stop!"

"Rebecca!" she shouted at him. Her lips quivered. Don't cry!

Natigilan si Steven. He looked shocked. She wanted to shout, punch and slap him for making her look like a fool but she didn't. Mas lalo lang niya mapapahiya ang sarili dito kapag ginawa niya iyon. Dapat ipahalata pa rin niya na hindi siya naaapektuhan. She should at least save her pride.

ZWCS#9: Playing with FireWhere stories live. Discover now