Eleven

19.1K 929 152
                                    


Hapong-hapo na napaupo si Trinity pagkapasok nila sa loob ng sorority house. That encounter with Paulina made her scared. Knowing that woman, she's sure that the pictures will be out in the public in no time.

"Here, drink this first." Cassie said while giving her a glass of water.

Umiling siya. "Okay lang ako." Sabi niya then with her trembling hands, she tried to call Steven but he can't reach him.

"Trinity.."

"Stop. I don't want to talk about it." Sabi niya sa mga kaibigan niyang nasa harapan niya ngayon. Her tears fell when she saw their looks. Naaawa sila sakanya pero alam niyang walang panghuhusga sa mga mata ng mga ito pero hindi pa rin niya maiwasan na maguilty at mahiya sa mga pinaggagagawa niya.

Tumayo siya at pumanhik sa kwarto niya at nagkulong hanggang sa makatulugan nalang niya ang pagtawag kay Steven.

--

Sunod-sunod na katok ang narinig niya na dahilan upang magising. Pupungas-pungas niyang binuksan ang pinto at bumungad sakanya si Generose.

"What's the problem?" She asked.

Generose has always been the gentle one of their group. Maamo at mahinhin ito kaya kapag tinititigan mo ang mukha nito ay baka mapagkamalan mo na anghel dahil sa pagkaamo ng mukha nito. And right now, she's giving her that worrying face of hers.

"Your parents are downstairs."

Biglang kumabog ang dibdib niya nang malamang nandito ang mga magulang niya. She knows in an instant kung bakit nandito ang mga ito at inaasahan na din niya na hahanapin siya ng mga ito.

"The girls are out and I'm going out too para may privacy kayo." sabi ni Generose.

Wala sa sariling tumango siya at sinabayan ito na bumaba. Nakita niya ang seryosong mga mukha ng magulang niya na nakaupo sa sofa. Nagpaalam lang si Generose muna bago lumabas ng bahay.

Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng mga magulang at sinusubukan timbangin ang sitwasyon. Alam na alam niya na galit ang mga ito pero ang dahilan? Hindi niya pa sigurado kung tungkol nga iyon sa mga litrato na kinuhanan ni Paulina.

Malakas na ibinato ng Daddy niya ang isang brown envelope sa lamesa. Kinuha niya iyon at kahit may ideya na siya sa kung ano ang laman non, ay nagulat pa rin siya nang makita ang parehong mga litrato na ipinakita ni Paulina.

"Alam mo ba kung ano'ng kahihiyan itong ginawa mo, Trinity?" Mariing tanong ng Daddy niya.

Napayuko siya at napahikbi. "I'm sorry, Dad."

"Who is that guy?!" Dumagundong sa kabuuan ng bahay ang boses ng Daddy niya. Tumayo ito at mariin siyang tinitigan. Her Mom stood up as well to hold her Dad that is so close from strangling her.

She stayed silent. Steven's face is not recognizable in all of the photos. Siya lang talaga ang nakikita sa mga kuha.

"Trinity, sabihin mo kung sino ang lalaki na iyan. If that is your boyfriend, we can fix this mess you made." Mahinahong sabi ng Mommy niya.

Umiling siya. "He's not my boyfriend." Amin niya.

Mabilis na dinampot ng Daddy niya ang brown envelope at ibinato sakanya na tumama sa may dibdib niya. Kumalat ang mga litrato sa paligid niya na nagpaalala pa sakanya lalo ng mga katangahan niya.

"Then who is this bastard?! Malaking gulo itong ginawa mo, Trinity! These photos are already out in the public! Alam mo ang reputasyon ng pamilya natin pero pilit mong dinudungisan para lang makipaglandian sa iba't ibang lalaki?!"

ZWCS#9: Playing with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon